CHAPTER 21

1253 Words

CHAPTER 21 Malakas na tuksuan ang bumungad sa amin nang makababa kami sa sala. Naroon na lahat ang mga kapatid at magulang ni Lucas na nag-aantay sa amin. Agad naman akong nilapitan ni Princess nang mabungaran kami sa may hagdan. Inabrisyete nito ang mga braso sa aking kanang kamay habang nasa gawing kaliwang braso ko naman nakaalalay si Lucas. “You just don’t know how worried I am this morning, Bessy. Buti na lang dumating kaagad ang OB ni Mommy at bumaba kaagad ang lagnat mo. Gusto pa nga ni Kuya na dalhin ka na sa ospital, eh,” bungad sa akin ni Princess. Nag-init bigla ang pisngi ko sa tinuran ni Princess at siguradong pulang-pula na ako dahil sobrang nahihiya ako sa kanila. Hindi rin ako makatingin nang diretso sa iba pang mga kapatid nito na alam kong alam na nila ang nangyari.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD