Froilan pov Aking sinta, mahal kong asawa, Paaulit-ulit man kitang pakasalan hindi ako magsasawa. Oh aking mahal, Ikaw lang ang aking ibigin. Sa hirap at ginhawa, Ikaw parin hanggang dulo. Ngiti koy ikaw ang dahilan, Pagnakikita ka aking sinta. Kislap ng aking mata sayo lang gumagana. Puso koy ikaw lang ang laman, Pag ibig koy sayo lamang. Ikaw mahal yung taong pinangarap ko. Ikaw mahal ang nagbigay halaga sa tulad ko. Ikaw mahal na sa bawat paggising ang nais masilayan ko. Ikaw mahal sa bawat pag inom ng kape ang nais na laging kasalo ko. Ikaw mahal ang nais kakulitan, kaharutan ang katawanan ko Ikaw mahal ang nais makakwentuhan bago matapos ang buong maghapon ko. Ikaw mahal ang nais makayakap pag ako'y napapagal Ikaw mahal ang nais kasama patungo sa lugar na magaganda
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


