EUNRI's POV RAMDAM ko pa rin ang mainit na halik nito sa labi ko. Hindi ko akalaing hahalikan niya akong muli sa pangalawang pagkakataon. His kiss was so calmly and softly. Sa mga sandaling 'to hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman kong kumakawala na ito sa pagkakahalik niya sa labi ko. "So-Sorry! I was too fast," paghingi niya ng pasensya. Bahagya ko itong nginitian. Lumingon ako sa labas, parang may hinahanap akong isang importanteng tao. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang isang lalaking nakatalikod. Naglalakad ito papunta sa kung saan. "A-are you okay? I-I'm so sorry!" Nginitian ko siya. "Ka-Kasi... Zwei?" "Hhhmm?" Ngumiti ito at nagtaas ng dalawang kilay. "Hi-Hinahangaan talaga kita. Pero... parang sobran

