“Yette gising! Bunso bilisan mo dyan mang-- Saan may sunog? Sinong nasunog? “Gagi manganganak na si ate Raiza puntahan mo na sa kwarto nila kuya Raiden.”panic na sabi ni kuya Reigan. Alangya ka naman kuya eh, kakatulog ko nga lang eh. Kung makasigaw ay parang may sunog. Juskopo pwedi namang dahan-dahan lang ang pagtawag para hindi ako mataranta. “Yette help!!!!”sigaw ni ate Raiza. Kaya agad ko na itong pinuntahan. Mama pakihanda po ang mainit na tubig. Daddy, mga kuya lumabas nga kayo huwag kayong bumara dyan sa may pintuan. Hindi nyo ba alam na hindi lalabas si baby kapag may ganyan, clear the area po. Kayo talaga walang alam sa mga kasabihan ng mga matatanda. “Yette lalabas din ba ako?”tanong ni kuya Raiden na tagaktak na ang pawis sa noo. Kuya matanong ko lang, ikaw ba ang mangang

