Her POV Kinabukasan, pagpasok ko ng opisina ay di pa rin maalis sa isip ko ang pangalang ‘Nathalia’. Bakit nga ba ako lumingon nang marinig ang pangalang iyon? “Good morning, Ma’am Jelna!” bati ng sekretarya ko. I look at her. Sabi ni Nate, tatlong taon na raw itong nagtatrabaho sa akin. Siya lang daw ang nakapasa sa standards ko sa lahat ng naging sekretarya ko. Sabagay, she is very efficient. “Ces, may kakilala ka bang Nathalia?” I asked. Saglit siyang nag-isip pero umiling din. “Wala naman po, ma’am. Bakit po?” Tugon niya. “Never mind!” I said. Bakit ganun? Iisa lang naman ang sagot nila ni Nate pero magkaiba ang reaction nila. Ito mukha talagang wala siyang kakilala but Nate last night momentarily looks wary. I shook my head at tinungo nalang ang pinto ng opisina ko. “Ah, ma’a

