Yette pov Gabi na akong nakauwi dahil may emergency ako sa caesarean section. Tumawag si Aubrey at Nisa na mag-bonding daw muna kami kahit saglit lang. Well, dahil sa mga busy schedules namin hindi na kami nakakaag-bonding. Nanganak na si Lucy, isang dyosang babae. Ang kamukha ko ay isinilang hahaha manigas siya bakit pa kasi ako ang pinaglihian. Ipinadala ni Aubrey sa akin ang location ng restaurant. Sa Wolfgang's Steakhouse lang daw sila. Pagdating ko sa restaurant ay pinili pala nila ang medyo privacy. Mukhang sasabak sa matinding kainan ang dalawa kaya nagtatago. Bakit nandito kayo sa sulok? Mga ispiya ba kayo o baka lamunira of the night kayo. “Luhhh di ba pweding gutom lang Yette. Grabe ka naman sa lamunira mukha ba kaming patay gutom.”si Nisa. Nagkukwentohan na kami ng marami t

