“W-what do you mean?” Nauutal na tanong ko dahil hindi ako makapaniwala sa narinig, ngayon-ngayon lang. Paano mangyayari iyon? Eh, ang alam ko ay adopted si Levi. “Okay, hindi kami magkakadugo pero tinuturing namin na kapatid ang isa’t isa. Sabay-sabay kaming lumaki sa ampunanㅡIsang araw nagkaroon ng trahedya. Pag-uwi naming apat mula sa simbahan, patay na lahat ng kasama naming bata sa ampunan... Lahat sila ay pinugutan ng ulo.” Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko nang makita ko kung paano tumulo ang luha sa mga mata ni Zayden. I can feel his pain. I can feel his honesty... So there’s a reason behind everything at tama ako, hindi nga siya masamang tao. “Bakit mo sinasabi sa’kin ‘to ngayon?” Tanong ko. “Because I trust you, at alam kong matutulungan mo kami. Hindi na namin kayang m

