Liam:
Sobrang sakit ng ulo ko paggising ko dahil sa hang-over. Sobrang dami kong nainom dahil hindi mawala sa isip ko si Ellie and the thought of her with Nolan last night.
I look at my phone, I wanted to ask and talk to her. Pero anong sasabihin ko.
Nakita kong may message dun si Hazel. She is asking me if I have something to do and if I can accompany her. Hindi ako nagreply wala ako sa mood.
Hazel is just an acquaintance; I know she likes me but I don’t like her. Yesterday, she just asked me if I can accompany her for lunch pumayag ako since Ellie said she has something to do. Truth to be hold she is really busy, busy with her boyfriend. f**k that!
I am not a saint; I have fair share of bad deeds. I get involve with different women from time to time. I bedded, one night stand. I had girlfriends, a serious one. Believe it or not, I do serious relationship. But when I am not in a relationship I play around.
But lately something in me has changed, I don’t know when it actually starts. I actually stop looking for women to play around. Basta ayoko lang, hindi ko na gusto.
I am trying so hard to stop myself from messaging and calling Ellie. I am scared to hear na magkasama pa rin sila. Are they living together? No! I don’t want to think about it.
The following week I tried not to communicate with her. Iniisip ko na mawawala din yung attraction ko sa kanya just like with other women. I also tried to go out and have some fun pero I always end up staying at home and think about her.
Shit! I am starting to go crazy.
Ellie:
After bumping to Liam at the mall last weekend, he hasn’t communicated with me. Buong lingo siyang hindi nagparamdam.
Ayoko din naman na ako ang maginitiate. Pero nagaalala ako kung bakit hindi niya ko kinakausap.
My relationship with Nolan is okay but the gap between us, mas lalong lumalala.
Yes, everyday hatid sundo pa rin naman niya ako. Pero the communication between us is not so good. It is getting worse everyday.
May araw na tatawagan at magmemessage siya sakin para lang sabihin kung anong oras ako masusundo. Ako naman, walang masabi kaya hindi ko din siya tinatawagan at minemessage.
Weekend na naman but this time Nolan is with his family, umuwi siya. Sinasama niya ako at tinawagan din ako ng mommy niya pero nagdahilan ako na hindi ako makakasama dahil may gagawin ako. Hindi naman nagtanong si Nolan kasi minsan naman talaga hindi ako nakakasama.
But the truth is ayoko lang muna sumama dahil baka mahalata ng family niya na hindi kami okay.
Kasi kahit magkasama kami at magkatabi mahahalata mo na hindi kami naguusap masyado at ayokong makita ng family niya yun.
I was planning to clean my condo para may magawa then pupunta ko sa grocery later. Habang kumakain ako ng breakfast may tumawag sa phone ko, I thought it was Nolan but nagulat ako kasi si Liam ang tumatawag.
“Hello” sagot ko sa mahinang boses. Kinakabahan kasi ako at hindi ko alam kung bakit.
“Hi Ellie. Are you available today?”
Hindi ako nakasagot. Gustong gusto kong sabihin na oo pero pakiramdam ko hindi tama.
“Ellie?” tawag niya ulit sakin ng tumahimik ako.
“Ah. Bakit?”
“Pwede ba tayong magkita? Please.” Pakiramdam ko may kakaiba sa boses niya na hindi ko maipaliwanag pero parang sinsabi sakin nun na makipagkita ako sa kanya.
“Are you with him again?” Tanong niya sakin at alam ko na si Nolan ang tinutukoy niya.
“Ah…no he is with his family. Sige saan kita kikitain?” tanong ko
“I’ll pick you up.”
“Hindi na ok lang…saan ba?”
“Okay. I’ll see you sa greenbelt.”
“Sure. See you.”
“See you my Ellie” then he ended the call.
Ayun na naman siya. Ano bang meron dito kay Liam. s**t! Sana mali ang iniisip ko. It won’t be right.
By lunch time nagkita kami ni Liam. He smiled at me nung nakita niya akong palapit sa kanya.
“Hi” bati ko sa kanya ng nakangiti.
“Hi” bati niya pabalik sakin na may kasamang haplos sa buhok ko.
Nagulat ako pero hindi ako naasiwa. It actually felt good. I felt comforted by his action.
“Saan mo gusto maglunch?” He asks.
“hmmm…ikaw meron ka bang preferred?”
“wala naman, kung anong gusto mo dun tayo.”
“Chili’s?”
“Okay…Let’s go”
Nagorder kami then while waiting for our food to be serve napansin kong nakatingin siya sakin.
“Bakit?” tanong ko sa kanya.
Weird pero hindi ako naaasiwa kahit tinititigan niya ako, pero kung iba yan sobrang awkward ko na.
“Wala lang. I just want to look at you” then he smiles.
Tumaas ang mga kilay ko na nagtataka. Pero he just smiles at me at hindi na pinansin ang pagtataka ko.
When our orders were served kumain na kami. Nandun na naman yung usual silence between us but again it was a serene silence not the awkward type of silence.
“May gagawin ka ba after this?” He asks.
“I actually plan to buy some supplies today. Why?”
“Gusto mo samahan kita?”
“Sige. Okay lang ba sayo?”
“Of course. I’m happy to go with you and do things with you.”
Hindi ko alam ang isasagot. Ayoko din magtanong. Kaya ngumiti na lang ako sa kanya. Natatakot ako sa mga bagay na maaari niya pang sabihin.
“Are you done? Let’s go?” Aya niya sakin.
“Liam, I will pay for the food I eat ha.” Sabi ko sa kanya.
“Nope. I asked you out for lunch. So, it’s on me, okay?”
“You sure”
“Of course.”
Ngaikot ikot muna kami sa mall bago nagpunta ng grocery. Since pareho naman kaming wala gagawin, we agreed to spend our time roaming around. While we are strolling nakatanggap ako ng tawag from Nolan and I answered it. Tumingin siya sakin with the same dark eyes nung nakita niya kaming magkasama pero hindi siya nagsalita.
“Hello”
“Hey Honey. Anong ginagawa mo?”
Shit! Hindi ko alam anong sasabihin ko dahil nagdahilan nga pala ako sa kanya na may gagawin ako ngaun.
“Papunta akong grocery now. Mamimili ng stocks.”
Hindi na siya nagtataka dun kasi weekly naman talaga ako bumili ng food supplies lalo ng mga fresh produced meat and vegetables.
“Ah ok. Are you done with your work?”
“Hindi pa lahat may naiwan pa ko na babalikan ko. I just got bored kaya nagdecide muna ako maggrocery. Then I will resume pagbalik ko.”
“Ah ok. Just take it easy weekend pa rin naman you should still rest.” Paalala niya sakin.
“Don’t worry I will. Kamusta naman dyan?”
“Nothing new. Ganun pa din, nagiingay lang silang lahat. Sana nga sinamahan na lang kita dyan kesa nagpunta dito.” Natawa kami pareho sa sinabi niya sabay napatingin ako kay Liam na sobrang galit na ang nakikita ko sa mga mata niya.
“Anyway, cge na… I just checked on you. Do what you need to do and rest.”
“Ok. Bye”
“Bye Honey”
Napabuntong hininga ako. Isa pa sa pinagbago namin. We never say I love you to each other anymore.
I didn’t even remember when was the last time we said our I love you to each other.
Binalik ko na ang attention ko kay Liam who is looking scarier at hindi ko alam kung bakit.
“Liam, are you okay?”
“Yeah! I am fine”
“You sure? You don’t seem to be ok.”
Huminga siya ng malalim. Then look at me again medyo nabawasan na ang galit sa mga mata niya.
“I am ok, let’s go?”
Tumango ako. Hindi ko alam anong nangyayari sa kanya bakit biglang nagbago ang mood niya.
Pagdating namin sa grocery namili na ako ng mga kailangan ko. Naisip na din niyang bumili ng supplies para din sa kanya. I learned na mag-isa lang din siyang nakatira sa condo niya.
“Liam?”
“Yes babe?”
Nagulat ako sa tinawag niya sakin pero hindi ako nagpahalata. I decided to ignore it baka slip of the tongue lang.
“Gusto mo ba magdinner sa bahay ko? I’ll cook”
Hindi ko alam kung ako lang ba pero parang biglang umaliwalas ang mukha niya at lahat ng galit at dilim na nakita ko kanina ay nawala na. Hindi na siya nakakatakot kausapin.
“Sure!”
“Pambawi ko na din sayo, since you treat me sa lunch kanina.”
We just smile at each other. Hindi ko alam bakit may kakaiba akong nararamdaman para sa kanya. I don’t usually invite people let alone men whom I barely know. I just know him for less than a month. But I didn’t feel any danger coming from him kahit na dalawang beses ko ng nakitang dumilim ang mga mata niya.
I feel a different kind of danger from him not the life-threatening danger. Ang danger na nararamdaman ko sa kanya ay danger para sa puso at isip ko and it is not good, pero hindi ko maiwasan.
And I know this is trouble.