Biglang may sumulpot sa harap ko at tumambad saakin ang isang gusgusing batang lalaki na may hawak hawak na pulang rosas, lumuhod ako at tiningala ang batang lalaki para kausapin "Ate, diba ikaw po si ate Naneth?" Nagulat ako dahil alam niya ang pangalan ko. Tumango ako at pinag masdan ang bata, nag babasakaling kilala ko siya pero hindi ko siya mamukaan.
"Ako nga, pero paano mo nalaman ang pangalan ko?" Nag tatakang tanong ko, baka kasi mamaya ay alagad pala ito ng sindikato at baka may bigla nalang humablot saakin dito kahit muka siyang gwapo at normal na bata. Gwapo ang batang ito lalo na siguro kapag nalinisan.
"Pinapaabot po sainyo ni kuyang matangkad, ayun po siya oh" Lumingon ako sa likod ko para tukuyin kung sino ang sinasabi niyang nag paabot ng bulaklak ngunit wala akong makita.
"Niloloko mo ba ako bata? masama ang mag sinungaling, mapupunta ka sa impyerno sige ka" Pananakot ko sa bata at nakita ko kung paanong nanlaki ang mga mata niya. "Ate hindi po ako nag sisinungaling, totoo pong may nagpapabigay po sainyo nito, andyan lang po siya kanina pero bigla... po ata siyang umalis o nawala?" Ang inosente niya ah. "Joke lang hindi ka naman mabiro"
Kumuha ako ng pera sa wallet ko at inabot iyon sa bata "Ano po ito ate?" Tanong niya. "Pagkain." pamimilosopo ko at tinitigan niya naman ako na para bang nakikipag biruan ako, ang sungit ah, muka lang naman siyang mga six or seven years old "Syempre pera" Kinuha niya ang kamay ko mula sa gilid at binalik ang pera doon, tumaas ang isang kilay ko at nag tatakang tumingin sakaniya.
"Ayaw mo? sayang ito, limang daan pa naman din ito" Pang aasar ko sakaniya, inabot niya saakin ang bulaklak at tinignan ako. "Hindi na po kailangan ate, bayad na po iyan" Napatitig ako sa mga mata niya at napansin kong kulay kayumanggi iyon, mas lalong gumaganda iyon kapag nasisinagan ng araw
"Alam ko, binibigay ko sayo ito dahil mabait kang bata, ipag patuloy mo iyan, huwag kang mag babago, kahit mukang mahirap ka..." Pinagmasdan ko siya. "...Hindi ka parin dapat mag bago. Ok?" Binalik ko ang pera sakaniya at tumango naman siya.
"Totoo nga po ang sinabi ni kuya, mabait ka nga po at mapag bigay, pinag pipilitan mo rin po ang gusto mo" Nagulat ako sa huli niyang sinabi, at bago pa ako makaangal eh tumakbo na siya palayo saakin, tumawa nalang ako ng mahina at narinig ko pa na tinawag niya ako kaya nilingon ko uli siya
"Paalam ateng maganda, hanggang sa muli" Kumaway kaway siya habang tumatakbo, at kumaway din ako pabalik.
Inamoy ko ang pulang rosas at sobrang bango nito. "Sino kaya ang nag bigay nito?" Mahina kong tanong sa sarili ko, mag lalakad na sana ako ng makita ko ang kapitbahay ko na nag lalakad sa kaharap kong kalsada. Naka jacket siya na black at naka jeans, naka earphone at naka sapatos, mukang nag jogging siya.
Halos mabitawan ko ang bulaklak na dala ko ng mahuli niya akong nakatingin sakaniya, bigla siyang tumawa ng mahina, wait tama ba ang narinig ko o nahihibang lang ako? DID HE JUST CHUCKLE???? Kahit mahina iyon ay dinig na dinig ko parin dahil bukod sa huni lang ng ibon ang naririnig ko, wala ding sasakyan na dumadaan.
Nasa kabilang kalsada lang siya, nakaharap siya saakin ngayon, chill lang siya samantalang ako ay halos mabaliw sa kaiisip kung ano ang gagawin. Mag katabi lang kasi ang bahay namin. Nasa kabilang kalsada kung nasaan siya, at tatawid lang ako and tadaaa nasa harap na ako ng bahay ko
"Ang ganda ng bulaklak noh?" Bigla niyang tugon. Bago pako makapag react eh pumasok na siya sa loob ng bahay niya. Nahulog ang panga ko at hindi makapaniwala.
"OMYGHAD HE FINALLY TALK TO ME, OH s**t, OMYGHAD" Anong nakain non at bigla ata akong kinausap?!!