Zayden’s POV “Maupo ka. Ano ba? Nakakahilo ka!” Inis na reklamo ni Zel. How can I keep calm? It’s been hour already at hindi pa rin bumabalik si Zaylee. “Damn it! Lumabas na tayo. Wala tayong matatapos kung nandito lang tayo sa loob.” Ubos pasensyang sabi ko nang tignan ko ang mga kasama. “Wala pa tayong matinong plano.” Singhal ni Levi. “Plano? Ang plano ko ngayon ay hanapin si Zay. ‘Di ba kayo nag-aalala? Isang oras na siyang wala!” Hindi ko na napigilang magtaas ng boses. Alam ko naman na nag-aalala ang mga kapatid niya pero mas pinipili nilang kumalma. But damn it! Hindi ko magawang kumalma. I have a feeling that something bad had happened to her. “Aalis na ko.” Paalam ko at saka dali-daling tumakbo palabas. Hinanap ko agad si Zay sa mga lugar na pwede niyang puntahan, nagpunta na

