Chapter Twelve (Accident time) -Uno/Callix Habang nasa loob ako ng aking office ay pinanonood ko ang isang cctv footage kung saan naganap ang pagsabog ng eroplanong sinasakyan ni Kendal. Hindi kasi ako makapaniwalang wala na ito kaya naman ginawa ko ang lahat ng paraan para mahanap ko kung sino ang may pakana ng lahat ng ito. Makikita sa cctv footage na naroroon nga si Kendal at nakaupo ito sa malapit sa may bintana, sa isang economy lang kasi ito sumakay ayaw kasi itong binibigyan ng special treatment lalo na kung aalis ng bansa kaya naman wala na rin nagagawa ang kanilang mga magulang. May tumabi dito na isang matandang lalaki, hindi ito mapamilyar sakin kaya hindi ko na lang din pinansin pa. Hanggang nasa himpapawid na ang eroplano ay may sumigaw na hide jack at may suot itong

