Nakabalik na ako ng condo. Nagpasalamat ako sa guard na tumulong sa'kin. Inabutan ko rin siya ng pera, noong una ayaw niya pang tanggapin pero sa huli pinilit ko siya kaya wala na rin siyang nagawa. Magpapahinga sana ako kaso lang 'di naman ako naka tulog pa. Kaya naisipan kung lumabas ng condo at pumunta ng club house. Wala naman akong balak maligo, dahil hindi pa rin naman ako pwede maglilikot. Nang makarating ako roon naupo ako sa benches at magiliw kung pinag mamasdan sa malayo ang mag-iina. Ang saya nilang pag masdan, sana lang makasama ko na ang mga anak ko. How I wish soon mabuo na kami at magkatotoo ang palaging panaginip ko na kasama ko sila. Dahil sa ilang oras silang naliligo sa pool, ilang oras rin akong tumambay roon. Medyo napansin ko lang na hawig ko ang lalaking bata, al

