Third person pov Nagulat ang lahat sa naging sagot ni Mia. Si Red naman ay napasinghap at pinigilan ang kanyang hininga. Pero hindi parin niya ibinaba ang hawak na sing-sing. “Please Mia huwag ka namang magbiro ng ganyan. Kailangan mo akong pakasalan dahil ayoko na maging bastardo ang ating magiging anak. Kahit hindi mo na sagutin ng yes ang tanong ko okay lang. Dahil papakasalan mo ako sa ayaw at sa gusto mo.”seryosong sabi ni Red. “Ano ba yang pinagsasabi mo? Gusto ko lang namang humingi ng kunting minuto para huminga. Ang sikip kasi ng dibdib ko sa kagagawan mo. Magkakasakit ako sa puso dyan sa mga pinaggagawa mo eh. Kailangan ko pang muna na mag-exhale at inhale. Okay! My answer is “Yes I will marry you Rederick Peralta.”sagot ni Mia. “Ay pocha ka Mia pinakaba mo pa kaming lahat.”s

