Yette pov Bahay ko ito dahil meron akong larawan sa may lamp shade. Nakaupo lang ako dito sa may sofa dahil hindi ko alam ang aking gagawin. Pumasok ang hilaw na kapre sa washroom dahil maliligo daw siya. May damit ba siya dito? Kailan kaya babalik ang aking memorya. Kailan ko kaya maalala ang lahat? Matatagalan pa kaya bago ko maalala ang aking nakaraan? Haissttt ang hirap naman nitong situation ko dahil nangangapa ako ng kasagutan sa mga katanungan na binabagabag sa aking ulo. “Sweetheart halika nga saglit.”sabi ni Froilan sa may b****a ng banyo. Pochaaa ang gwapo ng hilaw na kapre. Ganyan pala siya kagwapo kapag naka-shave na. Kiffy kumalma ka huwag Kang kiligin dyan dahil hindi tayo marupok. “Baby, laway mo tumutulo na oh. Sayong-sayo ako kaya huwag mo nang pagpantasyahan,"natataw

