MAYENN BLAIRE DE VERA Unti-unti nang lumalakas si Mommy mula nang makabalik ako sa kanila. Araw-araw ko siyang binabantayan mula sa pagkain niya, pag-inom ng gamot, hanggang sa simpleng pakikipag kwentuhan sa kanya. Sinisigurado ko na palagi siyang masaya at masigla. “Mom, magpalakas ka po, para makauwi na tayo sa bahay,” malambing kong sabi habang inaayos ang kumot niya. “Sabi po ng doctor, kapag nag-stable na ang blood pressure at sugar mo, pwede na po tayong umuwi.” nakangiti kong sabi sa kanya. Mula ng umuwi ako, ako na ang naging personal nurse niya. Malaki na rin ang improvement niya. Ngumiti siya ng mahina, hinawakan ang kamay ko. “Mas gumagaan ang pakiramdam ko… simula nang bumalik ka,” sabi niya sa akin, ramdam ko ang sinseridad niya. Napangiti ako pero agad ding napaluha

