• Audrey •
“Kyah! Steven!” tili ng girls sa corridor.
At this early ganyan ang maririnig mo pagpumasok ka sa Crystagold academy kahit sa corridor s'ya ang laman ng topic.
“You know what girls? Last week lang naging kami ni Steven ng 3hours!” the girl in ponytail said with a big smile na halatang kilig na kilig.
“Hah! Is that what all you got? Don’t you know na naging kami for 10hours!?” sabi naman ng babaeng halos masira na ang botones ng uniform sa sobrang fit habang nakalagay yung bewang n'ya sa waist with a very wide smile.
“Ugh! C’mon girls! Stop dreaming because we’ve been together for almost 17 hours!” sabat naman ng isa pa na putok na putok ang labi sa sobrang pula while smirking.
“What? Seriously?! That's so f*****g unbelievable! Blah, blah, blah…”
I covered my ears. Takte, nakakaumay na!
Araw araw nalang ganyan ang naririnig ko, mas lumala pa ata ngayon, ugh! Puro nalang Steven, Steven, Steven! Steven was a good kisser, Steven was like this, Steven was like that, Steven was hot, so on and so forth.
Steven was everything! Nakakasawa na! He’s the talk of town!
Alam kong naging close kami sa mall last time but it was all just go with the flow! You know? I hate Casanova, I hate him! I hate everything about him.
“OMG! Our princes are here!” tili na naman nila.
Till when should I suffer in this damn crap?
“Hi Audrey!!” oh-oh I now that familiar voice.
“Kumusta?”
“Uh, I’m good!” I flash a smile.
It is Rain, kasama n'ya ang anim including Seth.
“Hoy freak!” tawag ni Seth sa'kin.
What would you expect?
“Problem?” I ask, umiwas s'ya ng tingin.
“Wala!” tapos ngayon sisigawan n'ya ako?
“You know what? If you don’t know what to do with your stupid life wag moko idadamay!” sigaw ko, kakairita eh.
Ang aga-aga sinisigawan ako? I don’t care kung pinagtitinginan na kami ng ibang studyante. Pakialam ba nila?! He’s annoying me in this early!
“Hey! Why are you shouting him?!” sabat nung isa sa mga babae na nag-uusap kanina.
I just raised my eyebrow.
“So?” pagtataray ko. Wag n'ya akong susubukan.
“Hindi mo kilala si prince Steven kaya wag mo s'yang sigawan ng ganyan!” mas lalong tumaas kilay ko sa sinabi n'ya.
“Wait, what? Prince?” I act as if I was very surprised. "My gosh, sis! Hello? Pilipinas to! And there's no prince here in Philippines! We were on a Democratic type of government not monarchy! You’re just obviously not listening to your instructor in Philippine politics and governance,” ayan at umiiral na naman ang mga natutunan ko kay kuya.
“Mahiya ka naman sa binabayaran ng parents mo dito! Puro landi lang alam mo! D'yan ka na nga!” dugtong ko pa saka ako nag walk out.
In my two weeks of college life here was a mess! Well, not probably!
“Audrey!” napalingon ako sa tumawag sa'kin.
Its Ashley ,well magtataka pa ba ako? Sila Lang naman kasing dalawa ni mira ang kaclose ko dito pati narin yung anim maliban sa retarded na yun! Anyway nandito na ako sa room namin and as usual, late nanaman si mira.
“I saw the scene earlier. That was so cool ,drey!” sabi n'ya nang makalapit na s'ya sakin sa upuan ko habang malawak ang ngisi.
“Yeah, thanks for watching.” I said sarcastically.
Tama bang panoorin lang ako at hindi tulungan?
“Drey, alam ko naman na kaya mo na yun, ikaw pa? At isa pa kung sumali pa ako, baka lumaki pa ang gulo no,” sabagay, she has a point.
“Where’s Mira?” I asked.
“As usual, late na naman.” sagot n'ya habang kinukulikot ang phone n'ya.
“Hey girls!” well, speaking.
“Speaking of the devil,” bulong ni Ashley na kinatawa namin ng mahina.
“Anong meron at masaya ka ata?” tanong n'ya kay Mira habang nakataas ang kilay.
“Bar tayo later? My treat!” ang hyper n'ya ata, may patalon talon pa, eh.
“Sure! How bout you, drey?” Ashley asked.
“Count me in.” I said nang bigla namang pumasok yung Trigo instructor namin.
Like what we’ve planned this morning, pumunta nga kaming bar after class. At napagtripan na naman nila akong i-make over. Seriously? Do I really need a make over?
“Ayan! Oh diba, perfect!" narinig kong sigaw ni Ashley. Napalingon naman si Mira sa'min.
“My gosh, Drey! Nakakatibo ka talaga!” napailing nalang ako sa kanila.
After a while ay sumakay na kaming tatlo sa kotse ni Ashley.
“Oh My! Oh My!” nagtititili si Ashley sa loob ng sasakyan.
“Ano na naman ba 'yan ha, Ashley?” tanong ni Mira.
“Nagtext si rain. Nandun din daw sila sa bar na pupuntahan natin!” sabi niya na kilig na kilig.
“Yah, yah. Wag mo lang ipapakita sa akin yang Zake na yan!” inis na sabi ni Mira.
Hmm, I smell something fishy.
“Bakit ba, Mira? Galit na galit ka ata sa tao?” tanong ni Ashley.
“Ahh basta!" kapag ganyan na ang sagot ni Mira ay hindi na namin kinukulit.
Mukhang may war yata talaga silang dalawa nung Zake, eh.
Nakarating na kami sa bar at nagtaka ako na ang daming tao, hindi naman weekend ngayon. I roam my eyes around. Napatigil ako sa bulto ng taong nakita ko, I didn’t know if I was just hallucinating or what. I just saw that stupid retarded Casanova flirting with a slut.
Well, what would you expect? Knowing him, he’s totally a playboy. Napatingin din siya sa akin and I could tell that he was surprised seeing me here. Di ko alam kung anong trip n'ya at lumapit sa amin.
“What are you doing here?” tanong niya sa akin dahil obviously, sakin lang naman s'ya nakatingin.
I was suprised in the next thing he did. He just snake his hands around my waist and pulled me closer to him.
Hindi ako nagpahalata na medyo gulat ako.
“Nothing, we're just having fun.” I said and took his hand away from my waist. “And please stay away from me.” saka ako lumayo ng distansya sa kan'ya.
“What if I don’t” he said stubbornly at lumapit parin sa'kin. “Let’s dance.”
Nagulat nalang ako dahil bigla nalang niyang kinuha ang kamay ko at kinaladkad sa dancefloor.
Like, what the f*****g hell was that?
He didn’t even ask me if I’m willing to dance with him? He didn’t even give me any choices to chose! Like let’s dance, sa gusto o sa gusto mo?
I hate dancing! Yan ang gusto kong ipagduldulan sa kanya but its too late.
Nakarating na kami sa gitna ng dancefloor and now, he’s starting to dance. Okey fine! You want to play? Then I’ll be willing to play with you.
Because of annoyance, I started to dance a dirty dance yung pangmalandi? Ah, basta yung sexy dance! Pagharap ko sa kanya, I was really shock as in S-H-O-C-K! When he suddenly hold my both cheeks and...
And...
SON OF THE!
Did he just…
Did he just f*****g kissed me?!
Fuck this retarded, crazy and stupid Casanova!
Nang humiwalay siya ay hindi na talaga ako makapagtimpi. I hold his both shoulders and just kick his buddy between his thighs very hard!
“Aray!” napatingin ang lahat sa dancefloor.
S'ya naman namilipit sa sakit.
Serves him right!
“That was for stealing a kiss!“ I exclaimed then I leave him there still holding his buddy down there while enduring the pain.
Nagkasalubong kami nung anim pero hindi na ako nag-aksaya ng oras na pansinin sila dahil badtrip talaga ako. We supposed to have fun but he just ruined it!
“Hey! ano bang ginawa mo sa kan'ya?” takang tanong ni Mira sa'kin nang makalapit na ako sa table namin.
“He steal a kiss from me and the worst, it was my first kiss! Pinagbayad ko lang naman ang retarded na casanovang yun,” sabi ko sa kanila habang nagpupuyos sa inis.
“Yun ba yun? Or you’re just jealous of what you just saw earlier?” bulong ni Mira sa akin.
Nagselos nga ba ako?
The heck! Of course not!
“Why would I?”
“C’mon Audrey, you know what I mean.” she then give me a meaningful grin.
“Never!” I said then I drink my tequila.
I will never let myself to fall for a stupid Casanova like you. You’ll never win this stupid game because you will never have me and I will never let that happen!
• Steven •
(Steven, you have to say sorry to Audrey for what you’ve done last night!) kausap ko si Mira sa phone.
At wow ha! Ako? Magsosorry?
She just kicked me at my private part tapos ako pa ang magsosorry sa impaktang amazonang yun? Wow, ha? Just wow!
“I will never say sorry to that witch, Mira. “sabi ko sa kan'ya.
Matigas ulo ko, ba't ba?
(Pinsan wag na matigas ang ulo! Kasalanan mo naman kasi ninakawan mo s'ya ng kiss eh!) sabi n'ya sa kabilang linya at napabuntong hininga pa.
“Mira, you know me better than her! At saka, that was only a f*****g kiss! What’s the big deal about it?” sabi ko sa kan'ya.
Oo, kiss lang yun! Pero ba't napakabig deal naman nun sa kaniya?
(Para sayo that was only a kiss! Hindi mo ba alam spoiled brat kong pinsan? That was her first kiss for goodness sake! Of course that was a big deal for her.)
Bigla akong natigilan sa narinig.
So, that mean— I was her f*****g first kiss? Di ko alam pero nagiguilty ako at sumaya at the same time? Knowing that I’m her first kiss was a—
Shit! What the hell am I thinking?! So what kung first kiss n'ya yun? Pasalamat nga s'ya at gwapo ang first kiss n'ya!
“Okey fine!” pero parang may sariling mundo yata ang dila ko.
Takte! As if I have a choice?
(Good, don’t forget ha? Three red roses at the center then pink roses sa gilid and chocolate was enough.) sabi ni Mira na ikinairap ko nalang.
Inuutusan niya akong padalhan ko daw si impaktang amazona ng flowers and chocolates.
“As if I have a choice. Nga pala sabi ni Zake papadalhan ka daw niya ng flowers. Anyway, where are you?” sabi ko sa kan'ya.
(Yeah. Sige sabihin mo sa kanya gandahan niya ha. I’m here at my pad with Ashley and Audrey of course, sige na bye.)
Pagkababa ng phone, tinawagan ko na ang anim para pumuntang flower shop. Nagpaarrange na kaming tatlo nina Rain at Zake ng flowers, di ko alam may tinatago palang pagtingin ang kumag kay Ashley at yung apat? Wala, trip ko lang sila pasamahin.
Naunang natapos yung kay Ashley kaya naman sa kan'ya ang unang napadeliver. Tapos sunod kay Mira tapos kaya lang naman ako nahuli kasi hindi ko alam kung ano ang ilalagay ko sa card ko.
“Hoy tulungan niyo ako,” sabi ko sa kanila
“Edi ilagay mo diyan. I’m sorry sweetie pie," suggestion naman ni Tyler sabay ngiti ng malapad na kulang nalang maging heart ang mata n'ya.
Binatukan ko nga.
“Gago ka talaga! Masyadong cheesy.”
“Hmm, ito nalang!" sambit ni Lance sabay hawi n'ya ng bangs n'ya. Tae, kalalaking tao may bangs amp! "Ahem! Audrey I’m sorry, hindi ko lang kasi napigilan ang sarili ko kagabi, masyado ka kasing hot at sexy kaya— Aray! Bakit ba? Tama naman diba?” reklamo niya habang nahimas sa batok n'yang binatukan ni Ken.
“Tado! Edi mas lalong di na kami magkakabati n'yan!” sabi ko.
“Kailangan kasi n'yan tol, galing sa puso at sincerity!” sabat naman ni Zake.
“Wala namang heart yan si Steven, eh— aray!” batok ko ulit kay Tyler.
Gago talaga, eh.
“Eh, ikaw miss may suggestion ka ba?” dun nalang nga ako sa nagbibenta magtatanong, walang kwenta kausap mga to, eh.
“Edi sabihin niyo pong I’m sorry at aminin niyo pong mali kayo,” sabi nung babae na ikinangiwi ko naman.
“Aminin kong mali ako? Miss alam mo ba ang ginawa niya sa akin? Tinadyakan n'ya ako!” reklamo ko.
Kakaasar na suggestion, sino bang matinong tao ang gagawa nun? sana pala di na ako nagtanong.
“Sir, alam niyo po ang mga babae, nagagalit po yan kapag hindi niya gusto ang ginagawa ng boyfriend niya. At saka kahit ang babae ang may kasalanan kailangan pong ang lalaki ang unang magpakumbaba. Lalaki naman po kasi ang palaging nagtitrigger kung bakit nagagawa yun ng isang babae. May mali po siya at the same time may mali rin po kayo.”Napaisip naman ako.
I guess she’s right. Langya naman! First time ko yatang manuyo ng babae. Hindi lang s'ya simpleng babae, malditang impakta na amazona pa.
“Fine!" I said in defeat. "Okey na ba kung ilalagay ko, 'I’m sorry I admit I was wrong, I hope you’ll forgive me'. Tapos ilagay mo from Steven. That girl is Audrey, okay?” tumango ang babae at sinulat na niya ang sinabi ko.
Di ko ata naiimagine ang sarili ko dati na gumagawa ng ganito. Never! Unless she came and ruin everything!
Nasa condo ko na kami after madeliver nung mga flowers.
“Tol, ano ba ang pumasok na kabalbalan d'yan sa kokote mo at hinalikan mo si Audrey?” tanong ni Rm sa akin. Tumingin naman ang iba sa'kin na halatang inaantay ang sagot ko.
“Malay ko!” sagot ko dahilan upang mapatayo si Ken sa pagkakahiga.
“What the f**k?!” sabay na tanong ng anim na kinagulat ko.
Ang OA lang ha!
“Tol! You steal a kiss from her tapos malay mo lang?” naisip ko ang sinabi nila.
Hindi ko talaga alam, eh. I was just tempted to kiss her.
“Tarantado ka talaga!” sabi ni Zake.
“Fine! I was just tempted! That’s all,” sabi ko sa kanila.
“Edi inamin mo rin na may gusto ka na kay Audrey!” sabi ni lance. Binatukan ko nga.
Ako? Magkakagusto dun? Huh, Asa!
“Aray ha! Aray lang!” reklamo n'ya.
“That will never happen." I said coldly.
Hindi mangyayari yun!
“Wag muna magsalita ng patapos tol. We don’t know our destiny,” sabat naman ni Rm.
Na ikinatahimik naming lahat maliban kay Tyler na hindi na talaga maitikom ang bibig.
“Yuck Rm! Destiny? So gay!” Tyler retorted dahilan upang magsihabulan na silang dalawa sa loob ng condo ko.
“I agree for what Rm had said earlier,” singit ni Ken na kanina pa nakikinig sa usapan namin.
“Sige what’s the bet?” sabi ko.
“Lambourgini!" sabi ni Zake.
“Ako? Unit ko!” sabat naman ni Tyler na nagtatago sa likod ng shelves.
“Sakin, yung bar ko.” It was Rain.
Nakisali rin.
“Yung restaurant ko ipupusta ko!” isa pa tong si lance.
“500K sa'kin!” di rin nagpatalo si Rm na hinahabol parin si Tyler.
“Mine is my hotel,” Si Ken.
Tangna, ang lakas naman ng mga 'to pumusta. Ganun ba sila katiwala na maiinlove ako sa impakatang amazonang yun?
“Sige inyo na ang condo ko pati na ang kotse ko, ” sabi ko sa kanila.
Ang lakas ng loob naming pumustang lahat, eh. Maya-maya nag vibrate ang phone ko. May nagtext sa akin unknown number.
From: 0955*******
Thanks for the flowers.
End~
Galing siguro to kay Audrey.
“Ano ba yan hanggang text walang feelings,” bulong ko sa sarili ko.
“Sino tol?” napatingin ako sa nagtanong, si Ulan. Narinig pala n'ya.
“Ah, wala. Ano, CR lang ako,” saka ako tumayo mula sa sofa at naglakad na paalis.
Sigurado naman kasi akong tatadtarin lang nila ako ng tanong eh, kaya mas mabuti nang makaalis na ako kaagad. Mahirap na.