"Sir.. Aligaga na tawag ng guard hanggang sa dumating ang medic at sinakay sa ambulance ang lalaki. Dahil walang kamag anak si Kelvin sa Pilipinas, walang matawagan ang mga staff ng nasabing ospital. Tanging ang guard lang na naka duty ang nagmagandang loob na dalhin siya sa ospital. Samantalang patungong Baguio naman si Athena para asikasuhin ang pag transfer kay Geoff sa Manila. Ibinilin niya na rin muna kay Alyana ang kambal niya para samahan sa pag lipat, sapagkat hindi niya na magagawa ito dahil may pasok na siya kinabukasan. Ayaw naman niyang may masabi ang mga etchuserang frog na ka work niya. Kaya hangga't maari ay umiiwas siya sa gulo. Nahihiya kasi siya kay Mr. Chua na parang ama na rin ang turing niya. Mabuting tao ang matanda kaya gayon na lamang ang dismaya niya sa mga ka-wor

