POV: Monte Naalimpungatan siya na amoy maasim sa kwarto. Malamlam ang ilaw mula sa lampara sa kanyang side table. Kaya minabuti niyang buksan ang kabilang lamparang nasa gilid ni Ericka. Tumambad sa kanya ang babaeng puro suka ang damit. Buti hindi nalagyan ang kumot,bed sheet at unan. Iniisip nya,marahil nanaginip ito at umupo,dahil ang suka nito ay nasa bandang tiyan at laylayan ng damit. Minabuti niyang buksan ang ilaw sa headboard. Sanay siyang magbihis ng babae,si Monica,Montana at Almira ay ang mga babaeng mahilig uminom ng alak at madalas nagsusuka na. Pero madalas naman ay mga nakabra ang mga ito. Sanay na siyang makitang mga nakatwo piece ang mga babae. Kay Almira lang siya nagkamalisya dahil kasintahan niya ito. Itataas na sana niya at irorolyo ang damit ng babae ng may maala

