POV:Monte Naulinigan niyang nag uusap ang dalawang babae sa loob ng kwarto. Dala nya ang cellphone n Ericka. Ngunit narinig niyang ipinapakuha ito sa matanda kaya bumalik siya at nagkunwaring bagong gising. Kumatok ang matanda sa kwarto nita. Binuksan nya naman agad ito. "Yes nay,good morning,"nakangiti niyang bati. "Maganda ata ang gising ng alaga ko ah,"bati ng matanda"senyorito kukunin ko lang ang cellphone ni senyorita." "Ako na lang po ang magdadala.May itatanong din po ako." "Oh sige senyorito,maghahanda lang ako ng tanghalian."umalis na ang matanda. Lumabas siya,gusto nyang malaman kong totoong crush siya nito. Kaya pag katok nya at pagbukas ng pinto,hindi na nya napigilan ang sarili niya. Ngunit nahiya na siyang magtanong dito. Baka isipin nitong chismoso siya at assuming. P

