Chapter 3
-Kendal-
“Good morning to my beautiful Mommy.” Masayang bati ko sa aking ina at hinalikan ko ito sa kanyang pisngi at mahigpit ko pa itong niyakap ng sa ganoon ay maramdaman nito ang buong puso kong pagmamahal sa kanila bilang magulang ko, nag-aasikaso ito ng aking baon para sa lunch mamaya. Mula kasi ng makasakit ako ng amoebiasis ay hindi na ako kumain sa canteen, kaya palagi akong pinaghahanda ni Mommy dahil ayaw itong nagkakasakit kami ng aking mga kapatid lalo na daw akong mabilis dapuan ng sakit. Hindi anman sa mahina ang resistensiya ko kaya lang sadyang sakitin lang talaga ko mula pa noong bata ako kaya naman ganon na lang rin mag-alalala ang aking ina.
“Good morning to my most beautiful daughter, halika na at kumain ka bago ka pumasok sa school.” Malambing na sagot naman nito sa akin, ganito talaga si Mommy kahit noong bata pa kami ni Kenjie ang kakambal ko at palagi s’yang nasa tabi namin at kahit kaylan ay hindi niya kami iniwan kaya sobra akong nagpapasalamat dahil nabuo rin ang aming pamilya.
Noong panahon na akala namin ay magkakahiwalay na sila ni Daddy ay natakot kami ng kambal ko dahil sa ayaw naming lumaki ng broken family tulad ng ibang nakikita namin. Mabuti na lang at ginawa ni Daddy ang lahat para hindi siya sukuan ni Mommy. Idol ko ang mga magulang ko lalo na pagdating sa pagmamahalan. Si Daddy kasi ay hindi nakakalimutan si Mommy na bigyan ng paborito nitong flower kahit na walang okasyon o kahit na meron man. Makikita mo talaga ang pagmamahalan nilang dalawa, ito sana ang gusto kong mangyari sa buhay pag-ibig ko ang makita sa mga mata ng lalaking mamahalin ko na ako lang ang tanging babaeng nakakapagpasaya sa kanya. Pero mukhang malabo dahil ang mga lalaki ngayon ay manloloko o kung hindi naman ay kayang manggagamit para lang makuha ang mga kailangan sa isang babae. Nasa ganon akong pag-iisip ng biglang sumulpot si Kalvin sa tabi at inagaw ang kinakain kong pancake.
Masama ko itong tiningnan pero tumawa lang ito sa akin, dumila pa ito kaya naman sinipa ko ang bangko nito na ikinahulog nito sa sahig. Palaging ganito ang nangyayari sa aming dalawa Kalvin sa tuwing nagkakasama kami nito sa isang hapag kainan, ang lakas kasi nitong mang-asar na hindi ko rin naman hinahayaan dahil nakakapikon na rin minsan ang ganitong kalseng kapatid. At Sa ganoong tagpo naman dumating si Daddy na seryosong nakatingin sa aming dalawa ni Kalvin habang nasa likod nito si Kenjie at napapailing na lang sa kaguluhan naming dalawa.
“Ano bang problema at nag-aaway na naman kayong dalawa sa hapagkainan, ha? Sino ang nagsimula ng gulo sa inyong dalawa? Hindi na ba kayo nahiya nasa harap kayo ng pagkain tapos nag-aaway kayo, kailan ko kayo tinuruan na maging bastos sa harap ng pagkain ha?” Galit at seryosong tanong ni Daddy sa aming dalawa ni Kalvin, nagkatinginan naman kami ni Kalvin, dahil siguradong malalagot kaming dalawa kapag hindi kami umayos ng sagot. Nagpapawis na rin ang kamay ko dahil talagang nakakatakot magalit ang aking ama, at kaya nitong maparuisa kahit pa mga anak kami nito. Samantalang si Kenjie naman ay lagi nitong kasama dahil sa ito ang susunod na mamahala sa iba pang negosyo nito Daddy kaya naman maaga pa lang ay sinasanay na rin ito ni Daddy kahit pa nasa high school pa lang kami ng kambal ko.
“Tama na yan, malelate na ang mga anak mo. Kendal at Kalvin mabuti pa umalis na kayo ng sa ganoon ay hindi kayo malate, sige na at ako na ang bahalang magpaliwanag sa Daddy n’yo.” Sabat ni Mommy, mabilis kong kinuha ang bag ko at humalik kila Mommy at Daddy save the belt talaga si Mommy ko. Pero yumuko akong tumingin kay Daddy at saka nagmamadaling lumabas ng bahay mahirap na kung magrounded pa ako, eh may practice pa ako ng swimming mamaya. Mabilis naman akong nakarating sa school ko at nakita ko agad ang mga kaibigan kong laman ng canteen.
“Kendal, dito dali.” Dinig kong tawag sa akin Cindy Mendez ang pinaka kikay sa grupo namin. At kilala ang pamilya nito sa larangan ng paggawa ng mga wine na ini-export pa sa ibang bansa. Kaso suplada ito sa ibang taonga yaw nitong nakakaharap o nakakausap, mahirap din itong pakisamahan minsan dahil talagang maarte sa lahat ng bagay na akhit kaming mga kaibigan nito ay naiinis na rin dito kung minsan.
“Hi Kendal” Bati naman sa akin ni Sofia Glason isa itong model sa bansang pinanggalingan nito ang Italy. Andito lang ito dito para tapusin ang high school at babalik na rin ito roon dahil andon naman talaga sila nakatira. Gusto lang nito matuto ng tagalog kaya ito nag-aaral dito, maharot naman ito na parang hindi babae kung minsan madalas din itong magsalita ng italyano lalo na kung naiinis ito sa kanyang paligid at dahil hindi ito naiintindihan ay mas naiinis ang nagiging kausap nito at kapag nakaganti na ito ay basta na lang ito aalis na parang walang nangyari.
“Magandang araw sayo Kendal.” Simpleng pagbati naman sa akin ni Annalou Vizer. Isa naman itong working student mahirap lang ito at tanging ang Nanay Melanie lang nito ang kanyang kasama sa buhay. Sa aming lahat ay ito ang pinakamatalino, well may talino rin naman kaming tatlo pero itong si Annalou ang laging top one sa buong klase kaya naman kung minsan dito kami nagpapaturo ng sa ganoon ay hindi rin kami mawala sa pagiging top sa buong school. Mayayaman kami pero kahit kailan ay hindi namin ito minaliit ko kahit na ibully dahil hindi naman kami ganoon kasama. Mabuting tao si Annlou sa amin kaya naman ganoon kami sa kanya.
“Hi, good morning sa inyong lahat” Masayang bati ko sa kanilang lahat habang inaayos ang bag ko sa isang bakanteng upuan at saka kinuha ang iba ko pang note, mamaya pa naman ang klase namin kaya dito muna kami sa canteen at mukhang kakain sina Sofia at Cindy.
“Wait lang alam na ba n’yo ang latest chikas, for today?” Nakanguso pacute na tanong naman ni Cindy? At mukhang masaya rin ang aura nito base sa makikita dito. Nagkatinginan naman kami nila Annalou at Sofia dahil wala kaming idea sa latest chika nito sa amin.
“Hind, bakit ano ba yon?” Tanong ni Annalou at isinara ang binabasa nitong libro ng sa ganoon ay makinig sa magiging chika sa amin ni Cindy.
“Bali-balita na dito daw mag-aaral si Asher Harris, ang sikat sa buong asia na car racer at alam n’yo ba ang dahilan kung bakit n’ya piniling mag-aral dito? At iyon ay dahil sa gustro n’yang mapalapit sa kaibigan nating si Kendal.” Masaya at kinikilig naman nitong sambit na ikinagulat naming tatlo.
“Ano, Ako? Bakit ako?” Mga tanong ko dito, dahil wala akong idea sa kung ano man ang sinasabi ni Cindy, dahil hindi ko kilala ang sinasabi nitong lalaki at wala akong balak na magkaroon ng boyfriend na isang car racer dahil alam kong babaero ang mga ito at ang tingin nila sa mga babae ay sasakyan na kapag naluma ay basta na lang iiwan kapag nakakita ng bagong pwdeng sakyan kaya kahit anong mangyari at hindi ko ito magugustuihan.
“Ibig sabihin hindi n’yo pa napapanood ang video niya sa YouTube? At alam n’yo ba kung ano ang sinabi niya sa live interview?” Dag-dag pa ni Cindy sa maing tatlo muli lang kaming nagkatinginan magkakaibigan dahil sa hindi naming alam ang pinagsasabi nitong interview sa binatang si Asher Harris. Hanggang sa ilabas nito ang kanyang cellphone at pinanood sa aming ang isang video at makikita ang isang lalaking matangkal may dala pa itong helmet at nakajacket na black.
“Hi! Mr. Asher Harris, ano masasabi mo at champion ka na naman this year sa ganitong klaseng karera?” Narinig kong tanong ng isang report dito, maganda naman itong lalaki at halata dito ang pagiging babaero dahil nakikita ko sa mata nito ang saya lalo at maraming babae ang nakapaligid dito.
“Masaya po ako dahil ako ulit ang champion at gusto ko lang po magpasalamat sa lahat ng mga taong naniwala na kaya ko ulit manalo at sa mga fans ko maraming salamat sa supporting natatanggap ko mula sa inyo. Salamat po ulit sa inyong lahat.” Makangiti nitong sagot sa nag-iinterview.
“Nabalitaan din namin na lilipat ka daw ng bagong school, pwde bang malaman ang dahilan mo sa nalalapit mong paglipat at kung totoo rin bang may babae kang gustong makita sa school na yon?” Tanong sa binata na ngayon naman ay parang kinikilig na hindi ko maintidihan.
“Yes! Lilipat po ako sa St. Catherine University, nandoon kasi ang babaeng pinapangarap kong maging asawa sa tamang panahon.” Sagot nito na kinatili ng mga nanonood doon. Pati si Cindy at Sofia ay kinikilig na rin dito. Samantalang si Analou ay parang walang pakialam sa mga nangyayari at nagbasa na lang muna ito sa kanyang bagong biling libro. Nawawalan na rin naman ako ng ganang manood subalit itong si Cindy at hinihila akong panoorin ko daw ang mga susunod pang mangyayari.
“Dahil sinabi mo na rin yan, baka pwede namin malaman ang pangalan ng masuwerteng babaeng nakakuha ng puyso ng isang Mr. Asher?” Tanong ng isang baklang reporter dito at kinikilig rin habang natatanong sa binata.. Tumingin ito sa camera at dahil sa nagtama ang aming mata ay piling ko tuloy ay sa akin talaga ito nakatingin.
“Ms. Kendal De Lana, parating na ako at sisiguraduhin kong magiging masaya ka sa feeling ko. I miss you!” Nakangiti nitong sambit na mas lalong kinaingay ng mga taong kasama nito sa interview. Pinatay naman ni Cindy at nagtatalon pa silang dalawa ni Sofia sa sobrang saya dahil sa mga napanood ng mga ito. Napatingin naman ako sa buong paligid at mukhang napanaood na rin ng lahat ang ginawang interview ng binatang yon.
“Sister, ano ang masasabi mo sa interview ng future boyfriend mo, ha?” Tanong sa akin ni Sofia. Actually, wala akong masasabi dito dahil wala akong pakialam sa kayabangan ng lalaking yon at halatang hindi naman yon totoo sa kanyang sinasabi kaya mas lalo lang ako naiinis dahil sa ginagamit pa nito ang pangalan ko para lang mas lalong sumikat.
“Wala, dahil wala akong panahon sa tulad n’yang lalaki. Saka talaga bang naniniwala kayo sa lalaking yan? Eh! Mukha namang babaero yan saka kilala n’yo ako ayokong ng mga ganyan klaseng lalaki, kaya pwde tigilan n’yo ang issue nay an ok.” Paliwanag kong sagot sa mga ito, sakto naman na tumunog na ang bell kaya nagmamadali na kami ng ayos ng mga gamit namin sa pagpasok. Naunang natapos ang klase ko sa mga kaibigan ko kaya naman nauna na rin muna ako sa canteen kung saan palagi kaming nakatambay. Bubuksan ko na sana ang lunch box ko ng biglang may naupo sa isang upuan na malapit sa akin.
Gusto ko sa nang lingunin para paalisin ng marinig kong nagtitilian ang mga kababaihan dito sa canteen. Dahan-dahan naman akong napalingon at nakita kong si Asher Harris ang nasa tabi ko at magandang ngiti ang ibinibigay nito sa akin. Napahawak naman ako sa aking lunch box ng lumapit pa ito sa akin.
“Mukhang masarap ang tanghalian mo baby, baka gusto mong ibahagi ito sa akin.” Bulong nito sa akin na kinataas ng palahibo ng patok ko. Magrereak na sana ako ng biglang nahulog ito sa kanyang upuan at nagulat ako sa isang lalaking dumating, naka jacket ito at nakasuot ng mask hindi ko kita ang mukha nito pero parang kilala ko ang mata nito.
Pero galit na tingin ang nakikita ko dito nilapitan nito si Asher na ngayon ay patayo na ang kaso ay sinipa pa ito ng istrangherong lalaki kaya muli itong napadapa sa semento, nahihirap na rin ito at duguan ang mukha dahil sa sinuntok na rin ito ng lalaki. Gusto kong lapitan si Asher, pero natatakot ako sa lalaking galit na galit. Mabuti na lang at dumating na ang mga security guard at kinuha si Asher na duguan at wala na ring malay. Lalapitan ko sana ito ng hawakan ako sa braso ng lalaki at tumingin sa akin, nakikita ko sa mata nito na may gusto itong sabihin ngunit hindi ko maintindihan. Hanggang sa mabilis na lang itong umalis sa harapan ko, sinundan ko pa ito ng tingin pero sa kilos nito ay para itong ninja sa bilis nitong nawala sa paningin ko.