KIRA POV. (Gising na. Uy!! Kira) Naalimpungtan ako sa tumatawag saakin. Teka, boses ba 'yun ni Dean? Iminulat ko nang kaunti ang mga mata ko pero wala naman akong Dean Wolter na nakita. "Nag-iimahinasyon na naman ako..." Bulong ko. (Uy!!! Gising na. Wala ka bang balak pumasok at makita ako?) Napansin ko ang cellphone na nasa may tabi ko kaya kinuha ko iyon. Omo, ibig sabihin magdamag naka-call sa cellphone ko si Dean? (Gising ka na ba, Mine?) Nakaramdam na naman ako nang kilig ng tawagin niya ako sa endearment namin. Napag-usapan namin 'yan kagabi. "Opo, gising na po ako." Ang happy happy ko kasi, 'yung boses agad ng taong mahal ko 'yung naririnig ko. (Kumilos ka na. I'm on my way sa bahay mo. See you later) atsaka na niya ibinaba ang tawag. What? Papunta na siya sa bahay? Ma

