RENZ POV.
Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala. Si Derik ay si Dee? Yung pinagkakatiwalaan kong kaibigan ay isang taksil at anak niya pa ang nagsabi?
Papunta kami ngayon ni Nicole sa bahay ni Derik para hulihin siya at kausapin. Kami lang mag asawa at wala kaming kasama, kelangan na syang mahuli ngayong gabing 'toh.
"DERIK! LUMABAS KA DYAN!!" Sigaw ni Nicole. Bumukas naman ang pinto at si Derik ang nagbukas pero nang makita niya kami ay bigla niya ulit isinara.
Lumapit na kami sa pinto at sinira yun pero pagpasok namin ay wala na kaming Derik na nakita pa at tanging isang papel lamang ang nakita naming nakalagay sa sahig.
Now, you know who I am.
KIRA POV.
Urgh!! Gumugulo parin sa utak ko yung nalaman ko kagabi na bampira ako. Hindi ko talaga alam kung papaniwalaan ko ba yun o hindi? Hayyy, gutom lang talaga 'toh eh. Kakain nga muna ako.
Nakain lang ako ngayon mag isa dito sa cafeteria, may klase pa kasi si Dean eh tapos sina Zeus naman, sabi nila dito na sila mag aaral pero di ko naman sika makita kita dito? May nagtago kaya sa kanila?
Si Sam naman, ewan ko kung nasaan. Parang nakakatamad tuloy, wala man lang akong kasama ngayon. Nakahalumbaba lang ako ngayon at kinakain 'tong FITA na binili ko. Wala talaga akong gana eh kaso nagugutom ako, hehehe.
Maya maya pa ay nakita ko na lang sina Jessica na nasa harapan ko na at ang sama nang tingin. Mas lalo akong nawalan ng gana at nagutom.
"Ang landi mo talagang babae ka noh?" Hayyy, eto na naman siya sa mga nonsense saying's niya.
"Pwede bang diretsuhin mo na lang ako Jessica? Wala talaga akong gana ngayon..."
"Check it at CHIKATALKS," mataray nyang sabi tapos namewang pa. Kinuha ko na lang yung cellphone ko at tinignan yung site na sinabi niya.
HOT ISSUE >
[Kira Mae Yien, the BLOODY QUEEN was dating a three man?]
Nanlaki yung mata ko sa nabasa ko. May nakita din akong picture na nandun sa comment. Eto yung picture namin dun sa Starbucks matapos akong pingutin ni Dean sa ilong ko.
"Ano? Kamusta? Masaya ka bang makita kalandian mo babae?"
Tumayo na lang ako sa kinauupuan ko para umalis na pero hinila niya bigla yung buhok ko.
"Magsabi ka nga sakin babae ka. Anong kelangan mo sa tatlong yun? Kala mo ikinaganda mo na yan? Ganun? Layuan mo sila!!"
"Bitawan mo ko!! nasasaktan kaya ako."
"Eh kung ingudngud pa kita sa lamesa siguradong mas masakit yun diba?!" Nakangisi niyang sabi. Dapat talaga lagi na akong magdadala ng helmet eh. Ayaw ko talagang nasasabunutan ni Jessica.
"JESSICA!!! STOP THAT DOING DAMN b***h!!" Napatigil kaming pareho ni Jessica sa paggalaw atsaka namin nilingon ang lalaking bigla na lang sumigaw mula sa likudan ni Jessica.
Binitawan na naman ni Jessica ang pagkakasabunot niya sakin atsaka naman mabilis na lumapit sakin si Zeus at niyakap ako.
"Are you alright?" Tanong niya. Tumango lang naman ako bilang sagot. Kumawala na si Zeus sa pagkakayakap sakin atsaka niya naman hinarap si Jessica.
"Don't dare again to touch her hindi mo siya kilala Jessica." sabi ni Zeus.
"KILALA KO YAN ZEUS!! YANG BABAENG MALANDING YAN!! HINDI KO YAN MAKAKALIMUTAN!! INAGAW NA NGA SAKIN SI DEAN PATI BA NAMAN IKAW AT SI SAM. ANO BANG MERON SA BABAENG YAN?! BAKIT NIYO SIYA NAGUSTUHAN?! NGAYON NIYO LANG NAMAN SIYA NAKILALA, EH AKO NGA KETAGAL TAGAL NA SINCE MGA BATA PA TAYO NILA DEAN!"
Grabe, mukhang galit na galit sakin si Jessica. Ang creepy niya. Bigla naman natawa si Zeus. Para na siyang nababaliw? May nakakatawa ba sa sinabi ni Jessica?
"Walang kinalaman si Kira sa nakita mong chismis, Jessica." Ani Zeus.
"Anong wala? Ginagago mo ba ko Zeus?"
"Jessica. Pwede bang tumigil ka na lang? Wala siyang kasalanan kung magustuhan namin siya!"
A-Ano? G-Gusto ako ni Zeus?! Nananaginip na lang ba ko?! Sinampal ko naman bigla yung sarili ko. ARAY!! ang sakit pala, gising pala talaga ako.
"Don't dare again to hurt her. She's the princess." Mukha namang nagulat si Jessica sa sinabi ni Zeus.
"Uh!! Your making some kinds of joke agai----"
"No, I'm not. Take a look on her bracelet." Lalong sumasama yung tingin ni Jessica sakin sa mga sinasabi ni Zeus kaya nainis na din ako.
Nababaliw na ba si Zeus? Hindi niya ba feel na walang nakakaintindi sa mga sinasabi niya? Atsaka anong Princess---
Nagulat ako ng biglang hilain ni Jessica ang kamay ko atsaka niya tinignan ang bracelet na suot kong sabi ni Mama't Papa ay wag kong tatanggalin.
"Oh my god!! It's not true. It can't be!!!" Nagulat ako ng bigla siyang napaluhod sa harapan ko at umiiyak. Teka... Anong nangyayari kay Jessica?
"Je--Jessica, ano bang ginagawa mo? Bakit ka nakaluhof sa harapan ko?" Pilit kong itinatayo si Jessica sa pagkakaluhod niya pero mapilit siya at inilapad niya pa yung ulo niya sa sahig na para pang sorry na sorry siya sakin.
"Try to hurt her again? Don't you dare next time---"
"ZEUS ANO BA?" sigaw ko atsaka ko siya sinamaan ng tingin. Na-gagago na kasi ako kay Zeus. Kaya nagkakaganto si Jessica dahil sa kanya eh. Naiinis ako sa kanya.
Bigla namang hinawakan ni Zeus ang kamay ko atsaka na niya ako hinila paalis sa lugar na yun.
Teka? Galit ako kay Zeus eh!! Bakit ako nagpahila sa kanya? Atsaka saan niya ba ko dadalhin? Ahh!!! Bwiset ka talaga Zeus Dallo!
Nakita ko na lang na nasa may Green Field kami. Napatingin ako sa taas at ngayon ko lang napansin na covered lahat sa academy. Wala kang mararamdamang araw pag lumabas ka nang room, kahit na nasa FIELD ka pa.
"Do you know all?!" tanong ni Zeus na ngayon ay nakatalikod sakin.
"Taray mo na Zeus, may pa ENGLISH ENGLISH ka nang nalalaman and oo, alam ko nang bampira na ako pag nag-18 na ko." masaya kong sabi.
"How about me?" tanong niya ulit at humarap na siya sakin.
"Yes, I know na bampira ka din pati sina Jessica."
Bampira si Jessica?! OMO!! Ngayon ko lang ulit natandaan, buti na lang pala at dumating kanina si Zeus, kung hindi baka napatay na ko ni Jessica >______DEAN POV.
Nagising na lang ako, nag alarm na kasi yung relo eh. Ang sarap pa naman ng tulog ko.
"DEAN! Hindi parin umuuwi kagabi si Kulet." sabi ni Zeus na ikinagulat ko.
"Hinanap na namin siya sa lahat at kung saan saan pero wala kaming nakitang TAKAW." sabi naman ni Rey.
San naman nagpunta yung babaeng yun? nagrebelde? lumayas?
Urgh! Hindi nga siya nakapagpraktis kahapon ng basketball kasi akala ko nauna na syang umuwi dahil di niya alam na may praktis yun naman pala, wala pa din sa bahay.
Napakamot na lang ako nang ulo ko. Lintek! Kira Mae Yien nasan ka?
+++
Bumaba muna ko para mag agahan. Habang nakain ako, lutang parin yung utak ko kakaisip kung saan nagpunta si Kira.
Di naman yun lakwachera pero galaera yung babaeng yun. Teka, parang parehas lang naman yung sinabi ko ah?
Urgh!!!
"Dean, dumating na ba si Kira?!"
Kung ako kaya si Kira? Saan naman ako pupunta?!
"DEAN!!!" Literal akong napapitlig sa kinauupuan ko dahil sa sigaw ni Donna.
"Ano?!" tanong ko. Minsan nakakabwiset din siyang kapatid.
"Kung umuwi na ba si Kira?!" mataray nyang tanong tapos umungli lang naman ako.
"Aish!! Saan naman nagpunta yun si besty?" nakasimangot na sabi ni Donna. Oo nga, saan kaya pumunta yung babaeng yun?
"Good morning DEAN!!!" yan na naman 'tong babaeng 'toh. Nakaka bwiset lalo nang araw eh. Lagi na lang nawawala yung GOOD sa morning kapag nasigaw siya.
Tumayo naman agad ako nang upuan ko at lumabas na para sumabay kay Kuya Zane. Ihahatid niya kasi si Donna.
"Dumating na ba si Kira?!" cold na tanong ni Kuya Zane.
"Hindi pa rin eh." cold ko ding sabi.
"Dean naman! Napaka pabaya mo naman Dean! Babantayan mo na nga lang yung pinsan ko, di mo pa nagawa?!" Sigaw ni Kuya Zane. Oo, I admit. Napaka pabaya ko. Nakokonsyensya na ko. Bakit ba kasi ako ganito?
Damn it Dean!!! Damn it!!
+++
Nang makarating kami sa Academy, nanatili lang akong tahimik at lutang. Iniisip ko kung nasaan ngayon si Kira, kung okay lang ba siya? Kung buhay pa ba siy---
Teka, ano bang iniisip ko? Na patay na si Kira? Tangina, alam ko namang bad boy ako pero may konsyensya din naman ako sa mga kapabayaan at kinikilos ko.
"Dean!! Duma---"
"Hindi pa siya nakakauwi Sam," paningit ko agad tapos napa AHA na lang siya. Kelangan talaga pag nawawala si Kira sakin hanapin?
+++
Kira Kira, where are you!! Why are you hiding to us?
Nakain ako ngayon dito mag isa sa cafeteria at iniisip kung nasaan parin si Kira. Well, hindi ko pa talaga nagagalaw yung binili kong pagkain. Simula nung naupo ako sa upuang 'toh, doon ko lang na-feel na wala akong gana.
Hayyy, mahahanap ko kaya si Kira kung iniisip ko kung saan siya posibleng pumunta? Argh!!!
"Ahahahaha!!!"
"KIRA!!" sigaw ko pero, napatingin ako dun sa cellphone ko. Ano bayan, kala ko si Kira na yung natawa. Yung ring tone lang pala sa cellphone ko.
Nakakaasar, namimiss ko na tuloy siya. Binasa ko agad kung sino yung nagtxt.
From: 09*********
Hey Baby, want to know where is Kira?!
Wait, what is this Damn TXT? Niloloko ba ko nento? Pero hindi eh, kilala niya si Kira.
To: 09*********
Who is this damn txter?
From: 09*********
Hahaha, your not change... loves.
Wait, LOVES?
To: 09*********
CHESKA?!
From: 09*********
Ya! Loves, you remember me! haha xd!
To: 09*********
Where is Kira? Damn you Cheska pati skya dinadamay mo.
From: 09*********
Hahaha, I just want to play Loves. Forgive me.
To: 09*********
Where is she?!
From: 09*********
Oh! do you want to see her? We're here at abandoned warehouse. Subukan mong magsama nang iba Loves. The consequence will be bad.
Bintang niya tapos parang bigla na naman akong kinabahan.
Letche ka CHESKA!!!
To: 09*********
Damn you Cheska!! Don't call me 'Loves'
Wala na naman akong sinayang pang oras at umalis na agad ako dun sa Academy para puntahan si Kira.
KIRA POV.
Urgh!! Hindi na ko makatulog simula kagabi. Hinahanap kaya nila ako? O di kaya, wala na silang pake sakin at pinabayaan na lang nila kong mawala?
Mamamatay na kaya ko? Hayyy, di ko pa nga nasasabi kay Dean na mahal ko siya eh. Ano ba naman 'tong mga pinag-iisip ko, eh mamamatay na ko maya maya lang.
Bigla namang nagbukas yung pintuan ng warehouse at doon, pumasok si Cheska at madami siyang kasamang mga lalaki.
"We're just waiting him." Nakangising sabi ni Cheska habang naka-cross arms pa. Bigla naman lumapit sakin yung tatlong lalaki atsaka nila ako kinalasan ng kadena. Itinayo nila ako sa kinauupuan ko atsaka hinawakan sa magkabilang braso. Sinubukan ko namang pumalag sa kanila pero bigla na lang akong sinikmuraan nung isang lalaking hawak ang kanang braso ko.
Napaluhod naman ako sa sahig at napayuko. Ouch!! Ayaw ko na palang pumalag next time.
Tahimik lang kami ng mahabang oras hanggang sa makarinig kami ng mukhang may nag-aaway sa labas.
BOOGSH.
Sabay sabay kaming napatingin sa pintuan ng bigla may biglang nag wawalang pumasok doon.
"Dean!!!"
B-Bakit siya nandito? Mapapahamak siya dito!! Okay na sana kung ako na lang yung mamatay pero kung papanoorin niya kong mamatay kaya siya nandito? Ang sakit naman nun.
Nag-iinit na agad ang ulo ko habang iniisip ko ang sunod na mangyayari kapag namatay ako. Waaaah, magkakasabwat ba si Dean at Cheska sa planong 'toh?
Plano ba nila akong patayin sa simula palang para magsama na sila ng masaya kapag namatay ako?
Bigla namang lumapit kay Dean yung ibang mga lalaking kasama ni Cheska na may hawak na kahoy. Sabay sabay nilang inatake si Dean pero sabay sabay din silang inisa isang kalabanin ni Dean.
Nanlaki ang mata ko ng biglang maging bampira ang mga lalaking umatake kay Dean kaya nawalan ng laban si Dean sa mga yun.
"Dean!!!"
Wala akong magawa kundi ang sumigaw ngayon. Hindi na makalaban si Dean ngayon at nakahiga na lang siya sa sahig habang hinahampas hampas ng mga lalaking nakapaligid sa kanya.
"Oh, Loves!! Your finally here!" Mabilis na lumapit si Cheska kay Dean at niyakap ito.
Ang sakit na nga nila sa mata, ang sakit pa nila sa puso. Hayaan ko na nga lang, mamamatay na naman ako mamaya.
Napatingin ako kay Dean habang namumugto ang mga mata ko. Parang gusto kong maiyak habang yakap ni Cheska si Dean tapos nakatingin pa sakin si Dean ng masama.
Oo na, pasensya na kung ang dami kong problemang ibinigay sa kanya. Pasensya na kung masyado akong naging makulet.
"Let her go, Cheska." Mabilis na itinulak ni Dean si Cheska palayo sa kanya kaya natumba ito.
Bigla namang tumawa ng malakas si Cheska atsaka siya tumayo.
"Bigyan mo ko ng rason para sundin kita Dean. Alam mo bang gustong gusto ko na syang mamatay Dean!!! Inagaw niya sakin lahat!! Siya na lang lagi pati si Kuya Zane inagaw niya. Bakit ganun? Lahat kayo nasa kanya na lang lagi ang atensyon? Pati ikaw, inagaw niya!!" Tumulo ang mga luha ni Cheska habang sinasabi niya yun. Ngayon ko lang siyang nakita umiyak. Pero ang kapal talaga nentong si Cheska!! Inagaw daw? Eh mas gusto lang talaga ako ni Kuya Zane eh. Atsaka si Dean? Inagaw ko? Kelan? Hindi pa nga sakin si Dean eh!!
"So, papatayin mo si Kira? Kung ganun, then kill me instead."
"Dean ano ba yang pinagsasasabi mo!! Nahihibang ka na ba?? Nasisiraan ng ulo o ano?" sigaw ko sa kanya. Aba? Handa niya ba talagang i-alay ang buhay niya para sakin? Tapos pagnamatay siya ako naman 'tong mabubuhay ng punong puno nang konsyensya?
"Wag kang tanga Dean para sabihin ang mga katagang hanggang salita lang at hindi mo naman kayang gawin. I can't kill you Dean. I want you in despair kagaya ng naramdaman ko noong mga panahong iniwan mo ko. At ngayon, etong babaeng 'toh? PAPATAYIN KO SIYA NGAYON SA HARAP MO!!" inis na sabi ni Cheska. Hanggang ngayon nagtataka parin ako kung paano ba ako napasok sa Love Quarrel nila.
"Tandaan mo Cheska. Even if I'm in despair I won't comeback to you. I wouldn't and never ever. Kaya, I would kill myself instead if you can't. I'm ready to die together with Kira." cold na sabi ni Dean. Kitang kita ko sa mga mata niya ang galit at ramdam ko sa boses niya ang pagkaseryoso sa mga sinasabi niya.
"So handa ka talagang mamatay kasama 'tong babaeng 'toh? If that's the case, then I will kill you two together. I grand everyone's wish if it's about dying." Bigla namang nag-evil smile si Cheska na nakapagpakilabot sakin.
Nilapitan nung mga nasa anim na lalaki si Dean at may hawak silang mga kahoy atsaka nag-anyong bampira habang pinapalibutan nila si Dean.
"Pahirapan niyo muna siya bago niyo patayin, you can suck his blood too if you want."
A-Ano? SUCK?
"Dean!! Cheska, tama na please naman oh! Pasensya ka na!! Lalayuan ko na lang si Dean kung yun ang gusto mo. Kahit si Kuya Zane din."
Tinawanan lang naman ako ni Cheska sa sinabi ko atsaka niya ako nilapit sa pwesto ko at hinawakan yung ulo ko patingala.
Kitang kita ko sa pwesto ko ngayon si Dean na binubugbog. I can't, I can't stand seeing him like that.
"TIGNAN MO SYANG MASAKTAN INSAN SA KAGAGAWAN MO!!!" sigaw sakin ni Cheska.
Bakit ganun? Bawat suntok na ibinibigay nila kay Dean ay sobrang sakit sakin. Ayoko syang makitang nasasaktan... kagagawan ko 'toh eh!!!
Minahal ko pa kasi si Dean!! Ngayon ko lang nalaman na umiiyak na pala ako.
"T-TAMA NA!!!" sigaw ko.
"Hahahaha!!!" Tanging tawa lang ni Cheska ang naririnig ko pati mga daing ni Dean sa sakit. Pilit kong iniiwas ang tingin ko kay Dean kasi wala akong magawa pero binabalik lang ni Cheska..
"AHHHH!!!!" sigaw ko at pumikit na lang ako.
"HAHAHAHA!!!"
Maya maya pa ay iminulat ko na yung mata ko at nang makita ko si Dean puro pasa na siya at tumigil na din sila sa pagbugbog nila kay Dean. Salamat naman at tumigil na sila.
Binitawan na naman ako ni Cheska pati yung mga lalaking nakahawak sa magkabilang braso ko.
Mabilis naman akong lumapit kay Dean atsaka hinawakan ang magkabila niyang pisngi.
Hawak parin ng dalawang lalaki si Dean na umaalalay para magpantay kami. Nakaluhod ngayon si Dean at mukhang mawawalan na siya ng malay dahil bugbog sarado na siya.
"D--Dean..." Sinubukan niyang ngumiti pero lalo lang akong naiiyak sa ginagawa niya.
"Don't try so hard." I said. Nawala naman bigla ang ngiti sa mukha niya at mas lalo akong naiyak dahil hindi ko na alam ang gagawin.
Hawak ko lang ngayon ang magkabilang pisngi ni Dean. Pasensya ka na Dean kasi dahil sakin hindi ka man lang nakapag-asawa at magkakaanak.
Hindi ko alam kung kelan ba ulit tayo magkikita. Hindi ko alam kung magkikita pa ba tayo sa mga susunod nating buhay. Isa lang ang gusto kong gawin ngayon sa mga oras na 'toh.
Inilapit ko paunti unti ang mukha ko kay Dean hanggang sa mahalikan ko siya.
Saglit ko lang siyang hinalikan pero sana naramdaman niya na mahal na mahal ko siya.
Naramdaman ko agad na may humawak sa magkabilang brasp ko atsaka nila ako inilayo papalayo kay Dean.
"Wow naman insan. Ano yun? Goodbye Kiss? Ahaahahahaha,"
Sinamaan ko naman ng tingin si Cheska atsaka ako muling ikinadena sa upuan nung tatlong lalaking may hawak sakin.
Bumigat muli ang pakiramdam ko at para akong nanlulumo ng walang awa na naman nilang bugbugin si Dean na hindi na makagalaw na nakahiga sa sahig.
"Dean!!! Sorry!! Please Cheska. Let him go!! Please!!"
Umagos na naman palabas ang mga luha ko. Bakit ba napaka walang kwenta ko? Bakit ako ganto? Bakit wala akong magawa? Bakit ba nabuhay pa ko? Bakit nakilala pa ko ni Dean?
"Please! PLEASE!! Dean!!!"
Sorry Dean... If I'm was like your worst nightmare.
"TAMA NA SABI!!!"
Nakita ko na lang ngayon ang sarili kong nakatayo na sa pwesto ko at wala na ang mga kadenang nasa kamay ko.
Napupuno ako ngayon ng halo halong emosyon, inis at galit. Parang... Gusto kong pumatay.
"I-Insan..."
Napalingon naman ako sa pwesto ni Cheska na mabilis na tumalikod sakin atsaka nawala.
Naisip kong wala akong oras para habulin pa yung bruhang yun kaya yung mga bumugbog kay ang hinarap ko.
Wala akong makitang maayos sa paligid ko. Kulay pula ang lahat at gusto kong patayin silang lahat.
Nakaramdam ako ng matulis na bagay na lumalabas mula sa pagitan ng magkabilang ngipin ko at nagulat ako ng malaman kong pangil ko yun.
Pero hindi ko na lang muna yun pinansin atsaka ko muling ibinaling ang atensyon sa mga bampirang 'toh na mukhang handang handa akong kalabanin.
Napapikit muna ako saglit atsaka ko inikot ang leeg ko at nagmulat.
Nakita ko na lang na parang slow motion ang pagsugod sakin nung mga bampira kaya nakita ko ng malinaw ang pag-atake nila.
Mabilis ang ginawa kong pag-atake sa bawat isang bampirang 'yun kaya sabay sabay silang biglang naging abo at nag-laho.
Napatingin ako sa paligid at wala na kong nakita pang ibang kalaban kaya nakahinga agad ako ng maluwag.
Naramdaman ko namang bumalik na muli ako sa sarili ko atsaka ako nakaramdam ng pagkahilo kaya nalaglag ako sa kinatatayuan ko.
Kung gaano ako kagalit kanina, parang ganun naman kasakit ang ulo ko.
"Amm..."
"DEAN!!"
Napalingon ako sa pwesto ni Dean atsaka mabilis na lumapit doon.
"Dean, buhay ka pa diba? Hindi ka pa mamamatay? Diba diba? DEAN sagutin mo naman ako!!"
Mahigpit kong hinawakan ang kanang kamay niya habang anh kabila ko namang kamay ay nakahawak sa kaliwa niyang pisngi.
Kumislap bigla ang ngiti niya sa mukha kaya para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan.
Hinawakan niya din ang kanang pisngi ko atsaka niya pinunasan ang mga luhang hindi ko na namalayang pumapatak pala dahil sa sobrang saya ko.
"Buhay pa ko Kulet... Pagnamatay ako, wala nang gwapo sa mundo." Natawa na lang ako dahil sa kahanginan na naman niya.
"Nabugbog ka na nga may gana kapang magbiro, gusto mo ako bubugbog sayo para tumino ka?!" Natawa lang siya sa sinabi ko habang ako tinitignan ko lang siya. I can't take my eyes off to him, I'm afraid that he will die just because of the stupid girl like me.
"Madadala ba ko sa hospital ng mga tigtig mong yan?!"
Ayt, oo nga pala. Malapit na 'tong mamatay kung ano ano pang ginagawa ko.
+++
Nandito ako ngayon sa labas ng ER at hinihintay na lumabas yung doktor.
Kanina pa din ako hindi mapakali at paikot ikot lang dito sa pwesto ko.
Ano na bang nangyari kay Dean? 50:50 na kaya buhay nun? Paano ko pa siya pakakasalan niyan?
Napatigil ako sa pag-ikot ko sa pwesto ko ng makita ko yung doktor na may kasunod na mga nurse na lumabas ng ER.
Pero hindi kagaya sa mga nababasa at napapanood niyo ah hindi ko na tinanong pa yung doktor at pumasok na agad ako sa loob ng kwarto ni Dean.
Kasi pagnakalabas na yung doktor, diba pwede nang pumasok sa loob?
Nakita ko pang may natirang dalawang nurse na naiwan doon sa kwarto ni Dean at mukhang naglalandian pa. Grabe ahh, hindi ko akalain na merong malalanding nurse dito sa ospital namin.
"Dean..."
Napatingin naman sakin yung dalawang nurse at ng mukhang makilala nila ako ay bigla na silang umalis.
Lumapit na naman ako sa kama ni Dean at ng makalapit ako ay mukhang natutulog pa siya.
"Hoy! Gumising ka na nga dyan!!"
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at ng makakita ako ng upuan ay kinuha ko iyon atsaka ako umupo sa tabi ng kama ni Dean.
"DEAN!!!" I shout.
Pero mukhang malalim ang tulog niya at hindi talaga siya magising sa sigaw ko.
Ipinatong ko na lang yung baba ko sa may kama ni Dean atsaka ko hinawakan ang kamay niya.
"Dean may sasabihin ako sayo kasi baka mamaya patay ka na pala. Hindi ko na kasi natanong yung doktor eh kaya hindi ko alam kalagayan mo ngayon."
Napatawa na lang ako bigla kasi na-realize ko na para akong tanga na kinakausap yung tulog.
"Ano... Ang hirap kasi sabihin na ano... yung ano..."
Ano bayan, ANO ako nang ANO.
"Na... Mahal na pala kita."
Tangina nasabi ko din kaya nakahinga ako ng malalim.
"Kira?!"
"JUSKO SANTA MARIA!!!"
Literal akong napatalon sa kinauupuan ko dahil sa gulat. Nakakabwiset naman kasi 'tong si Dean. Hindi man lang niya sabihin kung gising na ba siya o ano.
Pero teka--- narinig niya kaya yung huli kong sinabi?!
"Narinig mo ba?!"
"Ang alin?!" Nakataas kilay niyang tanong. Asus!! Tengene din nento ni Dean eh, alam ko namang ayaw niya akong mapahiya pero narinig niya talaga.
"Yung sinabi ko!!"
"Sinabi mo? Ano bang sinabi mo---"
"Na mahal kita!!!"
[CONTINUE...]