Yette pov
Okay na si Don Romulo Alvarez matapos ng ilang buwan. Sa awa ng diyos nakaligtas siya sa m******e na naganap at naghilom na ang kanyang mga sugat. Ang asawa niyang hindi nakaligtas ay agad na naihatid sa huling hantungan. Ang mag-asawang Alvarez ay walang anak ang nagmamay-ari sa pinaka malawak na hacienda sa lugar ng Bungabong Oriental Mindoro. Agawan sa ari-arian ang sanhi ng pamamaril. Nais ng mga kapatid ni Don Romulo Alvarez na mapasa kanila ang buong kabuuan ng mga ari-arian. Hindi namin alam kong may nakatakas bang mga rebelde. Basta naitala ng AFP na umabot sa mahigit anim na pong rebelde ang aming napuksa. Basta may ambag ako na isang dosena. Nakapwesto kasi kami ni sir Kal sa kanang bahagi ng mga armado noon. Bawat ilaw sa pagputok ng kanilang baril iyon ang pinunterya naming patamaan ang ibang bahagi para sapol. Si Don Romulo Alvarez ay nasa pangangalaga parin ng militar para masisiguro namin ang kanyang kaligtasan. Napagdesisyonan rin ni Don Romulo Alvarez na ibinta nalang ang lahat ng kanyang mga ari-arian para hindi na mapakinabangan ng kanyang mga sakim na kamag-anak. Sabi pa nga niya na sa charity ng home for old agent nalang niya ilalaan ang kanyang pera at doon na manirahan hanggang sa mamatay.
Binibiro ko nga siya at sabi ko “Lolo may konting pera po ako at kaya kitang buhayin. Hayaan mo nalang muna sa mga magsasaka ang iyong mga ari-arian. Ako na ang bahala ng mag-alaga sayo. Libre kana sa lahat from katulong to yaya baka gusto mo pa nga eh libre na kita ng asawa sa maynila. Lolo hahanapan kita ng jowa tapos kami ni Luna ang iyong apo at apo sa tuhod for real. Luna nga pala ang ipinangalan niya sa batang babae. Dahil sa damit nito may letter L silang nakita. Pero seryoso talaga ako, handa akong kupkopin ang matanda dahil wala naman siyang kasama pa sa buhay. Okay naman siguro kung ipa-charity nalang ang kanyang mga kayamanan. Pwedi rin na ibigay sa mga mahihirap na mamamayan sa Mindoro.
Ang isang doll na batang babae ay hiningi ko kay heneral. Hiniling ko na sa aking pangangalaga na ito mananatili. I will legally adopt the little girl para maprotektahan. Nalaman namin mula kay Don Romulo Alvarez na napulot lang pala nila ang bata sa isang masukal na daan. Hindi rin nila alam ang eksaktong edad nito. Ngunit tantya naming lahat na nasa 3 taong gulang palang ito.
Masigla na ito ngayon and she call me mommy. She is super duper energetic at matalino. Sabi nga nilang lahat ang doctor daw na makulit nakahanap din ng batang makulit. Kinakausap ko ito sa english dahil baka makita niya ang totoo niyang magulang at amerkano pala ang mga ito dapat magkakaintindihan kaagad sila. Pero syempre minsan tinatagalog din para alam niyang minsan din siyang naging kasapi ng Pilipinas charootttt. Pinay siguro ang inay nito dahil napadpad siya dito Pilipinas.
“Mommy, mommy let's do a t****k please, c'mon let's dance Apt apt apt.”niyaya niya ako. Luna baby mommy is busy for cooking our lunch. You know that your Tito Rei² and Tito Yasser are coming. “Mommy it's just a minutes,”pangungulit pa niya.
Sige na nga pagbigyan na, hindi mo rin naman ako titigilan eh kapag hindi ka pinagbigyan.
Mwesitttttt talaga ang kuya Reigan ko ginawaan pa talaga ng t****k account si Luna.
Minsan nagugulat nalang ako dahil bigla nalang nagba-vlog. Mukhang magiging future influencer ito ng Pilipinas. Totoo ngang nakakawala ng stress pero sa awa ng diyos wala naman akong stress. Katulad ngayon naka military uniform pa ako habang sumasayaw ng Apt apt na yan. Galing pa kami sa office, umuwi kami sa bahay namin dahil naghahanda kami ng special birthday cake para kay kuya Yasser. Nagpa-cater na kami para makakain ang buong military team sa loob ng barracks. Mas gusto ko parin na ako mismo ang magluluto sa birthday cake ni kuya Yasser. At syempre magdesinyo nito para makita naman niya na nag-effort si bunso. May special din kasi akong nilagay doon ang matamis na oo ni doctora Rochelle Amago Geral. Playing cupid ulit charootttt. Na miss ko na rin si Lucy pero tiniis ko muna para hindi ako maganap ni Afam. Buti nalang ang apartment na tinitirahan namin ay malapit lang sa isang bakery shop. Nag-order na ako ng limang malalaking cake para sa lahat. Pero nakiusap ako sa kanila na gagawa ako ng isang three layers cake. At sa loob nito doon ko inilagay ang bolang OO.
Oh doc Rochelle naka-live na kami ni Luna. Ipapakita lang daw niya kay Tita Rochelle niya ang design ng cake para mamayang gabi.
“Oy grabeh nakakatouch naman kayo gusto kung maiyak sa effort ninyong dalawa ni baby Luna, Salamat huh.”reaction ni Rochelle ng makita niya ang ginawa namin. Bawi kana doc Rochelle kapag umabot ng isang milyon ang likes sa reel ni Luna.
“Haha oo nga sa views nalang ako babawi kay baby Luna. Bakit ba ang tahimik ng baby diwata natin?”tanong ni Rochelle.
She's busy eating marshmallows while holding the cellphone.
Sa wakas natapos na rin namin ang napakagandang cake. At bilang pasasalamat sa bakery gumawa pa si Luna ng maikling vlog para ipaalam sa lahat na masarap ang mga cakes at pastries sa Delux Bakery ng oriental Mindoro.
At hindi magpapahuli ang apt with the bakery staffs.
“Doc Yette nakakatuwa talaga ang anak mo napaka masayahing bata. Manang-mana sayo ang ugali nakakawala ng problema.”sabi ng may-ari ng bakery na si ate Delia.
Pinaglihian ko ang aking sarili ate Delia. Sadyang selfish talaga ako dahil pati sarili ko napaglihian ko pa haha. Heto na po ang bayad sa pitong cake ate Delia salamat po sa pagpapahiram ng inyong pantry.
“Libre na yang ginawa mo doc huwag mo na yang bayaran dahil bawi naman kami sa limang malalaking order mo na cake at lalo pang dadami ang customer dahil naka-vlog sa anak mo.”sabi ni ate Delia.
Naku ate huwag nyo po gawing libre malulugi kayo nyan. Mapilit talaga si ate Delia dahil ayaw tanggapin ang bayad sa three layers cake na aking ginawa.
Bumunot nalang ako ng 5k para sa kanilang lahat. Nilibre ko na sila ng dinner, bahala na silang umorder ng dinner nila. Legit yong nakikita kong kasiyahan ng mga staff sa bakery. Si Luna pa ang inutusan kong mag-abot ng kanilang pang dinner.
“Thank you doctora Yette ang baby Luna thank you,”sabay-sabay nilang sabi.
Third person pov
Dahil naka-follow ang dalawa sa account ni Luna. Na follow ito ni Elias at na-follow rin ni Lucy, na follow ni Raiza hanggang sa na-follow ng mga pinsan pa ni Yette. Mas lalong lumawak ang shared video ni Luna dahil ang sistema ay naging follow-follow na. Para silang mga lantang tao sa pag-alis ni Yette pero ng makita nila ito bigla silang nabuhayan ng loob. Nakakausap naman siya ng daddy ay mommy niya pero hindi sa account niya.
Si Froilan naman na nagduduyan habang nag-scroll ng t****k nahulog sa duyan ng makita ang shared video ni Elias at nakita niya ang babaeng ilang buwan na niyang hinihintay. Ilang ulit pa niyang pini-play ang Apt dance kasama ang magandang bata na babae. Nagtaka pa siya nang makita na nakasuot ito ng military uniform at may red cross logo sa kanang braso ng uniform. “Pumasok siya sa AFP bilang military doctor?”he asked himself.
“F*ck you self! Naging hinala ko na may kinalaman ang dalawang sundalo niyang kuya. Pero hindi ako nagpursige na alamin kung saan sila naka-destino, damn it self,”mura niya sa sarili.
May number siya ni Elias kaya ito ang tinawagan niya kung saan naka-destino ang mga kapatid nitong sundalo.
“Hello Afam ni bunso nakasagap kana po ba ng latest news? Nasa gyera pala si bunso. Ang sabi ni mommy nasa vacation sa ibang bansa.”agad na putak ni Elias.
“Saan ba naka-destino ang mga kapatid mo?”tanong ni Froilan.
“Ay hindi ko alam, mga shungga kasi ang mga mandirigma na yon dahil bigla nalang lulubog-lilitaw,”sagot ni Elias kaya napasabunot nalang si Froilan sa kanyang buhok.
“Hello Afam ni bunso are you still there?”tanong pa ni Elias.
“Yes, I'm still in the line,”froilan frustratedly answered.
“Ang amerikanang si Luna may account siya sa f*******:, YouTube. Hanapin mo ang profile name nya na La Luna Vlog. Birthday ni kuya Yasser ngayon at nakita kong may latest vlog ang bata. Yes nakita ko na, nasa oriental Mindoro sila Afam ayyy kaloka na. Ang layo ng narating ni bunso para lang matakasan ang ogag na ikaw.”histerikal na sabi ni Elias sa kabilang linya.
Agad na hinanap ni Froilan sa google map ang military barracks ng oriental Mindoro. 10th infantry battalions, Bungabong Oriental Mindoro.
“Gotcha!!! Thank you Elias sa information na ibinigay mo.”pasasalamat niya sabay off ng tawag.
“Bastos na Afam ni bunso binabaan kaagad ako ng tawag.”reklamo ni Elias.
Sa YouTube agad sini-search ni Froilan ang profile na La Luna Channel. Nang makita ito agad niyang subscribe para makakonekta sa mga vlog ng bata. Nakikita niya dito ang mga sayaw ng bata kasama si Yette. Nagandahan siya sa suot nitong military uniform. May video din na kasama niya ang mga kuya niya. Froilan shared the video to his circle of friends too.
Malapit lang ang kinaruruonan niya ngayon sa Mindoro. Pinagpaplanohan niya kung paano makapasok sa 10th infantry division. But he don't have any other option. Kailangan niya ang tulong ni Queen.....