Froilan pov Ang oras ay parang napakabagal, Sa puso ko'y ang labis na pag-alala ay di natatanggal. Ako ay naging balisa at pinagpawisan na di humihingal. Sarili ko'y minura na't tinawag na hangal. Mga kaibigan ko'y panay na ang angal, Nais na nila akong sapakin at gawin bungal. Anong magagawa ko kung labis akong nag-alala, Hindi ko naman sinasadya na sila'y maabala. Naisip ko lang ang dalawang beses niyang pagkawala, Kaya diwa ko'y sa labis na pangamba ay hinihila. Sa aking sinisinta buo naman ang aking tiwala, May nakakoble lang takot sa aking puso na nagwawala. Sa aking kinatatayuan ngayon ako man ay labis na nabahala, Mga kaibigan ko'y nagsabi na tibayan ang aking loob at ang diyos na ang bahala. “G*go bakit ka nakangiti dyan? Sinasapian ka na ba ng masamang ispiritu? Ka

