Toneth
Hindi siya mapakali sa kanyang kinauupuan dahil sa nararamdaman niyang excitement. Sino ba naman ang hindi maeexcite kung malalaman mo na makakapunta ka sa isa sa mga lugar na gusto niyang puntahan, ang Boracay?
Actually pinapili pa siya kung sa Boracay or sa Amanpulo. Talagang matagal siyang nagisip kasi pareho niyang gustong puntahan ang mga lugar na nabanggit. Sabi nga sa kanya ni Dave hindi naman daw talaga niya kailangang pumili kasi puwede naman nilang puntahan ang bawat isa. Pero naisip niya na nahihiya siya dito, alam niya kung gaano ito ka busy at kung 3 araw ang nabanggit nito kanina ibig sabihin ay iyon lang talaga ang mga araw na libre ang binata.
Nakaramdam naman siya ng hiya. Kaya naman sa huli ay pinili niya ang Boracay na una muna nilang pupuntahan. Sabi sa kanya ni Dave ay magschedule siya ulit sa Amanpulo naman ang punta nila.
Masaya talaga siya, hindi niya mapaliwanag ang kanyang nararamdaman. Ganito pala ang pakiramdam ng may bf.
Bf agad hindi pa nga ito nanliligaw sa kanya. At ang hindi pa din mawala sa isip niya ang sinabi nito na gusto siya ni Dave. Oo gusto siya pero hindi ang mahal.
Kasi para sa kanya, kahit inamin sa kanya na gusto siya ni Dave ay andoon pa din ang takot na sa isang pitik lang ng daliri nito ay hindi na siya nito gusto. At iyon ang kinatatakutan niyang mangyari dahil unti unti na siyang nahuhulog sa binata.
Kasalukuyan silang nakasakay sa private plane ng binata. Talagang ngayon siya naniniwala na katulad ni Mr. Valdez ay talagang may sinasabi din sa buhay itong kanyang boss amo.
Speaking of pagiging boss amo. Hindi pa pala nila napaguusapan ni Dave ang trabaho niya sa binata. Sa totoo lang bigla siyang nakaramdam ng pagkailang kasi talagang siniksik niya sa utak niya na amo niya ang binata at isa lamang siya personal maid nito. Kaya nahihiya talaga siya dito ng pagsilbihan at alagaan siya nung nakaraang araw na nagkasakit siya.
Ang binata mismo ang nagsabi na huwag muna nila pagusapan ang pagiging personal maid niya.
Sa totoo lang wala naman talaga siyang gaanong ginagawa kapag naduty siya sa bahay ng binata. Kasi maraming mga kasambahay ang binata na gumagawa sa bahay nito. Pati nga siya ay pinagsisilbihan ng mga ito na agad niyang sinasaway at sinasabing yun daw utos sa kanila ni Dave.
Umamin na sa kanya si Dave na gusto siya nito, pero anu kaya ang sunod na mangyayari sa kanila.
Naisip na lang niya na ienjoy na lang muna ang “feeling” na may bf. Kasi hindi naman niya alam kung anu ang label nila sa isa’t-isa, Oo inaamin sa kanya na gusto siya nito pero wala naman sinabi na manliligaw ito sa kanya. Kaya lalo naging kumplikado ang mga bagay bagay.
“We’re arrived!” Narinig niyang sabi ng binata na nagpabalik sa mula sa kanyang malalim na pagiisip.
Nakaramdam siya ng daloy ng kuryente ng hawakan ng binata ang kanyang kamay at masuyong inalalayan para bumaba sa eroplano nito.
Magkahawak kamay silang bumaba. At sa exit ng airport ay may nagaantay sa amin na sasakyan at umalis na din pagkatapos.
Bigla niyang naalala ang kanilang mga gamit dahil hindi niya ito nakitang pinasok sa loob ng sasakyan. Kaya naman agad niya itong tinanung sa binata.
“Don’t worry it is already settled in the other car.” Sagot nito sa kanya. Kaya naman nanahimik na lang siya at tiningnan ang paligid.
Napaka gaan ng pakiramdam niya dahil sa mga punong nadadaanan nila. Talagang probinsyang probinsya ang lugar, malayo sa ingay at polusyon ng siyudad.
Bigla niya tuloy namiss ang kanilang lugar sa Laguna. Ganito din ang lugar sa kanila na napapaligiran ng maraming puno at fresh ang hangin. Malapit naman na matapos ang semester kaya makakauwi siya sa kanila para sa kanilang semestral break.
“Let’s go Love.” Tawag sa kanya ni Dave na nagpabalik sa kanyang kamalayan. Dahan dahan siyang lumingon sa kanyang katabi na kasalukuyang nakalahad ang kamay para kanyang abutin. At inalalayan siya ng binata na makalabas ng sasakyan.
Pagkababa nila ay mabilis silang sumakay sa yate ng binata para pumunta na sa isla. At tulad ng lagi niyang ginagawa. Inienjoy niya ang bawat tanawin na kanyang nakikita. Para sa kanya. Blessings ang magkaroon ng opportunity na makapunta sa ibat ibang lugar dahil hindi lahat ng tao ay nakakararanas nito.
Hindi naman nagtagal ay nakarating na din sila sa isla ng Boracay. Halos hindi siya makapaniwala na nakatapak na siya ngayon sa puting buhangin ng isla. Isa na naman ito sa mga pangyayari sa kanyang buhay na talagang hindi niya makakalimutan.
“I’ve already asked to prepare our lunch sa villa, then it’s up to you kung gusto mo bang mamasyal or magpapahinga after our lunch?” Tanung sa kanya ng binata na nagpalingon sa kanya.
“Hmmm siguro mamasyal muna tayo para naman makita ko agad ang paligid ng isla. Ok lang ba?” Balik na tanung niya sa binata.
Talagang excited na siyang libutin ang isla. Sabi nga niya sa kanyang sarili talagang lulubusin na niya ang pamamasyal habang libre pa, baka sa susunod ay may bayad na or worst ay hindi na siya makabalik ulit sa isla.
“No problem, your the boss.” Sagot sa kanya ng binata at talagang kinindatan pa siya nito, kaya naman hindi niya naiwasang hindi mamula.
Ewan niya kung gutom ba talaga siya o sadyang masasarap ang mga pagkain na hinain sa kanila. Halos hindi na siya makahinga dahil sa kabusugan. Tinatanung pa siya ng binata kung gusto niya ng fruit shake for dessert.
“Naku mamaya naman! Ito nga oh! halos puputok na yung tiyan ko sa kabusugan.” Nakasimangot na sagot sa binata.
Kaya naman napatawa nalang ang binata sa sagot niya.
“Then if your done, mamasyal na tayo at makapaglakad lakad para magutom at kakain ulit tayo.” Yaya sa kanya ng binata.
Tumango siya at nagpaalam na magpapalit ng damit sa kuwarto na pinagamit sa kanya ng binata.
Hindi din naman siya nagtagal na nagayos. Paglabas niya ng kuwarto ay nakita niya ang binata na tumayo sa pagkakaupo nito paglabas niya ng kuwarto. Hindi niya napigilan hindi amuyin ang pabango nitong nanunuot sa kanyang ilong.
Weakness niya talaga ang mabangong lalaki. Kasi for her kahit hindi ganun kaguwapo basta neat tingnan at mabango talagang napapatulala siya. Bigla na lang siyang natauhan ng narinig niya ang pagtikhim ng binata.
“You can hug me Love, I’m all yours. Don’t be shy.” Sabi nito sa kanya habang pilyong nakangiti.
“Feeling nito! Tara na nga!” Pagyaya niya sa binata habang hindi pa din naalis ang pilyong ngiti nito sa kanya.
Tulad ng plano ay namasyal muna sila sa paligid ng isla. Bukas na siya maliligo sa dagat, lilibutin nila muna ang isla.
Totoo nga ang nababasa at naririnig niyang kuwento ng mga classmate niya na nakarating na sa isla. Wala siyang maisip na salita para madescribe ang kanyang nararamdaman habang tinitingnan niya payapang asul na dagat at puting buhangin nito.
Hindi niya napigilang magalis ng sapin sa kanyang paa at tumakbo sa tuwa. Sinalubong niya ang mahinang hampas ng dagat na nakayapak. Habang ang binata naman ay nakangiti na nakatingin sa kanya.
Kaya naman nagtampisaw siya sa tabing dagat at sinabihan pa ang binata na kuhanan siya ng litrato para may remembrance siya na agad naman ginawa ng binata.
Minsan ay naiinis pa siya sa binata dahil may mga kuha na hindi niya nagugustuhan kaya pinapaulit niya dito. Hindi niya alam kung gaano sila katagal sa tabing dagat. At ng makaramdam siya ng pagkauhaw ay agad niya sinabi ito sa binata, sinuot niya ulit ang kanyang sapin sa paa ng yayain siya ng binata para bumili ng kanilang inumin.
“Buti na lang hindi gaano marami ang tao ngayon.” Sabi niya sa binata habang umiinom sila ng shake na bili sa kanya ng binata.
“Yes, kaya hindi masyado crowded and hindi kasi peak season.” Sagot sa kanya ng binata.
Tumango tango siya at tinitingnan ang mga iilang tao na nasa paligid. Hindi pa rin siya makapaniwala na andito na siya sa lugar kung saan sa libro o sa social media niya lang nakikita. At ang lahat ng ito ay dahil sa lalaking nasa tabi ko ngayon.
“Thank you ha!” Sabi niya sa binata na kasalukuyang nakatingin sa kanya at biglang napakunot ang noo dahil sa kanyang sinabi.
“Thank you kasi, nakarating ako dito sa isla. Alam ko naman na hindi din biro ang ginastos at abala sa iyo ng pagpunta natin dito.” Sabi niya sa binata.
“Love, your happiness is my happiness and don’t mention it. I will do everything for you and believe me I’m serious, when I’ve said that I like you and I want you to be my girl.” Sabi nito sa kanya habang hawak ang kanyang kamay.
Tinititigan niya ang mga magandang mata ng binata at nagiisip siya kung tama ba ang kanyang gagawin. Kaya naman sabi niya sa kanyang sarili bahala na.
“Ok sige!” Sagot niya sa binata.
“W-what?” Nagulat na tanung sa kanya ng binata.
“I mean sige pumapayag na akong maging gf mo.” Sabi niya ulit dito na nagpatigil sa binata.