Froilan pov Na incriminate na nga ang katawan ni Lara at dinala na ito ng kanyang mga magulang pauwi ng Canada. Inimbitahan ni Yette ang mga magulang ni Lara na umattend sa kasal ni Yasser. Ngunit tumanggi ang mga ito dahil hindi daw nila kayang makisaya sa ngayon. Naiintindihan naman namin na mahirap talaga ang pinagdaanan nila ngayon. Sa araw-araw ng ating buhay, Kaydaming pagsubok na sumasalakay. May araw na masaya at makulay, meron din namang sadyang kay tamlay. Paano mo nga ba ito haharapin? Anung paraan ang dapat isipin? Kailan bang ginhaway kakamtin? Sino bang andiyan para ikay sagipin? Iilan sa mga katanungan na tayo lang ang makakasagot. Maraming bagay dapat isa alang-alang, kung alin ang sapat alin ang kulang. Ang tama at mali dapat itimbang. Para sa huli walang maiwang patlan

