• Steven • Wala na, desperado na ako. At oo na, nilunok ko na lahat ng mga sinabi ko dati. We became closer not knowing that I already fell for her. At kung hindi ko man s'ya madadala sa santong dasalan edi magpapatulong na ako sa kuya n'ya. But, we're not that close pero susubukan ko. "Sino po sila?" tanong ng guard na nagbabantay sa gate ng bahay nila Audrey. Siguro bagong guard 'to dahil hindi s'ya yung laging nakakasalubong ko na nakangiti na guard tuwing hinahatid sundo ko si Audrey dati. Nandito ako sa harap ng bahay nila. I already texted kuya Drew about my plan on visiting besides, Audrey was not around dahil may report s'yang ginagawa kasama sina Ashley at Mira sa may coffee shop malapit sa condo kaya hindi n'ya malalamang pumunta ako para humingi ng tulong sa kuya n'ya. Ac

