Yette pov Naiinip ako sa loob ng opisina ni Kapreng hilaw kaya naisipan ko munang lumabas. Wala akong maalala tungkol sa kompanya kaya nganga nalang akong nakatingin sa paligid. Napadaan ako sa washroom kaya naisipan kong doon nalang gumamit kaysa bumalik pa sa office ni kapre. “Ang gwapo ni sir Froilan bumalik na siya sa dati. Grabeh girl makalaglag panty ang alindog.”sabi ng babae. “Bakit pa ba kasi nabuhay pa iyang asawa niya. Sana tuloyan nalang namatay, wala namang silbi dahil may amnesia. Hindi naman kagandahan ang hitsura, walang class sa katawan. Nakita mo naman ang suot, mukha bang asawa ng bilyonaryo? She is so cheap girl huh.”sqbi pa ng isang babae. “Ngayon ano ang balak mo? Ipapakulam mo ba ang asawa ni sir Froilan o gagayumahin mo nalang si sir para bumaling sayo ang atte

