Chapter Thiry-three -Kendal- Habang nasa harapan ko ngayon ang lalaking ama ng aking anak, at lalaking alam kong mahal ko pa rin. Ay hindi ko magawang magalit dito dahil sa tuwing nakikita ko ito at bumabalik ang sakit na dulot nito sa akin. Pero ganon pa man ay naaawa ako sa nakikitang naging buhay nito mula ng umalis ako at iwan itong mag-isang lumalaban sa lahat ng taong nanakit sa akin noon. Kinuwento ng kanyang ama ang lahat-lahat sa akin at kung anong laban ang tinapos nito para lang mamuhay kami ng aking anak ng ligtas sa kahit na anong panganib. Nalaman ko ring mas pinili na lang nitong tumira sa isang bundok na malayo sa lahat para umiiwas na muli akong masasaktan nito. Nang muli ko itong nasilayan ay nanghina ako dahil nawala dito ang pagiging masayahin at ang mata nitong

