KABANATA 31 Dahan-dahan akong napaatras nang bumaling si Raine kay Nicole. Hindi pa niya ako nakikita dahil naka’y Raine pa ang nakangiti niyang paningin. “What are you doing here? Kanina ka pa hinahanap ng coach niyo at may sasabihin daw muna sa inyo,” narinig ko niyang sabi. Nicole tilted his head at nakita ko ang bahagyang pagdaan ng gulat sa kaniyang mga mata nang makita ako. Nanginig ang aking mga labi at hindi ko alam kung bakit tila ako mawawalan ng hininga. Seeing him and Raine close to each other is giving me a nasty feeling. Kailangan ko nang umalis dito. “Talaga? Bakit ikaw pa ang inutusan nila na sabihan ako? Ang mga gunggong talaga na iyon.” “It’s okay, but is that Shan?” Nang binanggit niya ang pangalan ko ay saka na ako mabilis na tumalikod at tumakbo paalis. Narinig

