KABANATA 7

1209 Words
KABANATA 7 Wala na akong nagawa noong nagtanghalian. Kahit sinabi ko nang ayaw ko silang sumama at ayos lamang ako na mag-isa, nagpumilit pa rin sila. Bahala na sila kung makakaya nila. Basta ako, sanay na ako sa lugar na pinagkakainan ko palagi. Nakararamdam lamang ako ng kaunting pagkabahala dahil unti-unti ko nang pinapakita ang isa sa mga lugar kung saan ligtas ako. “We didn’t know that you like eating here, Shan…” sabi ng isa kong kaklase habang nakangiwi at ang isa nama’y palinga-linga sa paligid na tila ba natatakot. Lihim akong natawa sa kanila. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay nakabawi ako sa kanila ng bahagya. Mukhang may magandang dulot din pala si Raine sa akin. Dati, bukod sa mag-isa akong pumupunta at kumakain dito, hindi pa muna ako nakararating dito na walang nakuhang kutya o sugat. Ngayon ay sinamahan pa ako at payapa na nakarating dito. Hindi ko rin nakita sila Sam sa kung saan. Siguro ay labis na napahiya sa kagagawan ni Raine. “Malayo ako sa kutya at pambu-bully rito kaya rito ako kumakain,” I plainly said while looking straight into their eyes. Nakita kong magkatinginan sila at pagkatapos ay pilit na nangiti. Biglang may binulong ang isang kaklase ko sa isa at bahagya kong narinig na ayaw na niyang magpatuloy sa pagkain dito. Hindi ko na sila pinansin at kinuha na ang baon kong kaunting kanin at dilis. Alam kong hindi mga ganitong uri ng pagkain ang dala nitong mga kasama ko, ngunit hinding-hindi ko kinakahiya kung ano ang mayroon ako. “Tiiisin mo lang! Just act, okay?” narinig kong bulong ng isa. Pangiti-ngiti sila sa akin bago naupo sa tabi ko. Nakatutuwa silang tignan na mataranta at tila hindi alam kung paano uumpisahang kumain. Napaiwas lamang ako ng tingin nang makita ang mga pagkain nila. Nakalalaway. Mga pagkaing himala na kung matikman ng mga kagaya kong hikahos sa buhay. Ngunit ayaw kong pairalin ang inggit. Hindi maganda iyon. “So…” my classmate trailed-off while looking around for something. “Where’s Raine?” Sabi ko na nga ba. “Bakit niyo siya sa akin hinahanap? Hindi ko alam kung nasaan siya,” diretso kong sagot. Nakita ko kung paano bahagyang nasira ang ngiti ng kaharap ko habang ang isa sa gilid niya ay nalukot ang mukha. Grabe talaga ang mga babaeng ito. Ginagawa ang lahat para sa isang lalaki. Ganoon ba talaga dapat kapag gusto mo ang isang tao? To the point na manloloko ka ng iba para lamang sa pansarili mong hangarin? “What? We heard that you guys are friends now. Hindi ba sila pupunta rito para sabay kayong kumain?” Nahimigan ko na ang inis sa boses niya. Natigil ako sa pagkain at diretso silang tinignan. Nakalulungkot lang talaga na may mga tao na magiging mabait lamang sa iyo kapag may kailangan. Papansinin ka lamang dahil may ibang agenda. Alam ko naman sa umpisa pa lamang na lumapit sila sa akin dahil kay Raine, pero pinaasa ko pa rin ang sarili ko. Gusto ko rin naman minsan na maranasan ito. “Hindi naman lahat ng magkaibigan palaging dapat magkasama…” halos pabulong kong saad. Nagulat lamang ako nang bigla ay ibinuhos ng katabi ko ang pagkain niya sa akin. Halos mabato ako sa kinauupuan ko nang maramdaman ko ang lagkit ng mga pagkain sa katawan ko. Ang mga pagkain na ni minsan ay hindi ko pa natitikman sa tanang buhay ko ay tinapon lamang sa akin. Nanginig ako at napakagat sa ibaba ng aking labi. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o manlulumo, pero mas nakapanlulumo talaga. Pakiramdam ko ay pinagmukha nila akong basurahan. Nagsayang pa sila ng grasiya! “You’re such a liar you trash! Sabi ko na, eh. Tama ang hinala ko na kaya lang naman sinabi ni Raine na kaibigan na kayo para iligtas ka. We know Raine; he can’t stand seeing people getting bullied. He’s just kind. He can’t be friends with you!” sigaw noong isa sa akin. “Right! You poor thing. Huwag kang mag-ilusiyon. Tsk! Nasayang lang ang effort namin at napunta pa kami sa nakadidiri na lugar kung saan ka kumakain. You really suit here you know that? Disgusting!” Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko para punasan ang naghalong kanin at ulam sa mukha ko. Their laugh echoed at the whole place as they watch me here being miserable. Nothing’s new. I’m still the weak, pitiful, and bullied Shan. Kada tawa nila ay nabibingi ako. Bumibilis ang t***k ng puso ko at naroon na naman ang pakiramdam na tila ba, gusto ko na lamang mawala. Hanggang kailan ba sila magsasawa? Hanggang kailan na lamang ba ganito? Ano ba ang nagawa ko sa dati kong buhay para danasin ang lahat ng ito? Para masaktan ako ng ganito? Tinakpan ko ang magkabila kong tenga para hindi sila marinig. Tinakpan ko ng sobrang higpit at ipinikit ko ang aking mga mata. Tears started to stream down my face. I feel so miserable. I feel so little. Diring-diri ako sa sarili ko. Stop! Stop! Please, tama na! Layuan niyo ako! “-an! Shan!” I gasped upon hearing someone. Mahina niya akong sinampal sa pisngi na tila biglang nagpagising sa akin. Nanlalaki ang mga mata na napatingin ako sa mukha ng tao na ngayon ay nasa aking harap. I searched for the two girls, but they’re already nowhere to be found. I saw Raine’s friends looking at me sadly with those pity on their eyes. “Shan, it’s okay. Nandito na ako. It’s okay,” Raine gently said at napabalik muli sa kaniya ang paningin ko. Kumuha siya ng panyo sa bulsa ng kaniyang uniporme at marahan iyong pinunas sa mukha kong halo na ang luha at ang mga pagkain. He seems pissed and worried. Ramdam ko ang panginginig ng kamay niyang marahang dumarampi sa aking pisngi. Bigla akong napayuko. Napahawak sa laylayan ng kaniyang uniporme at hindi ko na napigilan, tila drum na bumuhos ang mga luha kong naipon at matagal nang gustong kumawala. It just came pouring and I don’t know how to make it stop. Sobrang sakit na hindi ko matigil hanggang sa hindi mawala ang sakit na iyon. I felt Raine hugged me gently as his warm hand caressed my back. I felt so safe on his arms. For the first time in my life, I felt another life gave me warmth; making me feels like I am safe from any harm that may come. I want to trust this person. Gusto ko na lamang na ipahinga ang pagod ko nang buhay sa init ng yakap niya. “It’s okay, Shan. As long as I am here, you will be fine. Hindi ko hahayaan na saktan ka ng kahit sino man.” I closed my eyes as I let my guard down. Pakiramdam ko ay ayos lang na maging palagay dahil sa mga sinabi na iyon ni Raine. Gumaan ng bahagya ang bigat sa aking dibdib at hindi ko napigilang malunod sa kapayapaang dala ng kaniyang init. “Salamat, Raine.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD