"Babe," sinundot-sundot niya pa 'yung pisngi ko. Heto na naman siya sa kakulitan niyang walang kupas. "Babe ko..." ulit niya, tiningnan ko lang siya at tinaasan ng isang kilay. Matarayan nga at baka mabawasan kakulitan niya. "Kailan mo ako sasagutin?" Napairap ako sa narinig. Ngayon lang yata ako nakakita ng manliligaw na tinatanong kung kailan siya sasagutin. "Excited? Wala ka pa ngang isang linggong nangliligaw sasagutin na agad?" Ngumuso siya. Napakasarap balibagin ng upuan ng isang ito. "Tinatanong ko lang naman." Napailing na lang ako. Sumandal pa siya sa balikat ko. Hindi naman ako umangal at hinayaan ko lang siya, hindi naman kasi ako naiilang. In fact, comportable naman. Seriously, Xia? Nandito kami ngayon sa room, vacant namin kaya malayang nakakasandal sa balikat ko ang isang

