CHAPTER 24 BRIELLE’S POV Parang panaginip lang ang lahat ng nangyari sa amin ni Sir Archie. Hindi ako makapaniwala na umamin siyang gusto niya rin ako. “Uy, bakit abot sa tainga ang ngiti mo riyan, ha?” puna sa akin ng kasamahan kong si Cristina. “Mukhang ang saya natin ngayon, ah! Ano ang mayroon?” dugtong pa nito bago inabot ang ilang folder ng papeles na pipirmahan ni Sir. “Bakit ang mosang mo? Nakangiti ako dahil masaya ako! Ang ganda kasi ng Korean drama na napanood ko!” asar na sagot. “Mosang agad!? Nagtatanong lang, eh!” Tinaasan pa ako ng kilay ng bruha. “Oo, mosang ka! Sige na, bumalik ka na nga roon sa puwesto mo!” Iwinasiwas ko ang aking kamay para itaboy siya. “Oo na! Napakasama ng ugali nito!” nakaismid na sabi niya sa akin. Umalis na nga ito, ako naman ay inabala an

