Hindi na niya maituloy ang sinusulat niya dahil sabi nga ng kaibigan niyang writer din na ang genre ng sinusulat ay ang genre na sinusulat niya. Ayon nga rito lame ang pagkakasulat niya. Marahas siya napabuga ng hangin. Walang problema sa lalaki pero sa babae siyang mahihirapan. Ugh,Paano ba ang pakiramdam na kailangan niya isulat? Ito na nga ba ang sinasabi niya eh,ang pagiging hopeless romantic niya ang magpapahirap sa kanya. Iniscroll niya ang mga contacts niya sa kanyang celpon. Susubukan niyang sundin ang suhestyon ng kaibigan na makipag-date. Bago pa man niya mapindot ang numero na naka-save sa contacts niya para tawagan ang kaibigan lalaki na dati nanliligaw sa kanya na nakakausap pa rin naman niya hanggang ngayon nang may bigla umagaw sa kanya ng kung sino sa celpon niya. "Ba

