• Audrey • "Kailangan mo ba talagang gawin ito, Drey? Kailangan mo ba talagang umalis?" malungkot na tanong ni Ashley sa akin habang inaayos ko ang aking mga gamit sa loob ng maletang dala ko. Matapos ang nangyari kagabi ay tinawagan ko na agad si Daddy na pumapayag na akong umuwi. Masakit man sa aking gawin ito ay kailangan, ano pa bang rason kung bakit pa ako mananatili rito hindi ba? "Drey, mamimiss kita." Niyakap ako ni Mira at Ashley ng mahigpit na ikinangiti ko ng mapait. Sigurado akong mamimiss ko silang dalawa. Naalala ko na naman ang nangyari kagabi. Naramdaman ko nalang ang mainit na likido mula sa aking mga mata. Why can't I stop myself from crying? Hindi rin nagtagal ay lalong lumakas ang pagtulo ang mga luha ko. Sinabayan rin ito ng malakas na pag-iyak ko. I can't help

