• Steven • "Steven." Humugot ako ng buntong hininga nang makilala ko ang boses n'ya. Hindi na ako magtataka kung bakit n'ya ako sinusundan kahit ayoko s'yang makausap. Iniiwasan ko na sya't lahat lahat pero nandito parin sya't kinukulit ako palagi at mas lalong hindi na ako magtataka kung bakit ang dali lang para sa kaniyang magtransfer at pumasok dito sa academy. Well, tito Lucas, my Dad's bestfriend was her Uncle kaya walang kahirap-hirap s'yang makausap ito para magtransfer kahit malapit na ang sem break. Hindi ako umimik at nagpatuloy lang sa pagbabasa ng mga article sa laptop para ilagay sa RRL ng thesis namin. Malapit na rin kasi ang pre-defense for the final exam before the sem break kaya mas pinagbubutihan ko ang paggawa nito para magkaroon pa ako ng oras na makasama si Audrey

