"I think I like you Kira."
Agad akong napahinto sa pagdadrive ko. Teka--- nabibingi ata ako kasi--- parang--- iba iba ang naririnig ko?
"ANO?!" sigaw ko atsaka ako napatingin kay Dean na ngayon ay nakapikit habang nakasandal ang ulo niya sa may bintana ng kotse ko.
"Bingi ka?! ang sabi ko, I THINK I LIKE YOU," aniya. Literal akong napanganga ng inulit niya nga yung kaninang sinabi niya. Seryoso siya?
"Oh ano?! bakit ka huminto?! antok na ko!! bilisan mo na," agad akong napabalik sa ulira atsaka na ulit pinaandar ang ferrari ko.
Tangina hindi ako makapagfocus sa pagdadrive. Hindi parin ako makapaniwala sa sinabi ni Dean. Gusto na niya ko?
DEAN'S POV.
Sinubukan kong maidlip habang nagbabyahe pero hindi talaga ako mapakali at makatulog.
Totoo ang mga sinabi ko kanina kay Kira. Magulo man ang nararamdaman ko at hindi ko maintindihan, atles medyo gumaan na ang mga problema ko ng sabihin kong gusto ko siya.
Hindi ko alam kung saan ba ko nakakuha ng lakas ng loob para sabihin ang mga katagang yun sa kanya at hawakan ang kamay niya.
Hindi ko alam pero natatakot na kong magsalita. Iba iba ang lumalabas sa bibig ko. Iba iba ang emosyon nararamdaman ko kapag kasama ko si Kira. Wala na kong maintindihan sa mga nararamdaman ko. Pero isa lang ang alam ko ngayon sa mga oras na 'toh. Gusto ko na siya. Hindi ko alam ang mangyayari kapag nawala ang babae na 'toh sa piling ko.
Hayyy. Hindi parin naman talaga ako sigurado ngayon sa nararamdaman ko kaya baka infantuation lang 'toh. Siguro kailangan ko lang ng panahon pa para magising ako sa mga kagaguhang nararamdaman ko.
Maya maya pa ay nakarating na din kami sa mansyon nila.
Napatingin naman ako kay Kira na ngayon ay nagmamadaling tanggalin ang seatbelt niya. Mabilis din siyang lumabas ng kotse niya atsaka nagtatakbo papasok ng bahay nila.
Teka? Anong nangyari dun? Mukhang nagmanadali? Siguro nagugutom na naman agad yun.
Pumasok na naman ako ng bahay at ng dumiretso ako sa kusina at dining table ay wala naman dun si Kira.
"Nasan na yung babaeng yun..."
Tumaas na lang naman ako at naglakad papuntang kwarto niya. Siguro naman sa kwarto na niya ako matutulog diba? Atsaka... Hindi ako makatulog sa tabi ni Mama. Ang likot matulog.
Pumasok na naman ako sa kwarto ni Kira at pagpasok ko ay nakita ko siyang nakahiga na sa kama at nakatalukbong ng kumot. Teka? Natutulog na agad siya? Himala? Hindi siya nanonood ng mga kepap kepap niya?
Naglakad na naman ako dun sa kabilang side ng kama niya atsaka nahiga na. Doon ako humarap sa pwesto ni Kira at laking gulat ko ng mapatingin ako sa kanya ay nakatingin din pala siya sakin.
Nanlaki yung mata niya atsaka ulit siya nagtalukbong ng kumot. Teka? Kala ko ba bati na kami? Ano na namang inaarte nitong babaeng 'toh? May nagawa ba kong masama? Or what?
Hayyy, kahit kailan ayaw ko talaga yung hindi niya ako pinapansin. Nagugulo na naman ang sistema ng pag iisip ko kakaisip kung bakit ba siya nagkakaganyan?
Nagagago na ko sayo Kira ahh!! Umayos ka!
"Galit ka na naman ba?!" Tanong ko. Natahimik siya ng sandali atsaka sumagot.
"A--Ano? Ga--Ga--Galit? Sinong galit? Ako? Hindi ahh!! Inaantok lang---lang talaga ako. Matulog ka na din kaya Dean kung hindi lagot ka sakin!!" Habang nakikinig ako sa sinasabi ni Kira, I just found myself smiling.
"At ano naman ang gagawin mo sakin?!"
"Ano... Kukulitin kita!! Gusto mo ba sa labas matulog ahh? Pwede ba--bang magpatulog ka na ahh? Inaantok na kaya ako!!" Napatawa na lang ako bigla ng mahina habang nakikinig sa kanya. Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganyan pero I find it cute.
I turn the lamp shade off at the center table atsaka na din ako natulog.
+++
"Ahhhhhhh!!!"
Awtomatikong bumukas ang mga mata ko atsaka ako nagmadaling pumunta sa tapat ng pinto nang CR dito sa kwarto ni Kira.
"Kira?! Kira?! Anong nangyari?!" Sunod sunod na katok ang ginawa ko pero wala man lang ako marinig na kahit ano ulit mula sa loob ng CR.
Shit!! Ano na bang nangyayari dun sa babaeng yun? Ipinagpatuloy ko lang ang pagkatok sa pintuan ng CR at pagpihit sa door knob nito pero wala parin ulit nasagot mula sa loob.
Maya maya pa ay bigla na lang may nagtanggal ng lock mula sa loob kaya umatras ako kasi baka may panganib na sumalubong sakin.
Dahan dahan bumukas ang pinto at literal akong napanganga sa nakita ko.
"Si--Sino ka?! Anong ginawa mo kay kulet?! Paano ka nakapasok dito?!" Sunod sunod kong tanong sa babae ngayong nasa harapan ko at lumabas mula sa CR.
Teka... Parang kilala ko 'toh. Nakita ko na siya somewhere eh. Napabalik ako sa realidad ng biglang tumawa ang babae ngang nasa harapan ko.
"BALIW!!!" Sigaw ko pero patuloy parin siya sa pagtawa atsaka niya ako binatukan nung medyo matino tino na siya. Tangina, saan ko nga ba nakita 'tong pagmumukha na ito? May memory gap na ata ako?
"AKO 'TOH DEAN!!" Napatigil ako saglit sa pag iisip ng maalala ko na kung sino siya dahil sa boses niya.
"Kira?!"
"ANONG NANGYAR---" sigaw ni Donna nang makarating dito sa kwarto ni Kira kasama si Mama.
"Kira?"
"SI KIRA??" Parehas na napanganga ng literal sina Mama ng makita nila si Kira.
"Bessy!! Anong nangyari sa face look mo? Aba!! Kuminis na ata ang mukha mo?" Ani Donna atsaka pa siya lumapit kay Kira.
"Hindi ko nga alam eh. Basta nagising na lang akong maganda,"
"Tsss," singhal ko. Tumalikod na naman ako sa kanila atsaka nahiga na muli sa kama. Well, nawala lang yung mga tigyawat niya. Siguro dinasalan niya yun kagabi sa ilalim ng kumot niya.
"Ayy osha!! Kumilos na't late na kayo," lumabas na naman si Mama at naiwan naman ngayon yung dalawa parin dito at nag uusap.
"Bessy hindi nga pala ako papasok ngayon. Nakausap ko kasi yung Prof namin sa Science and he said pwede daw muna akong lumiban ngayon sa lahat ng subject para magready for Pageant mamaya," ani Kira. Tumayo na naman ako sa kama atsaka lumabas ng kwarto. Hayyy, maliligo na nga ko.
Hinatid naman kami ni Kira sa school kasi may pupuntahan din naman daw siya. Naglalakad na kami ngayon ni Donna sa hallway at nakakarinig na naman ako ng mga bulungan. Hayyy, ang aga aga nagchichismisan.
"Oo, si Kira nga daw yung GF niya."
"Ha?! talaga?!"
"Ang panget pala nang TASTE ni Dean."
"Sayang gwapo pa naman siya tapos sa isang panget pumatol,"
"Sabi nga nila, pag maganda at pogi pinagtagpo yan. Pero kung panget at pogi, ginayuma yan."
"Oo tama."
"Dean, kayo ba talaga ni Kira?!" tanong ni Donna. Umiling lang ako habang patuloy parin kaming naglalakad. Nakalayo naman kami agad dun sa mga nagchichismisan at ngayon hindi ko inaasahan na makakasalubong namin siya.
Si Papa.
Yung lalaking matagal ko nang gustong makasama ulit kaso punong puno parin ng galit ako puso ko dahil sa pag iwan niya samin.
FLASHBACK
Naglalaro ako ng kotse kotsehan ko habang si Mama naman ay namamalansta pa. Gabi na at alas dose na nang gabi pero hindi ko parin magawang makatulog. Hinihintay ko kasi si Papa. Hanggang ngayon kasi wala parin siya?
Hindi kasi talaga ako makatulog kapag hindi niya ako kinukwentuhan ng mga Vampires Stories niya.
Parehas napukaw ang atensyon namin ni Mama ng makarinig kami ng mga sunod sunod ay malalakas na katok. Napatigil naman ako sa paglalaro ko ng kotse kotsehan habang si Mama naman ay lumapit sa may pinto atsaka binuksan iyon.
"Papa!!"
"D-Denis!!" Mabilis na pumasok si Papa sa bahay atsaka isinara ang pinto. Lumapit din siya sa mga bintana atsaka niya itinakip ang mga kurtina doon na para bang may tinataguan siya mula sa labas ng bahay.
"Anong nangyari sayo Fred?! bakit ka duguan?!" Agad na kinuha ni Mama ang basahan na puti sa lamesa atsaka niya pinunasan ang gilid ng bibig ni Papa na may dugo.
Puro dugo din yung damit ni Papa at mukhang may kagat siya sa leeg na ikinagulat ko.
Napatingin naman ako sa bawat bahagi ng mukha ni Papa at putlang putla siya. Mabilis naman ngayong tumakbo pataas si Papa sa kwarto nila Mama. Agad namang lumabas mula doon si Papa at may dala pa itong malaking bag.
"Pa?! Anong ginagawa mo?!" Hindi ko na napigilan at napaiyak na ako. Hindi ko alam kung anong ginagawa ni Papa. Hindi ko alam kung bakit siya duguan. Hindi ko alam ang nangyayari. Pero sa lahat ng ito. Ayaw ko ang mga susunod na mangyayari. Masama ang kutob ko sa mga ikinikilos ni Papa.
Lumapit si Papa sakin habang namimilog ang mga mata niya. Naupo siya sa harapan ko atsaka niya hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"Nak *sob* may gagawin kasi si Papa. Baka mawala ako ng matagal. Nak, maging malakas ka ha *sob* ipagtanggol at bantayan mo si Mama mo. Mahal na mahal ko kayo. Alagaan mo din ang kapatid mong si Donna ha," mabilis akong niyakap ni Papa atsaka hinalikan sa may noo. Hindi ko mapigilang hindi umiyak habang sinasabi ni Papa ang mga iyon. Saan ba siya pupunta?
"PAPA!!" I shouted and called his name many times that time pero parang wala siyang narinig. Patuloy lang siya sa mga kilos niya palabas ng bahay. Pinipigilan din siya ni Mama at tinatanong kung ano bang mga nangyayari pero walang kibo si Papa hanggang sa maaalis na siya.
Napaluhod si Mama sa may tapat ng pinto habang umiiyak. Nilapitan ko naman si Mama atsaka niyakap.
Ang dami kong tanong simula ng gabing iyon. Pero bakit? Bakit ganun? Bakit niya kami iniwan?
END OF FLASH BACK
As I could see. He looks like happy seeing us two of Donna. Unti unti siyang lumapit sa pwesto namin ni Donna habang kami naman ni Donna ay parang nanigas sa sarili naming mga kinatatayuan.
Tsss, Oo nga pala. Nabalitaan ko nga. Ngayon nga pala ang balik niya dito sa Pilipinas.
Nagulat ako at parang nag init ang ulo ko ng makalapit siya saamin ni Donna ay niyakap niya kami. Niyakap niya kami na para bang okay pa kami. Yung parang walang nangyari dati.
Sabay naman namin siya naitulak ni Donna pero nakakainis lang kasi hindi parin maalis sa mga labi niya ang malapad na ngiti habang nakatingin samin.
"Pasensya na. Na-miss ko lang talaga kayo Nak," aniya.
"Buti natandaan mo pang may mga anak ka." Matigas kong sabi atsaka namin siya sabay nilagpasan ni Donna. Pero napatigil ulit kami ng may idagdag pa siya sa mga sinasabi niya.
"Mapapatawad niyo pa kaya ako?" Napangisi na lang ako bigla atsaka na ulit ako naglakad. Tsss, nonsense.
+++
Dumaan ang mahabang oras at sa lahat ng subject ko ay wala namang gaanong itinuro. Habang yung iba namang Prof ay wala dahil busy sa bwisit na pageant na yan. Ano bang mapapana nila dito? Tsss, they're just wasting a student's precious times. Imbes na nagkaklase na lang 'tong mga teacher na 'toh at nag aaral naman ng mga mabubuti 'tong mga estudyanteng 'toh--- hayyy, naku talaga. Ang dami kasing ka-ek-ekan.
"Teka si Kira, nasaan?!" Rinig kong tanong ni Sir Lulu. Napayuko na lang ako dahil sa wala talaga akong magawa ngayon.
"Teka, bakit napadpad dito ang isang magandang dilag?!" Ani Mark na mukhang nantitrip na naman ng mga babaeng nadaan sa labas ng room. Napalingon naman ako kay Mark at doon sa babaeng kausap niya.
"Dito ata ang room ko Mark at ako si Kira!!" Literal na napanganga ako sa itsura ngayon ni Kira.
Perfect, but it's not the right word for her because no one's perfect. But I can just say now th--that she is so gorgeous.
"BOO!" Agad akong napabalik sa realidad ng bigla niya akong gulatin at kulang na lang ay mapatalon talaga ako sa gulat.
"Ano ba KIRA?!" sigaw ko atsaka ko siya sinamaan ng tingin. Bigla naman siyang nagpout kaya parang biglang gumulo ang sistema ko at kung ano anong klaseng feelings ang mga naramdaman ko.
"Pre, ang bitter mo naman sa girlfriend mo." paningit ni Mark.
"Di ko siya Girlfriend. Joke lang yun kaya wag kayong isip ng isip ng kung ano ano." Halata namang nagulat silang lahat sa sinabi ko habang si Kira naman na nasa gilid ko ay nakangiti lang ng malapad at mukha talaga siyang walang pake at inosente.
Nagtataka talaga ako kung paano nakapasok sa paaralan 'tong inosenteng batang 'toh.
"Sayang naman Dean!! Bagay pa naman kayo. Tignan mo, maganda na si Kira ngayon. Saan ka pa? May ibubuga naman pala kasi talaga 'tong MVP natin!!" napairap na lang ako ng matapos sabihin yun ni Jerico ay nagsimula na naman nila ako kanchawan.
"WOOOO!!!"
"OO NGA!!"
"AYIEEE!! KIRA SIYA OH!!"
"DEANKIRA!! DEANKIRA!!"
"Kira!! Magready ka na!!" Sigaw ni Sir Kris na bigla na lang pumasok sa room. Tumango naman agad si Kira atsaka siya mabilis na pumasok ng CR dito sa Room namin.
"At kayo naman mga boys!! Pumunta kayo doon sa may Coverd Court para tumulong mag ayos ng venue. Now!!"
+++
Tapos na naman kaming tumulong magkabit ng mga anek anek sa stage at nag aayos na naman kami ng mga upuan dito sa baba habang yung ibanh section naman at yung mga kaklase ko ay nag uusap usap kung sino ba mamaya ang i-checheer nila.
"Naku! pre, alam niyo ba gumanda na si Kira."
"Talaga Pre?! Alam mo bang kaming taga section 6, i-checheer namin mamaya si Kira."
"Oo, pati kami ayus yung babaeng yun eh kahit nakikita kong laging kinukulit si Dean. Aba, ay walang takot kahit na nalamang KING OF ALL na yung kinukulit niya."
"Abnormal kasi yung babaeng yun."
"Pero masayang kasama, at ang galing galing sa basketball."
"Oo nga pero teka, di kaya TIBO yung si Kira?!"
"Di naman daw sabi niya."
Hayyy, yan na naman tayo sa mga TIBO TIBO na yan eh.
Maya maya pa ay natapos na ang pag aayos namin at dumating na din ang iba pa. Sa Academy kasing toh, konti lang ang nakakapasok kasi mahirap makapasok dito at ang isa pa, mga weird yung ibang napasok dito. This Academy contains only 33 rooms for students.
Pagkaraan naman ng ilang oras ay nag umpisa na ang contest. Nanood na din ako kasi kinulit ako nina Justine at Joshua. Eh wala akong magawa kaya sumama na din ako.
Napatingin naman ako sa mga katabi ko at nagulat ako ng magkakatabi yung mga lalaki from lowest section na nag uusap usap kanina at gusto nilang i-cheer si Kira.
WTF? Wag niyong sabihing magsasabay sabay 'tong mga 'toh na sisigaw mamaya para kay Kira lang? Omyghad, mabibingi ako nito.
Nakaupo naman sa pinakaunahan malapit sa stage ang mga magulang ng contenstant and other relatives. Habang sa sunod na row naman ay ang mga babaeng nagsama sama from highest sections.
Wala ng patumpik tumpik pa ay nag umpisa na ang pageant. Nag umpisa ang contestant No.1 from section 2. Nagrampa sila with their beautiful long gown hanggang makarating sila sa may gitna kung nasaan ang mic atsaka sila doon magpapakilala.
Ganun din yung ginawa ng mga sumunod. Tapos nang kay Jessica na...
"Hello Everyone, Im Jessica Suarez contestant NO. 11 from SECTION 1!!!" Madami ding nagsitayuan at madaming pumalakpak kay Jessica.
By ranking her performance and looks by now. She looks like a pro. Malamang, sanay na siya sa mga ganto eh.
Ang sunod at pang huli namang contestant ay si Kira. Lumabas na si Kira mula sa backstage at kusa akong napatayo sa upuan ko ng makita ko siya.
Shit!! She's so damn gorgeous in her black fitted long dress. I can't take my eyes off on her.
Nagsimula na namang magsitayuan ang mga katabi ko atsaka sila nagsigawa..
"Ahhh!!! GO KIRA! GO KIRA! GO KIRA!" awtomatikong nanahimik ang lahat ng hawakan na ni Kira ang mic na nasa may gitna na siya.
"Hi everyone, ako lang naman ang dyosang nalaglag sa langit at bumagsak sa lupa. KIRA MAE YIEN POH ANG PANGALAN KO Representative from SECTION 9 CONTESTANT NO. 15!!!"
Nang matapos na naman siyang mag introduce ay naupo na ulit ako at napatingin na lang sa mga judge.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko? Feeling ko kinakabahan ako sa magiging impression ng mga judge kay Kira. Teka? Bakit ba ko kinakabahan? Dapat hayaan ko na lang yan. Hayyy. Nababaliw na naman ako.
Napansin kong wala si Papa sa mga nag-jjudge habang sina Mam Nicole at Sir Renz ay nakita ko!!!!?
Totoo ba toh?! o namamalik mata lang ako?!
Well, mga audience lang silang mag asawa. Habang si Kuya Zane, Yung tatay nila Justine at Joshua ang Judge. Pati na si...
Teka kelan pa siya nakabalik dito sa Pinas? Well, she was my ex girlfriend. And I don't want to mention her name. Ever.
Nevermind, simula nang iniwan niya ko at nakipag break ako sa kanya di ko na kelan pa binabanggit yung pangalan niya. Di na ko nagtataka pa kung bakit siya nandito. Siya kasi yung dating BLOODY QUEEN at si Jessica yung PRINCESS.
FLASHBACK
Ilang linggo ko nang di nakikita si loves. Nasaan na ba siya?! ilang araw ko na din syang di nakikita sa school.
Iniwan na niya kaya ako?! bakit di man lang siya nagpaalam sakin?!
Lumabas muna ko at pumunta dun sa park. Naupo muna ko dun sa bench. Napagod ako eh ang layo ba naman ng PARK sa bahay.
"Oo, tama... ahahaha!!" Napalingon ako sa likudan ko ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon at di nga ako nagkakamali. Si LOVES nga.
Biglang namuo ang galit sa akong loob. Iniwan niya ko nang walang pasabe tapos makikita ko siya ngayong may kasamang ibang lalaki? At ang malala, kilala ko pa yung lalaking kasama niya ngayon.
Nang mapalingon siya sa pwesto ko, nagulat siya. Tinignan ko lang siya ng may poot sa aking mga mata.
Iniwan niya yung lalaki at nagpaalam munang mauna na lang tapos lumapit na siya sakin at naupo sa tabi ko.
"So, wala na pala tayo..." Ani ko.
"Mali yang iniisip mo Loves,"
"Don't called me LOVES. From now on, I hate you so much atsaka break na tayo!" sigaw ko sa kanya. Pagtingin ko naman sa kanya, naiyak siya. Iyakin talaga 'tong babaeng 'toh. Pucha! naiyak siya dahil sakin.
"So ganun?! wala na tayo?! dahil may kasama lang akong ibang lalaki?! eh magkaibigan nga lang kami eh!!"
"KAIBIGAN?? Mas mahalaga pa pala siya kesa sakin? Ako? Natiis mo ko habang magsama kayong dalawa! 3 linggo na nawala ka at kasama mo lang pala yang walangyang yan?! Ang galing. Iniwan mo lang ako sa ere. Pinagsawaan mo na ba ko?! kaya naglibang ka muna sa iba?! Tapos babalik na lang ulit sakin pag di ka na masaya?!" Napalunok naman ako ng sunod sunod dahil sa nagpipigil ako ng galit. Napatayo na naman ako sa kinauupuan ko. Tumayo din siya at sinampal ako. Ganyan naman lagi eh. Pasalamat siya at di ako marunong pumatol sa babae.
Matapos niya akong sampalin nakarinig na naman ako ng mga hikbi ng pag iyak mula sa kanua. Hinawakan niya yung magkabila kong pisngi atsaka ako tinignan ng diretso sa mga mata na para bang nagmamakaawa siya.
"Sorry... di ko sinasadyang sampalin ka. Dean... mahal kita." Tinabig ko lang yung mga kamay niya at tinalikuran ko na siya.
It's over. There was never an us.
END OF FLASHBACK
Natauhan ako nang batukan ako ni Joshua.
"Aray naman pre, bakit mo ginawa yun?!" taka kong tanong habang nakahawak parin sa ulo ko.
"Nagdaday dream ka na naman eh!!" sabi niya tapos humarap nalang ako dun sa stage. Nang mapatingin ulit ako sa mga judge nakita kong nakatingin siya sakin. Halata mo parin sa mga mata niya na gustong gusto niya akong balikan.
Di maka MOVE ON?!
Nanood na lang ako. Si Jessica na pala ang magpeperform ng talent niya.
Sumayaw siya at magaling naman din. Ang lambot ng katawan niya.
Tapos, tapos na pala?! ang bilis naman?!
Nagpalakpakan na naman ang lahat atsaka na pumunta sa backstage si Jessica. Si Kira naman ang sumunod na lumabas at may dala siyang gitara.
Teka? Kala ko ba sasayaw 'tong babaeng 'toh?
May tumaas na mga crew at naglagay sila sa stage ng mic at upuan atsaka doon naupo si Kira.
Naka maong na pantalon lang siya atsaka chekerd na blouse at nakaputi siyang sando sa loob. Tapos nakalugay lang ang buhok niya.
Nang makaupo na siya sa upuan at sa tapat ng mic ay sinimulan na niyang patugtugin ang gitara niya.
(Now Playing: Perfet Two by Auburn)
"Oh, Oh... yeah, yeah. You can be the peanut butter to my jelly, you can be the butterflies I feel in my belly, you can be the captain and I can be your first mate, you can be the chills that I feel on our first date.
"You can be the hero and I can be your sidekick, you can be the tears that I cry if we ever split, you can be the rain from the clouds when it's stormin' or you can be the sun when it shines in the mornin'.
"Don't know if I could ever be. Without you 'cause boy you complete me. And in time I know that we'll both see. That we're all we need."
Mhhh, not bad. Maganda siyang kumanta. Napatingin naman ako ngayon sa mga katabi kong ang tatahimik ata?
Aba jusko!! Para silang mga aso na sobrang bait at nakikinig.
"Ang ganda ng boses niya Dean... Para siyang Anghel," ani Joshua na katabi ko at para pa kong nakakakita ng puso sa dalawa niyang mata.
Napabuntong hininga na lang ako atsaka na ulit napatingin kay Kira. Nagulat ako ng diretso siyang nakatingin ngayon dito sa pwesto ko habang nakangiti ng malapad.
Parang bigla naman akong kinilabutan sa mga ngiti niya.
"'Cause you're the apple to my pie (pie). You're the straw to my berry (berry). You're the smoke to my high (high). And you're the one I wanna marry (marry).
"'Cause you're the one for me (for me) and I'm the one for you (for you), you take the both of us (of us) and we're the perfect two."
Bakit ganun? Bakit ba siya nakatingin sakin habang nakanta?
*Ba dum *ba dum * ba dum
Napahawak ako bigla sa may dibdib ko kung saan biglang bumilis ang t***k ng puso ko sa hindi malamang dahilan.
"We're the perfect two... we're the perfect two, baby me and you... we're the perfect two (yeah).
"You know that I'll never doubt you. And you know that I think about you. And you know I can't live without ya. No (oh, oh).
"I love the way that you smile and maybe in just a while, I can see me walk down the aisle (whoa, yeah)."
Bakit feeling ko dedicated sa'kin yung kanta? Atsaka bakit ba nakatingin sakin 'tong si Kira habang kumakanta? Buti hindi siya na-ddistract sa ka-gwapuhan ko!! Tsk!!
"Baka naman ka-hanginan, Dean." Ani Justine kaya napatingin ako sa kanya ng nagtataka.
"Bobo, ka-gaguhan kamo!!" Sigaw naman ni Joshua kaya binatukan ko agad siya.
Ano bang mga pinagsasasabi ng mga nilalang na 'toh? Wag mong sabihing nababasa nila iniisip ko?
Kelan pa sila naging mind reader? Normal naman sila diba? Hindi lang halata.
"'Cause you're the apple to my pie (pie). You're the straw to my berry (berry). You're the smoke to my high (high). And you're the one I wanna marry (marry).
"'Cause you're the one for me (for me) and I'm the one for you (for you). You take the both of us (of us) and we're the perfect two. We're the perfect two We're the perfect two, baby you and me. We're the perfect two. Yeah, yeah."
Nang matapos na siyang kumanta ay sabay sabay na nagsitayuan ang mga katabi ko atsaka pumalakpak.
"ANG GALING MO TALAGA!!!" sigaw ni Justine.
"GO KIRA! GO KIRA!!" Napuno ng sigawan ng mga lalaki ang buong court kaya napatakip ako ng tenga kasi nakakabingi sila as in.
Pagkatapos nun ay pumunta ulit lahat sa backstage. Tumayo na naman ako sa kinauupuan ko dahil nalaman ko na magbibigay daw ng message yung dating bloody queen. Ayaw ko siyang marinig.
"Please welcome, Ms. Cheska Yien!!" Nagkunwari akong walang naintindihan dun sa sinabi nung Emcee tapos pumunta na lang ako dun sa backstage para kay Kira.
[CONTINUE...]