Chapter Sixteen -Kendal- Nagaalmusal kami ni Lola Auring ng nang magising si Uno kasama ang dalawa nitong kaibigan. Wala akong kibo habang nasa tabi ko ito at nagtetempla ng sariling kape. “Nga pala anak Uno, tumawag si Lolo Marciano mo at ang sabi niya ay ayos lang daw kung hindi muna kayo papasok sa trabaho dahil para may aayos pa siya, ipapatawag na lang daw kayo ulit kapag ayos na.” Sambit ni Lola sa asawa ko. Nakita kong napatango lang dito si Uno at tahimik din tinigan ang dalawang kaibigan. Tahimik lang akong kumakain ng tinapay ng mas lumapit si Uno sa tabi ko at hiniling ang ulo sa balikat ko. “Kumain ka ng ayos yan. At mag-uusap tayo pagkatapos mo.” Salita ko at tumayo para pumunta sa labas ng bahay para magwalis sa barukan. Habang nagwawalis ko ay lumapit naman ito s

