Pagdating namin sa mall, kanya-kanyang park sila. Nang bumaba na kami ni Kobie sa sasakyan, nakita ko na sila Blake na cool lang na nakasandal sa kotse niya at nakashades pa, tss. Sa pagkakaalam ko, 10am pa lang, e! Hindi pa naman tirik ang araw, makaporma lang talaga 'tong unggoy na ito, e. Lumapit na sila sa amin at nakipag-apir kay Kobie. Iyong ibang tao, tingin nang tingin sa amin, mga agaw-eksena namin kasi 'tong mga bangag na ito, akala mo kung sinong Hollywood artists. "Ang tagal mo, tsong." Naiinip na sabi ni Blake. Tiningnan ko iyong kotse ni Blake, naks, sports car. May maipagmamayabang naman pala. "Yabang, e?" Natawa siya sa sinabi ko. Napangiti lang ako. Lakas talaga ng tama ng isang ito. Niyaya ko na agad sila pumasok sa mall kasi ayokong ma-expose dito iyong kagandahan k

