Ilang buwan na ang lumipas ngunit hindi parin nila natagpuan si Feriona. Dahil walang tigil sa paghahanap kay Feriona. Nakaligtaan ng pamilyang Smith na tutokan ang muling pagpa-dna test sa anak ni Larabelle at Froilan. Hindi tumitigil si Froilan sa paghahanap sa kanyang kapatid. Halos hindi na niya maasikaso ang kanyang sarili. Ang ina naman ni Froilan ay halos hindi na makakain ng maayos. Apektado ang buong pamilya dahil sa mga pangyayari. Si Lara naman ay sinamantala ang pagkakataon. Muling nagsisinungaling na may sakit ang kanyang ama kaya kinakailangan niyang lumipad patungong Canada. Ang paglayo ni Lara ay ang pagtakas sa kanyang kasalanan. Siya ang prime suspect sa pagtalon ni Feriona sa dagat. Kahit gaano katigas ang kanyang puso may bahagi parin dito na nangangambang mabunyag an

