Third person pov Lahat nga ay mga seloso, walang kalmado at matinong engineer kapag ang asawa na nila ang sangkot. Imbis na sumakay ng speedboat patungo sa kinaruruonan ng yati. Mas pinili pa nilang magpaligsahan sa paglangoy na parang mga pating. Sina Rederick, Cedrian at Austin naman ay gumamit ng drones para makita ang pagpaunahan ng langoy ng mga bilyonaryong pating. “Naloko na, mas bet kong tawagin silang pating kaysa tawaging dolphin. Hindi kaya sila magkakapulikat sa paglangoy? Tingnan ninyo oh, hindi basta-basta ang distansya ng kinaroonan natin mula sa EPI,”sabi ni Allen. “Sayang late ang pagdating ng kakambal ko. Kung narito sana si Aubrey tiyak kasama si Dylan dyan sa mga pating lumangoy.” Sabi ni Austin. “Ayon oh lumapag na ang private jet ni Norton at tiyak na sina ate An

