KABANATA 28 Halos hindi na ako makatingin kay Raine pagkatapos noon. He got this winning smile on his lips noong lumapit ako sa kanila ni Hya dahil tapos na ang trabaho ko. I got a hard time calming my heart down earlier. Mabuti na lang at nakarinig kami ng mga paparating sa pwesto namin kung kaya ay lumayo na siya at umalis. Pero naman, para saan iyon? “Oh? Parang kanina lang para kang manlalapa ng tao, ngayon abot langit na ang ngiti mo,” puna ni Shan kay Raine pero mas ngumiti lang ang isa. “Ang creepy Raine, ah!” “Pwede ba? Mind your own business? Tss.” Umirap si Hyacinth dito at nang malingunan na ako ay napatitig sa aking mukha. Namumula pa ba ako? Bigla siyang ngumisi at tumingin kay Raine na tila may nakuhang kasagutan. “Tumayo ka lang kanina para magsauli ng libro, hindi ba?

