ALYSSA POV
Halos kalahating oras na kami sa dance floor ng maramdaman kong may lumapit sa akin at mataman akong tinitigan. Natigil ako sa pagsayaw at nilingon kung sino iyon. Nagulat na lamang ako ng bigla itong tumili.
“Bakla!”, sabay sunggab at yakap sa akin.
“Huh?”, naguguluhan kong sambit dahil hindi ko pa namumukhaan ang baklitang bigla na lamang yumakap sa akin dahil sa kapal ng make up nito ay hindi ko ito agad nakilala. Wala namang pakialam ang mga kasamahan ko dahil nakita ko na lamang na kasayaw na ng mga ito ang kanilang mga ka partner.
“Alyssa!, buti nlng ikaw yan. OMG, bakla!”, tiling sambit nito at agad ko itong nakilala dahil sa tinis ng boses nito.
“Ismael???”, gulat kong tanong ng makilala ko ito.
“Gaga, Ismat not Ismael,” nakabusangot ngunit maarteng pagtatama nito sa akin.
“Ismat!” tumili na rin ako at agad itong niyakap ng mahigpit.
“Omg, Ismat. Ikaw pala yan. I miss you so much bakla!” Ismael or Ismat is one of my high school best friends. Matagal na rin siyang nanunuluyan at nagtratrabaho sa United Arab Emriates (UAE) at madalas kaming magkita noon upang magturo ng sayaw sa Dance Studio na pinapasukan nito sa Dubai. Sumasama ako sa kanya para mag part time sa pagtuturo ng sayaw. Natigil lng ang pagkikita namin ng nalipat ito ng Abu Dhabi at nagkataong pandemic noon kaya hindi na rin kami madalas nagkikita at naging madalang ang pagcha chat namin simula ng may naging ka live-in itong binatang emirati.
“Bakit ang pangit mo na?” biro kong tanong sa kanya. Nasanay na ito sa pang-aalaska ko. Alam nito na pag sinasabihan ko sya ng pangit ay kabaligtaran ang ibig kong sabihin.
“I know right.” Saka simpleng umirap.
“Balik Dubai ka na ba ulit? tanong ko pa as kanya.
“Hindi bakla, may event lang kami today! Mas malakas ang kita namin as Abu Dhabi ngayon.”, paliwanag nman nito sa akin.
“Ikaw din bakla, you lose weight ha. Bagay syo mas sumeksi ka.” Paglalambing nito sa akin.
“Thank you bakla”, sagot ko nman sa kanya.
“Girl, please I need your help that’s why I approach you”, pagsusumamo nito sa akin.
“Ganun!” ismid ko sa kanya. “kaya mo lang ako nilapitan dahil me kelangan ka?” pagtatampo so sa kanya at kunwari’y tatalikuran siya pero agad ako nitong pinigilan.
“Besshy please, I really need your help. Just for this time please!”, pagmamakaawa pa nito.
“Gaga bakla, kung uutangan mo ako. Wala akong pera, baka natakbuhan ka na nman ng mga lalaki mo! Tagtuyot ngayon. Kahit ako nangangailangan din ng pera lalo na balak kong magbaksyon nitong summer break.” Paliwanag ko rito dahil parang alam ko na kung ano ang problema nito dahil madalas nauubusan ito ng perang pantustos sa boyfriend nito.
“Gosh bakla. What do you think of me? Me? As in ako? Mukha na ba akong walang pera?” duro pa nito sa sarili na siyang ikinatawa ko na lng.
Hinila niya ako sa gilid ng dance floor. “Bakla, I really need your help. It’s not about money ok.” Pagsusumamo niya sa akin.
Maang ko naman itong tinitigan at nabanaag ko ang kaseryosohan sa mga mata nito.
“Ano ba kasi yun?”, malumanay na tanong ko rito.
“Bakla, kasi mamaya may darating kaming VIP. At dapat magsho show kami mamaya dito. Kaya lang yung gaga kong kapartner, lumaklak ng lumaklak ng alcohol, ayun nalasing at di na makatayo ang gaga.”, frustrated nitong paliwanag sa akin.
“Kaya nakita kita kanina dahil nagmamasid ako sa dance floor ng pwede kong madekwat at gawing ka partner”, pagpapatuloy nito.
“And fortunately, it was you whom I spotted!”, excited nitong paliwanag.
“Gaga bakla, more than 2 years na akong di nagsasayaw. Wala akong praktis.” Pagtutol ko rito. Hindi nman sa ayaw ko pero dahil walang praktis baka magka aberya pa pag nagsayaw kami. Eh di dalawa kaming mapapahiya.
“Ano ka ba girl, we still have time to practice. Mamayang 1 AM pa naman ang show. We have 2 hours and 30 minutes to practice. Sige na bakla please!”, pagmamakaawa pa nito sa akin.
Hindi ko muna ito kinibo at matamang tinitigan siya.
“Promise, hati tayo sa kikitain ko mamaya rito. Sige na bakla. I badly needed your help. Lagot ako sa boss ko pag di kami nakapag perform ngayon”, pagsusumano ulit nito sa akin.
“Sige na nga”, sagot ka na lamang sa kanya dahil naaawa na talaga ako sa kanya at kulang na lang ay lumuhod sa harap ko mapapayag lng ako.
“Yes!”, he exclaimed and hug me tightly. “Thank you bakla, promise ibibigay ko syo kalahati ng kita ko tonight”.
“Hindi ko hihindian yan dahil kelangan ko talaga ng extra ngayon lalo na uuwi ako ng Pinas”, sagot ko rin sa kanya. Kailangan talaga ng extra kita kaya grinab ko na rin ang hiling ng kaibigan ko. Isang buwan na lang at magpa pasko na naman at kelangan kong magpadala ng pang pasko at new year nila sa Pinas.
“No worries bakla, Malaki kikitain natin tonight dahil VIP ang guest natin!” excited na sabi pa nito sa akin.
“Wait lng magpapaalam lang ako saglit sa mga kasamahan ko. Halika para makilalala mo sila.” Sabay hila ko sa kanya at lumapit na kami sa aming table at isa isa kong ipinakilala sa kanya ang aking ibang kaibigan. Kilala na ni Ismat sina Chef at Ate Mj. Ilang beses na ring naki overnight noon si Ismat sa bahay. Lagi rin itong present pag may okasyon sa amin. Nahinto lamang ng nalipat ito ng Abu Dhabi at nung kasagsagan ng pandemic. Ipinakilala ko siya sa mag-asawang sina Elena at Aivan. Aivan by the way is a British National, nakilala ito ni Elena sa Abu Dhabi during the time when she attended a conference from their company. At simula noon at nagkalapit na sila at na in-love sa isa’t isa and that’s the start of their love story. May 1 year old na silang anak na babae and Elena is now playing the role of a plain housewife dahil hindi na ito pinayagan ni Aivan na magtrabaho simula ng mabuntis ito.
“Chef, Ate Mj, please hiramin ko muna si besshy ko sa inyo ha. Siya ang makaka partner ko our tonight’s presentation. Bwisit kasi na Kristinang iyon, maaga kaming nagpunta rito para maghanda at mag-ensayo pero ang ginawa niya lumaklak ng lumaklak ng alak kaya ayun, lasheng ang gaga”, pag aalburoto ni Ismat.
“Sure, its ok with us. No problem Ismat”, sagot nman ni Chef at tango naman kay Ate Mr.
“Please, don’t go ha. You need to watch our presentation pa. Bye! See you later”, paalam ni Ismat sa kanila at mabilis akong hinila nito paalis.
“Girl, bilisan na natin para makapag practice na tyo”, sabi pa nito. Pumasok kami sa isang pintuan sa may bandang likuran ng disco bar.
Maluwang ang lugar na iyon at mistulang maliit na auditorium na napapalibutan ng mga salamin. Nakita ko na may kinalikot si Ismat sa isang aparato na nasa sulok at maya maya lamang ay pumailanlang ang malamyos na musika.
Nakita ko na binuksan nito ang isang kabinet doon sa loob at may kinuha. Inabot nito sa akin ang isang t-shirt.
“Wear this muna besshy while we are rehearsing. Para komportable ka. Later when we finish, ipapatry ko syo yung mga outfit na dala ko at yung mga dancing shoes na rin na pwede syo”, paliwanag niya sa akin. Itinuro nito sa akin ang isang pintuan kung saan ako pwedeng magbihis. Mabilis nman akong nagtungo roon at nagpalit ng damit. Dahil naka cycling na ako ay yung dress ko lng ang hinubad ko at sinuot ang t-shirt na bigay niya.
“Bakla, we will perform first the tango, then jive, after chacha, and the last is batchata”, paliwanag nito sa akin.
“Wait!”, pigil ko sa kanya. “Bakit ang dami nman nyan besshy, baka makalimutan ko mga steps natin. Matagal na akong hindi nakakapag sayaw bakla!”, reklamo ko pa kay Ismat.
“Don’t worry besshy, we used to do this when we were in college kaya keriboom boom bels mo lang!”, maarteng turan nito sa akin.
Wala na rin akong nagawa at sinabayan na rin ito sa pag-eensayo. Khit medyo nahirapan ako sa mga steps ay agad ko nman nakukuha ang mga iyon dahil familiar na rin ako sa ibang mga steps niya. Bigla ko tuloy naalala nung high school at college kami kung saan lagi kaming magka partner sa mga dance competition.
“Ok besshy, let’s wrap up. We will do one round, so every dance we have 5 minutes rest. Isang outfit lng ang gagamitin natin the entire show ok”, paliwanag ni Ismat sa akin.
“See besshy. Wala ka pa ring ka kupas-kupas, ang galing galing mo pa rin. Namiss talaga kitang ka partner bakla. Yun nga lng mejo bumigat ka ngayon besshy?”, biro pa nito sa akin matapos ang pang huling pratktis naming.
“Oo na! Sinabihan mo nga akong magaling pero parang sinabihan mo rin ako na mataba ganun! Kanina lang sabi mo sumeksi ako. Haler bakla. Ilang taon na po kaya ang nakakalipas. Kahit anong pilit ko hindi ko na maibabalik alindog ang katawan ko same nung college days natin no!” paninita ko nman sa kanya. It’s more than 10 years na kasi ng mga panahong nagsasayaw pa kami noong college at sexy pa talaga ako noon. Kumpara sa pangangatawan ko ngayon, I did gain weight. Pero hindi nman ako mataba kung ikukumpara ako sa mga matataba. Hindi man ako ganun ka sexy tulad ng mga modelo ay proud pa rin ako dahil may kurba ang aking pangangatawan at sakto lng ito sa height kong 5’4.
“Wait for me here besshy, I will just take the outfits in the other room at kukuha na rin ako ng maiinom natin, uhaw na uhaw na ako girl”, sabi niya bago tuluyang lumabas.
Bumalik din nman ito kaagad bitbit ang mga damit na naka hanger pa at mga sapatos kasunod nito ang isang waiter na may bitbit na mga inumin naming. Mabilis ko nmang kinuha ang isang bottled water at mabilis na tinungga ito dahil uhaw na uhaw na talaga ako. Umalis din nman agad ang waiter pagkabigay ng mga inumin namin.
“Besshy, choose something you wear for tonight. Isukat mo na rin ang mga sapatos na ito na sigurado kong kasya sa paa mo.” Sabi niya sa akin at lumapit naman ako sa mga damit na tinutukoy nito at isa isa ko iyong sinipat sipat at napangiwi ako ng makita ko ang mga damit na iyon.
“Bakla!”, sigaw ko rito.
“Wala na bang mas revealing dito? Aba, wag na kaya akong magdamit! Daig ko pa ang naka hubad sa mga damit na ito eh!” pagrereklamo ko rito.
“Hoy besshy! Nasa Dubai tayo. Kung nung college pa tyo at nasa pinas nakakapag suot ka na ng ganyan eh anong rekla reklamo mo ngayon jan.” sumbat din nito sa akin.
Malakas ko itong pinalo sa kaliwang braso dahil sa sinabi nyang iyon.
“Ouch! You’re so harsh bessy!” he complains exaggeratedly at hinimas ang brasong nasaktan.
“That was long time bakla! Mga bata pa tyo noon, now I’m more refined woman may iniingatang puri at dangal”, taas noo kong paliwanag ko.
“Puri at dangal, kaya ka iniwan ng jowa mong Egyptian dahil sa puri at dangal mong yan. Aba, Alyssa Marie Abenilla!” tawag nito sa buo kong pangalan. “You are no longer the young 18 years old virgin, isa ka ng 30 years old manang as in gurang.” bigyan diin pa sa huling salitang binitawan nito.
“Yang pechay mo makunat na yan, at yang bahay bata mo ay biglang magsara dahil hindi na napapasukan”, patuloy na pang aalaska pa nito sa akin.
Bigla itong lumayo sa akin ng aambagan ko na naman ito ng suntok. Mabuti na lang at nakalayo rin ito kaagad sa akin. Hindi ko nman na ito hinabol dahil alam kong nagbibiro lng nman ito at sanay na rin ako sa gaanong pang aalaska niya sa akin.
“Besshy, it’s time for you to shine for tonight, Ok! Malay mo may mabighani kang afam tonight!” tudyo nito sa akin.
“Nevermind bakla, I’m not interested at all”, sabi ko na lang at lumapit sa mga sapatos na dala nito at isa isang sinukat ang mga iyon. Himalang lahat ng dala nito ay kasya ko at komportable isuot. Sanay na rin ako magsuot ng mga high heeled shoes and sandals dahil halos araw araw ko sa trabaho ay ganoon ang mga suot ko na pina partner ko sa aking mga office uniforms sa trabaho.
“Ito ang gusto kong isuot”, turan ko sa kanya sabi taas ng sapatos at ipinakita sa kanya. Isa itong 3 inches heeled black shoes, glittery ang toe part while the inner areas of the shoes ay medyo open. May tali na parang lace rin ito kaya ito ang napili ko dahil for sure kahit anong galaw ko ay hindi rin matatanggal sa aking paa.
“Ikaw na bahalang tumingin ng damit na babagay rito, total ikaw nman ang expert diyan. Siguraduhin mo lng na magugustuhan ko ang pipiliin mo, kundi kakalbuhin kita”, panakot ko pa sa kanya.
“Ouch besshy”, sabay hawak sa buhok nito at ang expression ng mukha nito ay akala mo nakalbo nga. Natatawa na lng ako dahil sa expression niya. Isa ito sa mga namimiss ko pag kasama ko siya, ang kakwela kwela nitong kasama at laging masaya.
“Here! This will suit for you bakla.” Hawak nito ang isang mini reddress. It’s so revealing dahil walang takip ang likod nyon at masyadong mababa ang neckline. Para lng akong naka bra pag suot ko nun dahil sa bandang tyan ay lace na lng ang tumatabing doon. And from waist down ay masyadong maiksi ito na may pagka ballon ang style nito kaya pag iikot ako sa pagsayaw ay mae -emphasize nung ang ganda ng dress.
“Wala na bang iba?”, reklamo ko.
“Wala na bakla. At wag ka ng magreklamo jan. Dali isukat mo na ito at kelangan na natin mag praktis ng last round habang suot ang ating outfit. Isuot mo na rin yang sapatos ha,” utos pa nito as akin.
Wala na rin akong nagawa kundi isuot ang outfit na napili nito. Tinulungan niya pa akong isuot ang outfit at sapatos ko. Inayos rin nito ang aking buhok. Kung kanina ay hinayaan ko lang na nakalugay ang mahaba kong buhok ay tinalian niya ito ng bunny, nakalagay din sa ng ilang hibla na buhok sa magkabilang dulo at kinulutan iyon ng bahagya. Nagustuhan ko ang ayos ng buhok kong iyon.
Napangiwi ako matapos magbihis at maayusan dahil kita ko ang sarili ko sa salamin. Kitang kita ang hubog ng aking katawan dahil sa suot kong iyon. Halos luwa ang malaki kong hinaharap dahil bahagya lamang itong natatakpan. Maging ang likod ko ay kitang kita dahil nakapusod ang aking buhok. Hindi sa pagmamayabang ay kahit kulang ako hindi ako ganun ka sexy ay biniyaan nman ako ng malaking hinaharap at matambok na puwet.
“Besshy! You’re so sexy bakla!” tili ni Ismat ng makita ang itsura ko. Maging ito ay nakabihis na rin. Suot nito ang overall glittery black outfit na hapit na hapit sa pangangatawan nito. May itsura naman si Ismael pero sa pananalita at paggalaw nito ay napaghahalatang bakla talaga. Mas malamya pa ito gumalaw kesa sa aming tunay na babae.
“Ok, let’s practice one more time besshy. Then proceed na tyo sa show.” Turan ni Ismat.
And for the last time at nag practice na nga kami suot suot ang aming outfit.