Chapter 6

1185 Words
POV: Ericka Nagulat sya nung tinawagan siya ng Señor. Pumunta pala ito doon at kasalukuyang nasa lobby. Alam nyang nagpasama ito sa nurse nito. Pero ang alam nya lunch pa ang dating nito. Napaaga naman ata. Sakto rin na nandun si Almira. Pagkatawag nya kay Mr. Diaz para sa re-scheduling ng meeting,pinuntahan na niya ang Señor. Ngiting ngiti ito ng makita sya. Nagkakape ito. Binati niya ang nurse bago batiin ang señor. "Ang aga nyo po ata señor?"tanong nya na umupo sa kanugnog na sofa. "Tinawagan ako ni Almira hija,may good news daw sya."sagot ng matanda. "Ano daw po yun?"nagtataka sya. Malamang may kalokohan na naman itong sinabi. "Basta,mamaya ko na lang sasabihin sayo... Nasaan na ba ang apo ko?" Tinawagan niya si Monte. Sa penthouse pinapapunta ang matanda. "Ihahatid ko po kayo sa penthouse,saka ko po pasusunurin si sir pag dumating na ang pagkain"nakangiti nyang wika. Siya na ang nagtulak sa wheelchair ng matanda. Pinindot niya ang open ng elevator,hinintay nilang makababa ang lahat bago sila pumasok. May dala siyang card na isinwipe dito. Hindi na ito bubukas ganggang sa penthouse. Binigyan sya ni Monte ng duplicate dahil madalas doon nito ipinapadala sa kanya ang mga files na kailangan nito noon. "Kay Monte ba yang card na yan?"tanong ng matanda. "Sa akin po ito. Ibinigay po ito ni sir sa akin noong sa penthouse pa siya nakatira."sagot nya. Ayaw nya naman magsinungaling sa matanda. Yun naman ang totoo. "Wala bang dinadalang ibang chicks ang apo ko dyan?"biro nito. "Naku señor,mabait po ang apo nyo."bumukas na ang pinto senyales na andun na sila. "Maayos ang tirahan ng apo ko ah,"namangha ang matanda. "Ipinapalinis ko po ito linggo linggo,kahit ilang buwan na pong hindi inuuwian ni sir,in case of emergency po kasi pwede syang matulog dito ng maayos." "Alam mo talaga ang gusto nya ano?" "Ang tagal na po naming magkasama ni sir kaya alam ko na po lahat ng ayaw at gusto nya."biglang tumunog ang cellphone nya."sasagutin ko lang po..Hello,Miss Marie?ah yes,bababa ako dyan para sunduin sila...okay thank you.... Señor andyan na daw po ang pagkain pupunrahan ko lang po.." "Sige hija,andito naman si nurse Jeremy,hihintayin na lang kita dito." Ngiti na lang at kaway ang itinugon niya dito. Sinundo niya ang mga nagdeliver ng pagkain. Madalas dito siya nagpapaluto ng mga ipinapakain sa nagiging kameeting nila. Wala pang limang minuto paakyat na ulit silang penthouse. Nadatnan niyang minamasahe ng nurse ang binti ng señor. Nakatingin lang ang matanda sa malayo na parang may malalim na iniisip. Hindi na nito napansin ang pagdating nila. "Pakibaba na lang sa lamesa ang mga pagkain."utos niya sa dalawang may dala. Hindi nya ito bubuksan dahil lalabas ang init ng pagkain at mabilis lalamig. Nacancel na niya ang meeting kay Mr. Diaz."Señor,andito na po ang pagkain.." "Ah,sige hija.. Nagpapamasahe pa naman ako kay Jeremy. Paaakyatin mo na ba si Monte?" "Opo..kailangan ko lang pong pumunta sa office at marami po akong tatapusing trabaho ngayon. Aalis po muna ako.."ngumiti lang ang Señor sa kanya. Ipinasok na ulit ang card at pinindot ang elevator sa floor ng opisina nila. Dala pa pala nya ang ice coffee. Tinikman nya ito,Masarap pala ang taste ni Almira pagdating sa kape. Nakita nya si Marie na abala sa trabaho. "Ma'am"bati nito ng makita sya,"andyan daw po ang magulang ni Miss Madrigal." "Oow?"nagulat sya sa sinabi nito. "May dumating po kasi,parang mag asawa. Tapos parang si Miss Almira din,masyadong mayabang,diretsong pumasok dyan.. Hindi ko nakilala kasi nakamask eh. Narinig ko lang pong bulungan dito na magulang pala sya ni Almira." Andito pala ang gobernador. Bakit kaya may biglaang appointment ang mga ito eh hindi naman ito nagpa schedule ngayong araw? "Sige Miss Marie,salamat."basta siya pumasok sa opisina. Dahil ayaw ni Monte na kakatok sya dahil opisina naman daw nilang dalawa yun. Napatingin sa kanya ang mga tao sa loob. Nagkukwentuhan ang mga ito. Nakahawak sa braso ni Monte si Almira,na ngiting aso nung makita sya. "Siya ba ang secretary mo?"tanong ng ina ni Almira. "Yes,si Ericka,"si Almira na ang sumagot. "Hija"tumayo ang ina ni Almira at lumapit sa kanya"do you have your manners?" "Excuse me?"nagulat siya sa sinabi nito. "Hindi ka man lang kumatok hija,alam mo namang may bisita ang boss mo."tiningnan sya nito mula ulo hanggang paa. "Miranda,stop it"awat ng gobernador. "Dapat alam ng babaeng ito ang lugar nya dito di ba?"maarteng sagot nito. "Tita"boses ni Monte"ako ang nagbigay ng karapatan sa kanya na pumasok dito ng hindi kumakatok dahil opisina namin to." "Monte,hijo,dapat hindi mo binibigyan ng especial treatment ang mga EMPLEYADO mo. Kasi aabusuhin ka nila."sagot ng ginang."Kaya hija,nag uusap kami,pwede ka ng lumabas." Kitang kita niya ang galak sa mukha ni Almira. Parang sobrang saya nito na nilalait siya ng ina nito. Ngayon,alam na nya kung kanino nagmana ang babae ng kagaspangan ng ugali. Hindi siya nagsalita. Bagkus,umupo siya sa kanyang pwesto at nag umpisang magtrabaho. "Hello? bingi ka ba?"tanong ni Miranda. "Hindi,"sagot nya. "So hindi ka naman pala pipi at bingi,narinig mo naman ang sinabi ko di ba?" "FYI Mrs.."tiningnan nya ito ng malamig,"dito ako nagtatrabaho,working hours ngayon,kaya magtatrabaho ako. Kayo may trabaho ba kayo?Malamang wala. Saka isa pa,ganyan pala ang naririnig sa inyo ng anak nyo,ang mang alipusta,no wonder ganyan din magsalita ang anak nyo. Bago nyo ako hingian ng manners,bakit hindi muna kayo ang maglagay sa sarili nyo nyan?" Nakita nya ang pagtawa ng gobernador at ni Monte,pati ang pagdilim ng mukha ni Almira. "Look young lady,"namula si Miranda"baka hindi mo kilala ang binabangga mo?" "Kilala ko kayo,gusto nyo ba sabihin ko pa dito ang biography nyo?"tanong nya. "See Monte?paano mo nasisikmurang makatrabaho ang babaeng ito? Napakatalas ng dila." "Depende ho sa kaharap. Matagal na akong binubully ng anak nyo,kaya hndi ako papayag na pati kayo,ganun din ang gawin sa akin!"matapang niyang sagot. "Binubully mo si Ericka?"sumabat na ang gobernador Sabay tingin kay Almira. "N...no... of course not daddy"pinandilatan siya nito. Doon lang tumigil ang ina nito..Marahil kilala nito na bully talaga ang anak. May takot pala sa ama si Almira. "Darling wag kang maniwala sa babaeng yan,alam mo namang napakabait ng anak natin"tiningnan pa siya ng masama ni Miranda. Biglang tumunog ang cellphone ni Monte kaya medyo humupa ang tensiyon. "Yes..yes lolo..sige lo..paakyat na kami."pinatay ng lalaki ang tawag."Bweno,tayo na sa itaas,naghihintay na daw si lolo don..Ericka,ikaw na muna ang bahala dito." Hindi na nya pinansin si Monte,binuksan nito ang pinto. "Pasensiya ka na hija sa asawa ko,"nilapitan sya ng gobernador. "Okay lang po gov."nginitian nya ito. "Hayaan mo at pag nagkita ako ng kapalit,papalitan ko na"biro nito sa kanya saka kumindat. Napailing na lang sya sa sinabi nito. Paglabas ng mga ito nilapitan sya ni Monte. "Anong sinabi ni Gov sayo?"kunot noo nitong tanong. "Humingi lang sya ng sorry. Sana all.."inirapan nya si Monte. "Galit ka ba sakin?"tanong nito. Hindi na sya nagsalita.. Bunukas ang pinto,pumasok si Almira. "Baby tara na.. naghihintay na si lolo"hinila na ito ni Almira palabas. Doon na sya nakahinga ng maluwag.. Ang tapang ko na.. natatawa sya.. Akala nya magagalit si Gov sa pagsagot nya sa asawa nito. Buti hindi sya kunsintisor.. Itinuloy na lang nya ang ginagawa na parang walang nangyari..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD