HINDI na nag-abala pa si Lila na itago ang pagkainis niya kay Nate. Hindi niya pinapansin ang mga sinasabi nito at sa tuwing madadanggil nito kahit dulo ng daliri niya ay hindi siya nagdadalawang-isip na tapakan ang paa nito. "Balak mo bang pipiin ang paa ko?" wika nito nang may tatlong beses na niyang tapakan ang paa nito. Kasalukuyan silang nakasakay ng taxi pabalik sa Ruthledge. "If only I could," mahina niyang turan. "Why are you so adverse of me touching you?" "Siguro kasi malapit na kong ikasal at hindi ko gusto na basta-basta lang ako hinahawakan ng kung sino-sino lang." Lumabi ito. "We already did a lot more than touching, so what's the fuss?" Sa sinabi nito ay naalala na naman niya ang napanood sa camera footage ng casino, not to mention the both of them have already

