DEAN'S POV.
"Dean nasaan si Kulet?!" tanong sakin ni Zeus ng makarating na ko nang room namin. Naupo muna ko bago sumagot.
"May hang over. Di muna pumasok. E kayo? Bakit di kayo umuwi kagabi?!" Tanong ko naman atsaka ako naghikab. Well, inaantok pa ko.
"Ah-- Ano-- Nanduon kami. Tulog na kasi kayo nung dumating kami tapos nauna na din kaming pumasok. Diba Sam?!" Kitang kita kong siniko ni Zeus si Sam kaya napatingin siya sakin. Naka-headset siya at parang ewan yung itsura niya.
"Hu? Oo!! Oo!!" Sabi ni Sam atsaka siya naupo ng ayos.
"Wee?! Di kaya kayo dumating kagabi."
"Pano mo nalaman?!" tanong ni Zeus.
"Gising kaya ako magdamag!!"
Oo gising ako magdamag. Alam niyo na naman kung bakit, dahil sa sakit ko. Hayyy, buti pa nga siya ang himbing himbing ng tulog habang ako nagdarasal magdamag na dalawin ng antok.
"Oo nga. Mukhang di ka nga nakatulog. Halata nga, ang laki nang eyebags mo eh. Hahaha!!" Nakitawa din sina Zeus at Donna na kanina pa rin pala nakikinig. Pero bakit ganun? Parang ang fake ng tawa ni Sam. Nakakaasar pakinggan.
Sinamaan ko lang sila nang tingin at di na muling pinansin.
Buong klase ay nakaub-ob ako sa desk ko. Bakit ganun? Ngayon lang ako dinalaw ng antok kung kelan nasa klase ako. Well, wala namang pake sakim yung mga prof na dumarating kasi kapag tinatanong naman nila ko nakakasagot ako. Hayyy, alam ko na kasi yung mga dinadada nila.
"DEAN!!"
Agad akong nagising sa sigaw na yun atsaka ko sinapak ang walang hiyang sumisigaw.
"DEAN naman!! ang sakit ha!! Binangasaan mo yung gwapo kong mukha!!" sabi ni Justine.
Tungunu!! Ang hangin nito.
"Ewan ko sayo, hinahangin ka na naman eh. Bakit ba? Bakit mo nga pala ko ginising mula sa mahimbing kong tulog?!" Tinaas ko ang paa ko sa upuang nasa harapan ko atsaka nag-cross arms.
"You're Welcome ha!! Putengene, makauwi na nga." Atsaka na niya ako iniwan mag isa.
Napaisip pa ko sandali bago ko na-realize kung bakit ako ginising ni Justine.
Uwian na pala.
SAM'S POV.
Nakaupo ako ngayon dito sa may ilalim ng puno sa likod ng Academy. Nakasandal ako sa puno habang nakapikit ang mga mata.
Napangiti ako bigla.
Happy Birthday to me.
Lagi naman ganito kapag kaarawan ko. Wala may pake at walang may alam. Kahit si Dad walang pake. He just always saying, 'That's good, you're growing up now. Then you will be useful.'
Lagi ko na lang pinipilit na wag alalahanin pa ang kaarawan ko pero lagi ko na lang natatandaan. Gusto kong mag saya minsan pero parang pinagkait na yun sakin ng tadhana.
I wish na sana maging normal na lang ako. Sana isang normal na bampira ako pati si Dad. Ayaw ko na. Nakakasawa na pumatay ng mga kapwa naming bampira. Nakokonsensya din naman ako. May pakiramdam din ako kahit na minsan ay nawawala ako sa kontrol at nagiging masama ako.
"Sam?!"
Napamulat ako at napatingin sa tumawag sakin.
"Donna?" Biglang siyang napangiti ng tawagin ko ang pangalan niya atsaka siya lumapit sa pwesto ko.
"Pwedeng... maupo?!" She shyly asked. I just nodded.
"Hayyy, ang ganda dito noh?! Dito ka din pala natambay?!"
Sa totoo lang gusto ko ngayong mapag-isa pero parang ang rude ko naman kung bigla ko siyang paalisin diba? I can't be rude in girls. Especially to Donna, she's kind and lovely. She deserve respect.
She's just talking and when she asking me, I just nodded to answer her.
"Uy, magsalita ka naman." Siniko niya ko. Napatingin ako sa kanya atsaka ko siya nginitian. Bigla din siyang napangiti.
Biglang nanlaki yung mata niya na parang may naalala siya atsaka siya may kinuha sa bag niya.
"Eto oh!!" Inabot niya sakin yung maliit na box atsaka ko naman kinuha.
Pagbukas ko isang relo yung laman nun.
"Well, hindi ko naman kasi alam kung ano ireregalo ko sayo. Nasayo na lahat eh," napatingin ako sa kanya atsaka siya napayuko na parang nahihiya siya sa binigay niya.
I just found myself smiling and I didn't know the reason why.
"Thanks. This was my first gift that I received in my birthday for 19 years." Nakita kong parang nagulat pa siya. Pero bago siya makapagsalita, naunahan ko siyang tanungin.
"Teka paano mo nalaman?! Sinong nagsabi sayong birthday ko ngayon?!"
"Si Kira, nalaman niya daw kay Zeus."
Zeus? Alam ni Zeus na Birthday ko ngayon?
"Anyway, thanks again."
The wrist watch she gave to is color Black and Red. It was my favorite color.
"Btw, sabi mo First Gift mong natanggap yan for 19 years? What do you mean? A-Ako palang nakakapagbigay ng regalo sayo?" Napatingin ako muli sa kanya at hindi ko masabi kung nagpipigil ba siya ng ngiti or what. Nakita ko ding namumula ang magkabila niyang pisngi kaya lalo ako napangisi.
"Oo, pag kaarawan ko kasi parang wala lang. Parang isang ordinaryong araw lang ang dumaan at parang hindi ko kaarawan. Hindi ko din naranasan yung mga ginagawa nang mga ibang magulang na ipasyal at ibili ng kung ano ano yung mga anak nila. Sa halip na ihuli ako ni Dad ng masarap na leon sasabihan na lang niya ko na ako na lang ang gumawa kaya ko naman daw at may kamay naman daw ako, ako naman daw ang kakain eh kaya ako daw ang humuli."
"Kawawa ka naman. Gusto mo maranasan yung ipasyal kita?! Tara mall tayo!!" sabi niya. Tumayo na siya sa kinauupuan niya atsaka pinagpagan ang pwetan niya. Tiningala ko lang siya at tinignan ng seryoso.
"Talaga?! mag-mamall tayo?!" I can't hide my excitment in my voice.
"Oo, may natitira pa naman akong pera eh kaya, tara na." Tumayo naman ako agad atsaka siya niyakap.
Sa pagyakap ko, naramdaman ko ang mabilis na t***k ng puso niya.
"Thank you Donna."
"A-Ano ka ba naman S-Sam. Wala yun."
RENZ'S POV.
Nandito ako ngayon sa bahay namin sa bayan. Tinitignan at binabasa ang nasa propesiya.
Mag iibigan ang isang tao at isang bampira walang hahadlang dito at magkakaroon sila ng anak na babaeng tatapos sa lahat ng masasama sa ika-disiotso nang dalagang babaeng siyang tuluyang magiging bampira. Walang makakapantay sa kanya. Walang makakapigil sa kanya.
Nabuntong hininga na lang ako sa mga nabasa ko mula sa libro nang propesiya. Ako yung tinutukoy na taong umibig sa isang bampirang si Nicole. Hindi na ko makapaghintay na talunin na ni Kira sina Dee.
Bigla na lang bumukas ang pinto at pumasok dun ang asawa kong si Nicole.
"Hayyy." Buntong hininga niya sabay umupo siya sa kama habang hawak ang ulo niya.
"Han, sabi ko naman sayo na ako na lang ang maghahanap kina Dee at magpahinga ka. Oh ano?! Nahanap niyo ba?!"
Lumapit ako sa kanya atsaka ko siya tinabihan. Inakbayan ko siya atsaka naman siya sumandal sakin.
"Hindi pa din eh. Nananakit na ang ulo ko sa kakaisip kung nasaan yang bwisit na Dee na yan. Hindi tuloy tayo makaalis dito sa pinas. E kayo? Nahanap niyo ba? May nalaman ba kayo?"
"Hindi ko pa sigurado pero may pinapasundan ako kay Mark. Han, relax. Everything overseas are fine. Nanduon din ang Mama at Papa ni Rey at Roy ang taga balita ko, mabuti naman ang lagay dun sa New York, Korea at LA. Hindi na naman daw nanggugulo dun si Dee at M."
"Hayyy. Mabuti naman kung ganun. Nangangamba lang talaga ako kasi puntirya talaga nila ngayon si Kira." Nakaramdam ako ulit ng kaba sa sinabi niya.
Oo, si Kira ang puntirya nila kaya sobrang dami na ng nagbabantay kay Kira. Sina Zane, Rey at Roy, Justine at Joshua, Sam, Dean at Zeus. Kulang pa ba?! Sana pati si Cheska ay pagbabantayin ko din pero nalaman ko kay Dean na muntik na daw ipapatay ni Cheska si Kira. I still can't believe that Cheska would do that, how could she do that to her cousin?
"Baka si Zoe ay papuntahin ko na din dito sa pilipinas para bantayan si Kira. Renz, hindi pa rin ako mapalagay. Gusto kong ilagay sa bulsa ko si Kira kung pwede lang para walang makapanakit sa kanya at hindi siya makita nina Dee." I just chuckled and kiss her in forehead.
"Han, everything will be alright. Don't worry."
SAM'S POV.
Nandito na kami ngayon sa Mall. Nung una pumunta kami dun sa Sinehan. Syempre, nanood kami ng sine at ako ang pumili ng pinanood namin.
Ano nga ba ang pamagat nung pinanood namin?! Ahhh, yung Bad Genius. Well, ang astig nun. As in WOW!! Kung gusto niyo makakuha ng tips para mag kopyahan then watch it.
Sumunod kaming pumunta sa may TIME ZONE. Naalala ko bigla nung kami lang dati ni Kira dito.
"Hey, why are you smiling like an idiot? Don't tell me first time mo lang din makapunta dito?" Natatawa niyang tanong.
"No, may naalala lang ako. Tara na nga!!"
Nilaro namin ni Donna yung baril barilan. Tapos padamihan kami nang mabaril tapos ang matalo magsasayaw dun sa JUST DANCE. Syempre panalo ako kaya siya yung nagsayaw dun mag isa.
Nagsayaw siya nung Low.
Pinanood ko lang siya magsayaw. Ang galing niya and she was so sexy while dancing. I just found myself smiling while watching her. Kahit payatot na babae siya ang galing niyang sumayaw. Alam niyo yun yung pag-nagsasayaw ay may SWAG and SEXYNESS kayong nakikita sa galaw niya.
Hindi ko napansin na tapos na pala siyang sumayaw at nakita ko na lang siya na nasa harapan ko at inaasar ako.
"Grabe ka makatitig sakin kanina ah. May gusto ka na sakin niyan?! Naggaling ka noh?! Ano bayan ang galing ko kasing sumayaw eh!!" pagyayabang niya pa.
"Hoy sumayaw ka lang binagyo ka na. Ang hangin mo masyado, anong nangyari sayo?!" tapos tinignan ko siya na nagtataka.
"Ha?! Hindi ha. Tara, dun tayo sa Food Court kain muna tayo!!"
Hindi pa man ako nakakapagsalita ay hinila na niya ko agad palabas ng Time Zone.
Nandito na naman kami sa Food Court. Bumili siya nang Zagu na Hazelnut. Ipinadala niya sakin yun at sinabing maghanap muna daw ako ng mauupuan namin.
Iniwan niya kong mag isa kasi daw may bibilhin siya saglit. Naghanap na lang naman ako ng vacant na mauupuan atsaka duon siya hinintay.
Makailan ang ilang minutos ay nakita ko na siya sa malayo palang at may dalang box napa-square na kulay pula.
Nakangiti siyang lumapit sakin at inilapag yung dalawa niya sa may lamesa sa harapan ko. Masaya niya yung binuksan, feel ko lang na masaya siya kasi ang lapad ng ngiti niya. Aabot na sa tenga.
"Tada!!" Aniya ng mabuksan na niya yung kahon na pula.
"Ano yan?!"
"Urgh!! Sam Fonce, chocolate cake 'to. Nakain ka ba nento?!" Nakatingin parin ako hanggang ngayon sa kulay tsokolate ngang cake daw na nasa harapan ko.
Kinuwit ko ng daliri ko ang gilid nito atsaka tinikma.
"Ano masarap?!"
I stopped for a seconds then I nodded.
"Heheh, a-ang sarap. Bakit wala sa bayan nento?!" I gave her a fake smile. Actually, We, Vampires, Can eat human foods but we can't taste it. Hindi ko talaga nalalasahan yung 'chocolate cake' na 'to na nasa harapan ko.
Ayaw kong sumama ang loob ni Donna, baka itapon niya lang 'to sa basura. Sayang naman... Pinagkagastusan na niya ko masyado.
Gusto ko siyang sabihan na wag na kong pagkagastusan but I can't. She's so happy and I can't break her happiness now.
Thanks to her, my birthday is not boring. Maybe seeing her wide and beautiful smile is one of the best this day.
+++
Maya maya pa nang maubos na namin yung cake at umalis na kami sa food court habang inom inom namin yung Zagu na binili din namin kanina dumiretso kami dun sa mga damitan na nakalagay sa labas ay TRIBAL.
"Pumuli ka nalang ng gusto mo. Libre ko 'to."
Here she goes again.
"Donna ang dami mo namang regalo sakin?! Pwede bang... Okay na? Tama na?"
"Ay bakit? Ayaw mo ba?! diba nga pinaparanas ko lang sayo kung pano mag birthday yung iba dyan na nakikita mo. Gustoo ng umuwi? Ayaw mo na kong makasama?" Biglang nawala ang masasayang ngiti sa mukha niya at biglang nanikip ang parte ng dibdib ko.
I'm feeling down now. Why do I feel this?
"Donna kasi... Ayaw kong masyado mo kong pinagkakagastusan. Ayaw ko ng laging libre mo ko. Lalaki ako, dapat ikaw ang tinitreat ko. Atsaka alam kong allowance mo yang pera mo for 2 months." Mukha nagulat siya sa sinabi ko atsaka ako dumukot sa bulsa ko.
Ibinigay ko sa kanya ang 2,500 na nagastos namin kanina pa.
Well, ako talaga nagbabayad sa pinamili namin tapos kukunin ko yung pera niya.
"Get this." Sabi ko pero napayuko lang siya. Hindi niya ako pinapansin at pinapanood niya lang ang paa niyang kanina niya pa ginagalaw paharap likod.
"Donna Wolter..." Tawag ko sa kanya. Napansin kong madaming nakatingin samin dito kaya hinawakan ko ang wrist niya atsaka ko siya hinila palabas.
Ng makalabas na kami, napansin kong kanina pa siya kumakawala sa hawak ko. Napatingin ako sa kamay ko na sobrang higpit pala mg hawak ko sa kanya.
Napabitaw agad ako atsaka naman niya mabilis na hinawak ng isa niyang kamay ang wrist niya.
Napatingin ako muli sa kanya ng marinig kong nahikbi siya. Hindi ko man siya makitang naiyak dahil nakayuko siya naririnig ko naman ang hikbi niya.
Lumapit ako sa kanya atsaka ko hinawakan ang magkabila niyang balikat.
"Hey, what's wrong? Why are you crying?" I asked but she just stepped backward amd avoid me.
"P-Pwede mo namang sabihing ayaw mo kong makasama. Ano bang problema dun? Naaawa ka ba sakin? Mukha na ba kong masyadong desperada? Naging... Option mo lang ba ko kasi No choice ka?" Medyo itinaas na niya ang ulo niya kaya nakikita ko ang umiiyak niyang mukha.
F*ck you Sam Fonce. Anong ginawa mo?
Urgh! Nagpaiyak ako ng babae. Wow!! I can't believe!!
"Donna, I don't know how to explain because I don't know what you want but you're not an option. You're one of the most important person to me. I cherish you, and I don't want to see you trying hard to buy this expensive things. I don't want these, I don't need these. It's your money for 2 months at kapag ginastos mo yan para sakin sa tingin mo ba magugustuhan ko? Makakampante ako? Of course I will feel guilt because ginagastos mo yan para lang sa walang kwenta. I'm happy Donna, kuntento na ko basta makita kang masaya. Okay na 'tong relong binili mo." Tumingin siya sakin habang pinupunasan niya ang mga luha niya.
Napangiti ako kasi kahit naiyak siya ang cute niya. Para siyang pusa.
"Ba-Bakit ka nakangiti?" She asked.
"Come with me. I want to show you something." I said. I grab her hand then we ran outside of the mall.
+++
Itinaas ko si Donna sa may puno. Nandito nga pala kami sa tambayan namin dati nina Zeus at Dean.
Well, ngayon ko lang na-realize. Hindi na pala ako naaalala ni Dean.
"Wow, ang ganda naman dito." Napatingin siya sakin habang nakangiti. Napangiti din ako atsaka siya biglang mag iwas ng tingin at tumingala.
Tumingin siya sa mga bituin sa langit na hindi na mabilang dahil sa dami.
As in ang ang perfect ng pagpunta namin ngayon dito. Ang ganda ng langit at bituin.
Well, gabi na at mga 10 or 11 PM na ngayon. Hindi ko nga napansin na sobrang lalim na pala ng gabi. Masyado akong na-enjoy.
"Sam, masaya ka ba ngayon? Napasaya ba kita?" Bigla niyang tanong from nowhere.
"Masayang masaya. Salamat Donna kasi pinaranas mo sakin kung paano mag birthday." Napatingin siya bigla sakin atsaka natawa.
"What's funny?!" masungit kong tanong.
"Nothing. Ang cute mo lang kasi."
"Ngayon mo lang napansin Donna? Ketagal nakaya akong cute. Gwapo pa." Sabi ko atsaka ko pa siya kinindatan.
"Wee?! Di nga?!"
"Oo nga. Alam mo bang nung pinanganak ako nauso na ang salitang GWAPO at POGI."
"WOW ahh! As in Wow Sam Fonce. Basta totoo eh."
"Oo nga sakin nag umpisa lahat yan."
"Sige na nga sasakyan ko na lang yang kagaguhan mo!!" Atsaka niya ako hinampas para i-express yung kasayahan niya.
Maya maya pa ay na-feel kong naging seryoso ang hangin at napayuko si Donna na parang hindi siya mapakali.
"Sam may aaminin ako sayo pero wag mo namang masamain."
Sumandal muna ako sa may puno atsaka nagsalita.
"Bakit ko naman mamasamain? Ano ba yun?!" cool kong tanong.
"Gusto kita."
[CONTINUE...]