CHAPTER 27 BRIELLE’S POV Ilang araw na ang lumipas nang umalis si Archie patungo sa Canada. Hindi na rin muna ako pumasok sa opisina dahil masama ang aking pakiramdam. Ilang araw na akong ganito. Palagi akong sumusuka at umiikot ang paningin dahil sa pagkahilo. Wala rin akong ganang bumangon sa higaan, pakiramdam ko ay latang-lata ako. “Sh*t! Ano bang nangyayari sa akin?” Bahagya akong natigilan nang may biglang nag-flash back sa aking isipan. Isang buwan na ang nakalipas, napatingin ako sa kalendaryo na nakasabit sa dingding ng aking silid. Natutop ko ang aking bibig nang maalala kong hindi pa pala ako nagkakaroon ng dalaw simula noong may mangyari sa amin ng lalaking ’yon. “Oh, my God!” naibulalas ko na lang habang sinasariwa ang alaala na nangyari sa amin ng lalaking kumuha ng

