Unang Kabanata

2986 Words
"Ang gwapo gwapo talaga boyfriend ko!" napapabuntong hininga na saad ni Jessa Mae Macuel habang nakatitig sa screen ng computer niya. Kung saan may picture si Jarren Kirk Vincent-napakagwapo nito doon kahit wala man lang kangiti-ngiti sa maamong mukha ng binata.  Naka simpleng white button down shirt ito at ang dalawang kamay ay nakasuksok sa magkabilaang bulsa ng suot na pantalon habang nakasandal sa isang mamahaling sasakyan. Napaka-cool nitong tignan.Mistulan itong model ng bench sa simpleng get-up . This guy was just so downright gorgeous! Effortless ang kaguwapuhan taglay nito. Sa loob ng dalawamput-tatlong taon niya sa mundo ay sa binata lamang niya naramdaman ang mga nababasa niya sa mga pocketbook. Yung kakaibang emosyon na mararamdaman mo pag nahanap muna ang taong mamahalin mo ng sobra. Yung taong pag-aalayan mo ng lahat-lahat.Yung tipong handa kang hamakin ang lahat, makamtan lang ang pinakanais-nais na pagmamahal. Napahagikgik siya. Kung anu-ano ng kakornihan ang pumapasok sa kanya dahil sa binata. She remember the first time she met him.  Gabi na noon ng makaramdam siya ng gutom. Napagpasiyahan niya na lumabas at bumili ng pagkain.Sa Mini Stop siya napadpad dahil wala na siyang makitang bukas na tindahan malapit sa apartment na tinutuluyan niya. Nagkabungguan sila sa Mini stop ,palabas siya niyon habang papasok naman ito. Natapunan niya pa ito ng ice cream kaya namura siya ng lalaki pero hindi niya nagawang magalit nang makita niya ang gwapong mukha nito. It was love at first sight, indeed.  There's something about him that captured her heart. Mula noon ay inalam niya ang lahat sa lalaki, luckily, may friend siya na nakakakilala sa binata..At doon ay nalaman niya ang mga basic info tungkol sa binata. Mula rin ng araw na iyon ay naging boyfriend niya ito.well secret boyfriend . Sa katunayan ay hindi niya alam na ito pala ang anak ng may-ari ng kumpanyang in-applyan niya. Kaya laking tuwa niya ng malaman iyon.  Pakiramdam niya ay ito ang nakatadhana para sa kanya, her destiny, her one true pair. Ang Diyos ang naglapit sa kanila kaya buo ang tiwala niya. Noong unang mga taon niya sa trabaho ay ang Daddy nito na si Mr.Kendrick Cardarelli- na isang pure Italian pa ang pinagsisilbihan niya.  May edad na rin ito noon at nalaman lang niya na anak nito ang destiny  niya ng minsang dumalaw doon ang huli. Hindi niya makakalimutan ang araw na iyon. Pakiramdam niya ay kasama niya ang tadhana at tinutulungan siya nito. At after ng ilang buwan matapos bumisita ng binata  ay inabisuhan siya ng matanda na magre-retired na ito at ang anak nito ang papalit sa puwesto. Labis ang galak niya sa narinig. Mula noon ay mas lalong tumibay ang loob niya na para sila sa isa't-isa ni Jarren.Pinagtagpo sila sa hindi inaasahang pagkakataon. Akmang hahalikan niya ang screen ng tumunog ang intercom niya. Nakangiting sinagot niya yon.Agad na narinig niya ang gwapong boses ng lalaki. Yes.Ang destiny  niya.Kinilig siya sa naisip. " My coffee " napailing na lang siya ng ibaba agad nito ang tawag bago tumingin sa salamin. Ni hindi man lang siya hinintay sumagot. She's not fond of make-up ,pulbo at light pink lipstick lang ang ginagamit niya.May hitsura naman siya. Matapos tignan ang repleksiyon ay nagtungo na siya sa pantry ng kumpanya para igawa ng black coffee ang "hari '' note the sarcasm please. Naabutan niya pa ang dalawang empleyado na nagchichismisan sa isang tabi.  They we're talking about two people na natanggal sa trabaho at ang dahilan? Ang isa ay late ng three minutes ang pinasang report at ang ikalawa ay hindi nagustuhan ang trabaho. Such a hotheaded jerk !. Ngayon niya lang iyon narinig dahil busy rin siya kaya hindi siya makasagap ng chismis.At isa pa ,wala naman siyang kakuwentuhan.  Natigilan siya ng marinig ang pangalan ng isang masipag na empleyado. Okay lang si Cindy na matanggal dahil mayaman at talagang hindi naman ito maayos magtrabaho, sa pagkakaalam niya ay pumasok lang ito doon para magpapansin sa binata. Mag-iisang buwan palang ito at puro kaartehan any naririnig niya. Ngunit si Kuya Edward -na isa sa pinakamasipag na empleyado at may pamilyang binubuhay? Its unfair.  Isa pa dahil lang sa nahuli ito ng tatlong minuto. Nakadalawang katok siya bago narinig ang baritonong boses ng lalaki. Abala ito sa pagre-review ng mga papeles kaya hindi na ito nag-angat ng tingin sa kanya ngunit may gusto siyang sabihin. Hindi niya alam kung bakit parang mainit nga ang ulo nito.Ngunit kailangan niya talaga itong mapakiusapan. she have to try, at least. " S-Sir ? " nag-aalangang tawag niya dito.Sana naman ay pansinin at pagbigyan siya nito. At huwag naman sana siyang tanggalin sa trabaho. " What ?" Ni hindi man lang ito nag-abalang nag-angat ng tingin sa kanya. Sabagay, masyado itong dedicated at perfectionist especially when it comes to work.Na isa sa mga hinangaan niya dito.Hindi naman siguro nakaapekto ang tatlong minuto na pag ka delayed ng pagpasa ng report. " I just want to ask about Mr.Delgado , talaga po bang tanggal na siya sa trabaho? three minutes lang naman po-"  natigil ito sa binabasa ngunit kapagkuwan ay nagpatuloy. " Yeah, he's fired " nanlumo siya sa sinabi nito. Mabait naman si Kuya Edward Delgado, isa ito sa mga naging mabait sa kanya nung unang tapak niya pa lang sa Kumpanya. " P-Pero Sir. He's one of the asset- she automatically stop when he raised his left hand ,signaling her to stop. " Do you want me to fire you too? " malamig ang paraan ng pagtatanong nito kaya hindi niya maiwasang kabahan. What's with him?his voice? his eyes?.God! " N-No Sir!" mabilis pa sa alas-kwatrong sagot niya sabay iling. Nakagat niya ang ibabang labi." Pero Sir -May sakit kasi yung-" " Out. "   " Sorry for being nosy ,Sir..." Tumango naman ito." Good , now leave" nag-isang guhit ang labi niya sa sobrang inis. Akmang lalabas na siya ng matigilan siya. Bakit siya pa ang kailangang magpakumbaba dahil sa kademonyuhan ng lalaki? ' Dahil siya ang amo at ikaw ang empleyado '  anang mahaderang bahagi ng utak niya. Ngunit agad niyang kinontra iyon. 'At mahal mo siya' Napapikit siya sa naisip. Hindi sapat na mahal niya ang lalaki para hindi niya mapuna ang mali nito. Kahit sino ay walang karapatan. He's too much.  " Sir! With all due respect. You don't have the right to fire someone just like that ,without any valid reason. Maaari kang mademanda dahil diyan, dont you know that,  Mr.C.E.O ? Masyado ka naman po yatang malupit. Okay lang sana kung si Cindy lang ang tinanggal mo dahil alam naman ng lahat na hindi siya maayos magtrabaho at pumasok lang talaga dito para sayo. Pero si Kuya Edward? Dahil lang sa napakababaw na rason samantalang isa siya sa mga nagpapayaman sa kumpanya mo." inipon niya lahat ng lakas niya para masabi niya lang iyon ng hindi nauutal. She's playing with fire and she's scared that she might burned.But he's too much. She can't take his attitude. Yes she love this guy but she can't just let him act like this.Nalulungkot siya sa ugali nito. " Do you know who you're talking to , misss secretary? You're ''just my secretary''. I am the CEO of this company, you're my secretary and I am your boss. And it's his fault. He's three minutes late and I won't tolerate that in my company. I don't fire without a reason miss secretary." napipilan siya. Tama naman kasi pero may point din siya. It's been two long years since she started to work for him. Is it really worth her efforts, is he really worth her? He doesn't like her, so maybe hindi na masama kung mawala man siya sa kumpanya nito. He's right, she's just his secretary. Humalukipkip siya. So what kung matanggal siya? To hell with her job!. " You know Mr.Jarren Kirk Vincent Cardarelli ? You're rude. For a human being ,you're such a goddamn rude. You think you can make everyone vow their head to you just because you're rich? Well ,listen. We're not your damned puppets, we're only human. Nasasaktan, may kailangang gawin na mas importante pa sa pagsisilbi para sayo at sa kumpanya mo. Seriously tao kaba? Wala kang awa, ni hindi mo naisip na may pamilyang magugutom dahil lang sa ugali mo. Sabagay, laki ka sa yaman. Lahat ng nasayo, nakuha mo ng walang kahirap-hirap samantalang yung ibang tao, kailangan magbanat ng buto para lang makakain. Pero dahil sa mga katulad mong kwago ka, mas nahihirapan sila. Hindi mo alam ang pakiramdam nang may anak na kailangan mong alagaan at ipagamot dahil sa malubhang sakit.At dumagdag ka pa ?Ahh bwisit ka talaga Jarren. " Hingal na hingal siya matapos ng mahabang litanya niya. Samantalang ang lalaki ay nanatiling nakatitig lang sa kanya, hindi niya mabasa ang emosyon.  Maya-maya ay pumalakpak ito. " Okay na Miss.Macuel ,pwede ka ng mag-artisa"  anito at balewalang bumalik sa pagbabasa. Napapakamot na naglakad na lang siya sa pinto. Where's his infamous line " You're fired ?" . Bago siya makalabas ay tinawag siya nito. " By the way ,tell Mr.Delgado to report tomorrow " napatili siya sa sinabi nito. " Damn you ,Babe " bulong niya sa isip bago lumabas.May kabaitan pa rin naman pala ang lalaki. NAGISING si Jessa Mae sa lakas ng vibrate ng cellphone niya na nakapatong sa tiyan niya. Nang tignan niya ang screen ay nakita niya ang pangalan ng isa sa matalik na kaibigan na si Roe. Isa ito sa tatlong matatalik na kaibigan niya. Sa pagkakatanda niya ay nasa Cebu ang babae .Isa itong wedding organizer at may pinsan ito na kumuha sa serbisyo nito na nakabase sa nasabing probinsiya. Inimbitahan nga siya nito ngunit tumanggi siya. Inaantok na sinagot niya ang tawag . " Hello ? " humihikab na bati niya. Rinig niya ang paghalakhak ng bruha niyang kaibigan sa kabilang linya. Malamang alam nito na nasa kasarapan pa siya ng tulog. Saturday na kaya pwede sana siyang humilata buong araw ngunit kailangan niyang umalis ng alas-nueve ng umaga para linisin ang penthouse ng boss niya.Kasama rin kasi sa trabaho niya kay Jarren ang paglilinis ng bahay nito.Wala diumano itong tiwala sa iba kaya imbes na maghanap pa ng maglilinis ay siya na lang daw. May dagdag bayad din naman iyon ngunit ang pinakagusto niya ay ang ideya na makakapunta siya sa bahay ng binata. Oh diba? secretary s***h julalay ang peg niya. Ang swerte ng amo niya.Tumama ang tingin niya sa wall clock niya at agad napatayo. s**t! Mag-aalas nueve na pala.Kakain at maliligo pa siya, idagdag pa ang mahigit beinte minutong biyahe mula sa apartment na tinutuluyan niya papunta sa building kung saan nakatira ang amo niya. " Roe ,I'm sorry pero tatawagan na lang- " No ,huwag mo munang ibababa! Binabalaan kita, mamaya aalis kami, magba-bar. Punta ka na lang sa favorite bar natin ,seven pm .Papatayin kita pag hindi ka sumipot.Bye " napapalatak siya ng hindi pa man siya nakakapagsalita ay binaba na nito ang telepeno.Hindi niya alam na nakabalik na pala ito. Nagkibit-balikat  na lang siya at nagtungo na lang sa banyo at mabilisang naligo, tingin niya nga ay wisik wisik lang eh. Paglabas niya ng banyo ay nakita niyang umiilaw ang cellphone niya. It was a text from her boss s***h secret boyfriend asking kung nasaan na siya. Hindi na siya nag-ablang mag reply sa halip ay nagtungo sa closet at kumuha ng isang simpleng white T-shirt at jeans. Hindi naman kasi siya pupunta sa kung saan para makipag-date.Kailangan niyang maglinis, hindi magpa-cute ,isa pa ay ayun talaga ang suot niya pag nagpupunta siya sa unit ng lalaki para maglinis. Pagdating niya sa penthouse ng lalaki tulad ng inaasahan niya ay wala roon ang amo. May nakita siyang isang papel na nasa coffee table kaya binuksan niya iyon. It was a note from her boss, asking her-no commanding her to clean everything and he went to an important meeting. Napaikot na lang siya ng mata.Ngunit sa kabilang banda ay hindi niya maiwasang kiligin. Hindi normal sa lalaki na sabihin o ipaalam sa kanya kung saan ito pumunta. Pakiramdam niya tuloy ay mag-asawa sila at nakatulog siya sa kwarto nila kaya hindi na siya nito ginising dahil napagod siya sa magdamag- napahagikgik siya sa naiisip. Lumapit siya sa estante kung saan naka -display ang ilang litrato. Halos lahat iyon ay family pictures. Iisa lang ang nandoon na nag-iisa ang lalaki. Naka sideview pa ito kaya hindi niya masyadong kita ang buong mukha nito ngunit ang mata nito ay nakangiti. Hindi niya napigilang haplusin iyon. " Bakit kaya ang gwapo mo ? Tapos mas gumagwapo kapa sa pagdaan ng araw. Parang hindi ka normal, hindi tao.Greek ka Greek " napahagikgik siya .Maya-maya ay sumeryoso siya. " I love you " mahinang usal niya.Saglit niya pang tinitigan ang larawan bago nagtungo sa kusina. Maya-maya ay inspired na siyang nagsimulang maglinis ng unit. Abala sa computer si Jessa ng may maramdaman siyang presensiya. Ang nakahalukipkip na si Madame Sarah Lopez Cardarelli  ang nabungaran niya. Nakasuot ito ng itim na sumbrero,black sunglasses, black body hugging dress , black Chanel bag ,at ang isang kamay nito ay may hawak na fedora.She looks young ,sa pagkakaalam niya ay nasa fifty-years old na ang ginang ngunit kung titignan mo ito ay para lang nasa late forties.Halata ang pagiging sopistikada nito. Hindi iyon ang unang beses na nakita niya ito. Nagtatakha nga siya dahil hind siya nito tinatarayan. Bagaman hindi rin ito ganoon kabait. " Where's my son?" Nakataas ang kilay na tanong nito. Inililibot ang tingin sa paligid at kapagkuwan ay tumitig sa kanya. " He's in his office Madame. Do you want me to tell him that you're here ?" She politely asked. Ngunit iwinagayway lang ng ginang ang fedora.Tumungo ito sa opisina ng lalaki. Napasunod na lang siya dito ng tingin.Kapagkuwan ay napamulagat ng may maalala.Nilapitan niya ito . Nanlaki ang mata niya sa sobrang kaba. " Madame wait- " ngunit nabuksan na ng ginang ang pinto. At gulat silang dalawa sa nabungaran. " OH MY GOD! Jarren Kirk Vincent Cardarelli ! " napangiwi siya sa matinis na sigaw ng ginang.Miski siya naman ay nabaghan sa nasaksihan ngunit tumalikod naman agad siya at hinayaan na makapag-ayos ang babae at ang boss niya. Naabutan lang naman nila ang babae sa ibabaw ng table ng lalaki, nakatuwad ito habang ang lalaki ay bumabayo sa likod nito. Holy molly! Kung tutuusin ay hindi iyon ang unang beses na nakita niya ang ganoong tagpo. Dalawang beses ay nakita niya rin ang lalaki. Isa sa sahig at ang ikalawa ay sa dingding. Hindi niya naman sinasadya sapagkat minsan ay nagkaka-emergency talaga kaya nawawala sa isip niya ang bilin nito na " Don't disturb me" ay naku ,ang taray lang ng lolo mo. Hindi man niya gustuhin ay madalas ay kumukurot ang puso niya. Katulad kanina ,kinailangan niya pang agad punasan ang luhang namilisbis sa pisngi niya dahil sa nasaksihan. She always keep on reminding herself na immune na siya sa sakit.Na dapat ay hindi na siya masaktan. " Mom !"  ungol ng binata. Mukhang bitin. Ang babae naman sa tabi nito ay nakangiti habang nakatingin sa ginang.Tila hindi alintana ang naabutan nilang eksena. " It's okay babe. We can always continue it next time " malanding hinaplos pa nito ang pisngi ng lalaki at kapagkuwan ay kumalas at lumapit sa kanila- sa ginang. " Oh hi! Soon to be mother in law .I'm your son's fiancée - " Hell no !" pinigilan niya ang matawa ng marinig ang sigaw ng amo. Animo ito nadikit sa may sakit batay sa mukha at diring-diri ito. Lumayo rin ito sa babae at tinignan ito ng masama. " B-Babe ?" gulat na napalingon dito ang babae. Bakas ang pagkagulat sa panget na mukha.Well, maganda naman ngunit parang clown sa kapal ng make-up.At isa pa, hindi niya talaga gusto ang mga babae na nauugnay kay Jarren. Dib dib lang nito ang malaki na halatang 'hello dok.'. Tumingala ang amo niya na tila may iniinda " Leave now. I'm done with you ." napamulagat ang babae sa sinabi ng amo niya. Tila hindi ito makapaniwala na pinapaalis ito ng lalaking kanina lang ay kaulayaw nito. Hindi niya na tuloy mapigilan ang pag-alpas na pinipigil na tawa. At least hindi na siya naiiyak,bipolar ata siya. Pinukol siya nito ng matalim na tingin " You! It's your fault b***h, gold-digger- " I said leave !" Putol dito ng lalaki. Inirapan ito ng babae . " Jerk ! I hate you !" bago nagdadabog na umalis. Binunggo pa siya nito ngunit since expected na niya iyon ay binunggo niya rin ito kaya ang ending ay na-meet ng mukha nito ang sahig. Weak. " Arghh !" mangiyak-ngiyak na lumayas ito.Napapangising inalis niya ang tingin doon at ibinalik sa lalaki.Nakatingin din ito sa kanya ngunit walang emosyon na mababakas doon. Tumikhim siya upang alisin ang bara sa lalamunan. " Maiwan ko na po muna kayo ." akmang tatalikod na siya ng tawagin siya ng nanay ng lalaki. Inutusan siya nitong umupo sa isang visitor's chair na nandoon. Tumalima naman siya. Naupo ito sa harap niya. Ang binata naman ay nakamasid lang sa kanila. " When are you planning to get married Kirk? Hindi kana nagtino. Oh my gosh! Really? Sa table pa? Por diyos,por santo ." nag sign of the cross pa ang ginang.Pansamantala nakalimutan ang poise. " Leave ,leave us ." " Jarren Kirk Vincent, pinapaalis mo ba ang mommy mo ?" Tumirik ang mga mata ng binata at umiling. Tumayo siya, mukhang siya naman ang gusto nitong umalis since tatlo lang sila roon unless may third eye ito. " Do you want any- " No, just leave ." putol nito sa sasabihin niya. Napakagat-labi na lang siya at tumalikod. Narinig niya pa na nagprotesta ang ginang ngunit nasaktan siya sa sagot ng binata. " She's just an employee, she don't have to hear whatever you're going to say. " Oo nga naman. She's. Just.A.Damn.Employee
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD