Kabanata 15 (Sandy's POV)

1143 Words
"Am I right, Kitty? Are you hiding any secret that's why you need to cover you beautiful face with that silly mask?" Napatda ako bigla sa sinabi ng lalaking 'to. Ano'ng pinagsasabi niya na secret? Deodorant lang ang may secrets. At kung may tinatago man ako ay iyon ay ang maikubli ko ang sarili sa kahihiyan. Guro ako tapos nagtatrabaho ako sa isang club? Alam kong matino naman ng trabaho ko pero sino ba ang maniniwala na isang strip bar ang pinagtatrabahuan ko? At isa pa, ang pagkakaroon ng maskara naman ay isang protocol sa club dahil ayaw ni Lola na e-expose kami sa mga customer. Kahit gaga at pusakal ang ugali ng madam namin at may-ari ng club namin ay naiintidihan niya kami. May pinapangalaagan kaming katauhan tuwing nakatirik ang araw at walang dapat na makaalam. "Amats ka lang, Sir! Matulog ka na. May tatlong oras pa akong bubunuin para matapos ang shift ko," sabi ko na lang dahil ayaw ko ng maraming argumento. Ayaw ko ring sabihin na may tinatago ako dahil kahit komportable ako sa kanya, estranghero pa rin siya sa akin. Humugot siya ng hininga at saka tumang-tango. Pagkaraa'y sinenyasan niya si Cres na lumapit. Ano ba itong lalaking 'to, 'di nakakapaglakad kung wala ang assistant? "I need to go now, Kitty. Thank your for this night..." aniya. Tumango lamang ako at tinapik siya sa balikat. "Good night, Sir." Kahit madilim ay alam kong nakangiti ang lalaki sa akin-- assuming lang. Pakiramdam ko kasi ay nasasayahan siya sa akin kaya parati niya akong request. Gumalaw ang ulo niya pataas-baba, tila tumatango at hinay-hinay na tumalikod. Habang ako ay pinagmamasdan lang siya sa habang papalakad nang bigla siyang huminto. "Kitty," aniyang muli akong nilingon. Napaangat ko ang mukha para salubingin ang mukha niyang imposible ko namang makita. Hanggang kailan din kaya siya magtatago sa maskarang iyan? "I will ask Lola to let you home. I will pay your whole night..." Napaawang ang bibig ko sa gulat at napakurap. Mayamaya ay hinay-hinay akong lumapit sa kanya at abot ang mga kilay siyang pinagmasdan. "B-Bakit? Uhm.... ang i-ibig kong sabihin, h-hindi na kailangan, Sir. Trabaho ko naman 'to." "I insist. Please, go home. You deserve a rest, Kitty. You are working so hard. Para ka namang pamilyado," natatawa pa niyang sabi kaya napamulat ako lalo. Ano'ng pamilya? May binata na nga ako. Sasagot na sana ako nang bigla niya akong inabutan ng isang sobre. "Rest. Or else... iuuwi kita." Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang gulat. Nagbibiro lang naman siya, ano? Kung gagawin niya iyon ay nag-uwi siya ng matandang mais! Matigas na kainin kaya matatanggal ang ngipin niya sa akin. "I am just joking, Kitty. I am trying to throw a joke." "Ha..." Mahina akong umiling at napangisi na lang. Ganito pala mag-joke ang mga mafia. Masiyadong... corny at nakakatakot. Natakot ako bigla sa sinabi niyang iuuwi. "Alright! Good night, again." Tumango lamang ako. Hindi na rin ako nag-atubili pang tanggapin ang tulong niya sa akin dahil kailangan na kailangan ko rin. Total, pinagtatrabahuan ko naman din ito kaya walang masama kung tatanggapin ko. Habang papalayo ang lalaki ay hindi ko mapigilan ang mapangiti. Sa kabila ng misteryoso niyang katauhan ay alam kong mabuti siyang tao. Cold at masungit siya no'ng una pero ngayon nagkakausap kami, mabait naman pala siya at hindi barat. Nag-undertime nga ako, ayon din sa utos ng VIP. Wala ring maraming tanong si Madam Lola at hinayaan akong umali. Nakauwi na ako sa bahay nang naramdaman ko ang sobrang pagod. Nakapagpahinga ako ng dalawang oras pero bukas na naman ay isang panibagong labanan. Kagalang-galang sa umaga, sabog sa gabi. Iyan ako. Iyan na ang nakasanayan ko sa nagdaang sampung taon... Inilapag ko sa lamesa ang sobreng ibinigay ng lalaki kanina at hindi ko maiwasang mapangiti. Hindi ko pa nabubuksan ang sobreng ibinigay niya. Ise-save ko ito para sa operasyon ni Josh at sana, makahanap ulit ako ng sponsors. Muli ko na namang naalala ang alok ng ama ko. At sa patuloy kong pag-iisip niyon ay 'di ko maiwasang maluha ang naalala ang paghihirap naming mag-ina noong pinalayas niya kami sa sarili niyang bahay. Bahay nila ni Mama... "Anecito, nagmamakaawa ako, magpapaliwanag ako..." Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ni Mama. Ano ang kailangan niyang ipaliwang. Malinaw na malinaw na pinapalayas na siya ng aking ama, ng kanyang asawang walang ginawa kundi ang saktan siya. "Mama..." iyak ko. Musmos pa ako ngunit alam ko kung paano pagmalupitan ni Papa si Mama. Parati kong naririnig sa kay Papa ang salitang pikot. Ang pagdadalang-tao niya raw sa batang iba ang ama. Ako ba ang tinutukoy niya? "I don't want to see your face, again, Red! At iyang anak mo..." turo niya sa akin kasabay ng panlilisik ng kanyang mga mata. "I will never support her. I will never!" Hindi ko alam ang sakit na nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Sarili kong ama ay 'di ako kayang tanggapin? Bakit? Bakit ang layo ng loob niya sa akin? Napabuntong-hininga na lamang ako habang naaalala ko ang dati. Namatay si Mama sa sama ng loob kay Papa. Halos mabaliw siya noon kaya napabayaan niya ako. Kung wala si Nanay Emma ay hindi ko alam saan ako pupulutin. Nadako bigla ang mga mata ko sa calling card na ibinigay niya. Naisip ko lang bigla, paano kaya kung pumayag ako? Paano kung ang pagpapanggap na ito ay maging susi para maging maayos kami ng aking sariling ama? Iniling ko ang ulo dahil may halong panlilinlang ang plano niya at kailanman ay 'di ko ninais na mangloko ng tao. Ewan ko ba, nakadikit na sa buhay ko ang sumpa ng aking nakaraan. Walang mga ama ang mga anak ko. Walang kinikilalang tatay na magtatanggol sa kanila sa oras na kailangan nila ng tulong. Si Benedict, mananatiling lihim ang pagkatao ng kanyang ama dahil kahit ako, 'di ko matandaan ang lalaking iyon. Masiyadong malabo ang lahat. Masiyadong mabilis ang mga pangyayari at langong-lango ako sa alak sa mga oras na iyon. Ang masaklap pa, wala akong nakuhang kita dahil nagkagulo bigla ang paligid at hindi ko alam saan ako papupunta. Ngunit may isa akong naaalala sa gabing iyon. Ang tanging nag-iwan ng marka sa aking utak habang nakikipagsipin ako... Ang malaking balat sa kanyang dibdib na tila ba, galing sa pagkakaopera. Malabo iyon ngunit kung titigang mabuti ay alam mong mayroon. Sino kaya ang lalaking iyon? Bakit sa tuwing nananaginip ako at nag-iisip ng kung ano-ano ay siya ang nakikita ko... ang amoy niya ang pumapasok sa aking ilong... Ipinikit ko ang mga mata at dinadama ang mga oras na hinahaplos niya ang aking braso pababa sa aking baywang. Tila ba, isa akong kaingat-ingatang gamit na kailangan niyang dahan-dahanin... Biglang uminit ang aking batok kaya idinilat ko ang mga mata. Nademonyo na! Nalibugan na ako. Bigla pang namasa ang kepyas ko kaya nayatis na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD