Chapter Thiry-five -Kendal- Naiinis talaga ako sa tuwing naiisip kong natakot ako ng ilang gabi dahil sa nakikitang kotseng nakaparada sa tapat ng bintana ko, tapos malalaman kong si Uno lang pala yon. Nagalit man ako dito pero naiisip kong nagawa lang niya iyong dati dahil sa hindi ako nito malapitan bilang si Uno Patterson. Nasa loob ako ngayon ng banyo dahil naiinis akong makita ko ito ngayon, ayaw naman nito lumabas at kahit na anong paghahampas ang giangawa ko dito ay tinatanggap lang din nito. Naawa naman ako kaya pumasok muna sa banyo para ilabas ang inis na meron ako dito. Hinayaan ko muna itong magkakatok sa pintuan dahil naiinis pa rin ako dito. “Sweetheart, sorry na please.” Sambit nito na nagmamakaawang boses. Napabuntong hininga naman ako dahil sa hindi ko alam kung

